Chapter 2

9 3 0
                                        

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang magsimula ang pasukan, at sa dalawang linggo'ng yun ay wala namang masyadong mga bullies na ako ang napapag-tripan, dahil na din siguro yun sa lagi 'kong kasama si Lans.

Pag nasa room naman ako ay si Freden ang laging pinag-iinitan ako kaya di ko na lang ito pinapansin. Napansin ko rin na hindi na sila masyadong nagsasama ni Prince. Tama nga si Lans, na pangpalipas oras lang nila ang babae.

Si Justine naman ay naging kaibigan ko na rin. Sa kanilang apat na magkakaibigan ay si Justine ang pinakamatino kasi sya pala ang hindi ganoon kahilig sa mga babae. Sadyang marami lang talaga ang nagkakagusto sa kanya dahil sa itsura nya.

Mabait si Justine sa'kin at pag hindi si Lans ang kasama ko ay sya ang lagi ko'ng nakakasama.

Nung dati ay pinapalayo ko sya pero sya pa rin talaga itong lumalapit kaya pinabayaan ko na lang kasi nakita ko naman na talagang iba sya sa mga kaibigan nya.

Minsan nga ay nagtataka na ang ibang estudyante kung bakit lagi kaming mag-kasama, pero di tulad sa ibang school ay walang issue yun sa kanila. Walang pakialam ang ibang students maliban na lang ata sa mga babaeng may gusto kay Justine.

Magkasama kami ngayon ni Justine. Pagkatapos kasi ng klase namin, inaya nya ako na pumunta sa isang cafe at pumayag naman ako tutal wala naman na kaming klase at hindi na rin iba sa akin si Justine.

"Prithine anong gusto mo?" tanong ni Justine.

"Chocolate cake na lang sa akin Justine." sagot ko kasi hindi naman ako mahilig sa kape.

Nginitian nya lang naman ako at sinabi na nya dun sa waitress yung order namin.

"Ahm Prithine may gusto sana akong sabihin sa'yo." pagsisimula ni Justine.

Tumingin ako sa kanya at mukhang seryoso ata sya sa sasabihin nya.

"Ano yun?" tanong ko.

Huminga muna ng malalim si Justine bago nagsalita.

"Alam kong parang ang aga ata nitong ginagawa ko pero hindi ko na talaga kaya pang itago kung sigurado naman na ako sa nararamdaman ko." pagsisimula nya at ako naman nakikinig lang at inaantay ang mga susunod nya pang sasabihin.

"Kasi Prithine alam mo ba na nung una kitang nakita nung nagka-banggaan tayo biglang lumakas heartbeat ko. Hindi ko alam kung bakit at papaano pero nung tiningnan ko yung mga mata mo, nangyari yun. Hindi maalis ang mga mata ko sa mga mata mo. At sa mga sandaling yun, bigla na lang may pumasok sa isip ko na 'sya na ata'. Masaya ako kapag kasama kita, at sa bawat oras nga ay ikaw ang lagi ko'ng hinahanap. Gusto ko na lagi tayong mag-kasama, gusto kong lagi kitang nakikita. Alam mo ba yun? Kaya ngayon gusto ko sanang magpaalam sayo kung papayagan mo sana ako na manligaw sa'yo Prithine?" diretsong sabi ni Justine.

Ako naman ngayon ay nakatingin lang sa kanya, pilit ko'ng inuunawa yung bawat salita na sinabi nya.

Gusto ako ni Justine? Kaya ba ganun sya makitungo sa akin? Kaya ba mabait sya? At lagi nya akong ipinag-tatanggol sa mga nangbubully sa akin?

Pero paano 'to? Gusto ko rin naman si Justine, Gusto ko sya as a friend. Oo mabait sya, oo lagi nya akong pinag-tatanggol, oo napalapit na ako sa kanya, pero never ko syang nagustuhan. Never akong nakaramdam ng iba para sa kanya. Paano 'to?

Hindi pa naman ako sanay sa ganitong mga bagay. Wala pang ni isang nagkagusto sakin noon kaya ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

Justine's POV

Nasabi ko na kay Prithine lahat ng gusto ko'ng sabihin sa kanya at ngayon inaantay ko na lang kung ano ang magiging sagot nya. Sana talaga payagan nya ako para ipakita ko sa kanya kung gaano sya kaimportante para sa akin.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon