Kinabukasan, pagkapasok ko sa school, nakasabay ko si Sum.
"Oh bat parang puyat ka ata?" tanong nya
Halata ba masyado? Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip dun sa mga sinabi ni Prince.
"Nagpunta kasi kami ng party kagabi nila daddy e." sabi ko na lang.
Naglalakad pa rin kami ng may makita kaming nagkukumpulan. Nakita kong nandun si Lans sa mga nagkukumpulang tao kaya nagpunta kami dun.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya at nang tumingin ako sa harap nakita ko si Freden na nakahawak sa kamay ni Prince. Nakita ko naman na napatingin sakin si Prince sabay tinagtag yung pagkakahawak ng kamay ni Freden sa kanya.
"Just stop this Freden, alam mo naman na I'm not into some serious relationship, at pumayag ka dun, and right now, wala na akong connection sayo, kaya please lang, stop this nonsense." mahinahong sabi naman ni Prince.
So kaya pala hindi ko na sila nakikitang magkasama, kasi break na sila. Hindi ko rin mapigilang maawa kay Freden kasi kailangan nya magmakaawa at maghabol kay Prince na walang pakialam sa kanya ngayon, and worse is sa harap pa ng mga schoolmates namin. Nagbubulong-bulungan na din ng hindi magaganda ang mga taong nakapalibot tungkol kay Freden.
Ang sama naman kasi ng ugali ni Prince e. Wala syang pakialam sa mga nararamdaman ng mga babaeng ginagamit at niloloko nya. Porket anak sya ng may-ari ng school na 'to. Feeling nya kaya na nyang gawin yung gusto nya. Nakatingin lang ako sa kanya, ng bigla akong may naramdamang pagka-dismaya.
"Tara na." pag-aaya ko na kay Lans at Sum.
Nagpunta na lang muna kami ng cafeteria, kasi maaga pa naman, and hindi pa mags-start yung mga klase. Hindi namin kami kumain, tumatambay lang kami kasi wala kaming ibang mapupuntahan.
"Ang sama naman ng lalaking yun. Hinahayaan nyang gawin ng babae yun sa kanya. Walang puso." sabi ni Sum.
Tahimik lang ako ditong nakaupo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Nah. Hindi rin, balita ko kasi, yung si Freden lang naman ang pumilit kay Prince para maging sila." sagot naman ni Lans.
Inirapan lang sya ni Sum. Itong dalawang ito, hanggang ngayon parang magka-away pa rin. Hindi ko na lang pinansin na magsagutan yung dalawa kasi iba talaga nasa utak ko e.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong pagkadismaya, lungkot, saya, at takot. Pero bakit nga ba ako nababagabag ng nangyari kanina? Dapat wala lang sakin yun.
Nagpa-alam na lang ako sa dalawa na pupunta na ako ng room ko. Habang naglalakad, may sumabay sa akin, si Justine na ngumiti lang.
"Anong problema mo Prithine? Bakit ganyan itsura mo?" tanong nya habang hinarap nya ako sa kanya.
"Ah wala 'to, puyat lang siguro." sabi ko na lang.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya, na dahil sa kaibigan nya, kaya ako nagkakaganito. At hindi ko nga rin alam kung bakit naging ganito epekto nya sakin e.
"Sure ka ba? Ok ka lang?" dagdag pa nya at isang tango lang binigay ko sa kanya.
Nang makarating kami sa room, nandun na si Prince. Nakatingin sya saming dalawa ni Justine na nakakunot na naman ang noo kaya umiwas na lang ako.
Lutang lang ako buong klase, at hindi ko rin maintindihan yung tinuturo ni sir. Pero hinahayaan ko na lang, kasi kapag nakapag-focus naman ako at inaral ko yun, alam kong matututunan ko din agad.
Sunod-sunod ang klase namin ngayong araw, at buong araw ata akong walang natutunan. Si Justine na katabi ko, alam kong nag-aalala na din sya sakin pero halatang pinipigilan nya lang sarili nyang wag mag-tanong sakin.
Minsan pina-pat nya lang yung kamay ko, kapag may importante na dun sa mga tinuturo ng prof. namin at isang ngiti lang ang binabalik ko sa kanya. Nagpapasalamat na lang ako na may isa akong katabing maalalahanin.
Pero ano na nga bang balita kay Justine? Parang hindi manlang nagbago ang turing ko sa kanya sa mga araw na magkasama kami. Bakit ba hindi ko sya magustuhan? Nasa kanya na din naman mga katangian ng isang lalaki na hinahanap ng mga babae, pero hindi ko pa rin sya matanggap. Ngayon, ako na din yung nasasaktan para sa kanya.
Pagkapasok ko dito sa school na 'to, bigla na lang nag-iba ang takbo ng buhay ko. Yung dating laging mag-isa at tahimik nawala na. Dumami ang mga nakakakilala sa akin at nakakapansin. Dumating si Justine na napaka-bait na tao na nagturo sakin na mag-saya at pinaramdan na hindi ako lagi nag-iisa. Si Prince naman, tinuruan ako kung pano maging isang maingay na nerd kapag kasama ko sya.
Habang tumatagal, mas nagiging komplikado na ang mga bagay para sa akin. Natatakot ako na may dumating na isang pagsubok na hindi ko kayanin, kaya kailangan ko lang maging matatag. Wag kong problemahin ang mga bagay na hindi magiging worth it.
Ngayon, nasimulan ko na ang lahat ng ito kaya dapat ko na lang panindigan. Masaya ako. Malungkot ako. At normal lang na maramdaman yun ng isang tulad ko, kaya dapat i-enjoy ko na lang lahat and i should just go with the flow.
Kung may magbabago man, magbago na pero kailangan kong siguraduhin na wala akong pagsisisihan sa lahat.
"Huy, ang lalim naman ata ng iniisip mo!" sigaw sakin ni Sum.
Nakalimutan ko na kasama ko nga pala ang babaeng ito ngayon. Nandito kami sa bahay, sa kwarto ko. Nakahiga sya sa kama ko, habang nagkakalikot sa cellphone nya.
"Hay nako. So ano bang plano mo? Mag-higa na lang dito sa kama ko?" sabi ko sa kanya.
Ang baliw nya kasi e, mag-aaya tapos wala namang plano.
"Eee ang boring naman kasi e." pag-iinarte pa nya.
So akala nya ba hindi ako nabo-bored dito, kung nandito lang sana si Prince. Ugh! No! Not again. Not Prince. Napapadalas na din ang pag-alala ko sa kanya kaya naguguluhan talaga ako sa sarili ko.
"Ipagluto mo na nga lang ako Sum. Try natin yang galing mo sa pagluluto." pag-suggest ko sa kanya habang nakangiti at tumango lang din sya.
Nandito na kami ngayon sa kitchen, at sya naka-apron na. Lasagna ang gagawin nya, ni-request ko kasi lasagna ang favorite kong food. Nanunuod lang ako sa kanya, habang nagluluto sya, at hindi ko mapigilang magutom kapag naamoy ko yung luto nya.
After nya matapos, pinatikim na nya sakin and HEAVENNNN! Ang sarap. Ang galing talaga naman ng bestfriend ko. Naubos namin lahat ng gawa nya, and after nun, biglang tinawagan sya ni Tita Fely, yung mommy nya. May pupuntahan daw sila, kaya nag-paalam na din sya.
Ako na nagligpit ng pinagkainan at mga pinag-lutuan ni Sum nang bigla namang dumating sila Ate Queen, Kuya Arth, tsaka si Theo at si mommy.
"Hello. Hello." bati ko sa kanila.
"Anak, we have good news for you." sabi naman ni mommy na mukhang excited na excited.
Tumingin naman ako kela ate, at nakangiti lang sila. I'm sure alam na nila yung about dun.
"What is it mom?" tanong ko naman
"Mag a-outing tayong buong family." masayang sabi ni mommy and lalong lumawak ang ngiti ko sa narinig ko.
Matagal na din kaming hindi nagfa-family outing since nung umalis si dad at si ate, and i'm so excited na mauulit yun and kasama na sina Theo. It'll be so much fun.
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Roman pour AdolescentsWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?