Chapter 28

7 2 0
                                        

Prithine's POV

Today is one of my favorite dates of the year, March 18 and it's my birthday. It's my 20th birthday. Habang nakahiga ako dito sa kama ko ay ibang saya ang nararamdaman ko lalo na at mace-celebrate ko yun with Prince. Pinaalam ko naman kala mommy na wag na akong mag-hahanda ngayon, all I want for my birthday this year is to be with Prince and pumayag naman sila.

Hindi ko pa pinapaalam ang napagplanuhan ko dahil gusto ko syang isurprise. Siguro ay hindi nya alam na ngayon ang birthday. Hindi naman sya nagtatanong at hindi ko rin nabanggit sa kanya. I'm sure na matutuwa sya.

Nang maexcite ako sa mga naiisip ko ay agad na akong tumungo sa banyo upang maligo at papasok pa nga pala ako sa school. Doon ko na lang sasabihin kay Prince. Nang matapos akong maligo ay sinuot ko na ang kulay itim kong pantalon at isang kulay dark blue na hoodie pang-taas, total ay freestyle namin ngayon. Saglit ko'ng pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower at tsaka ipinusod din ito sa isang maayos na bun. Pinunasan ko din muna ang lense ng salamin ko at isinuot din ito. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsapatos, tsaka dumiretso sa dining.

"Goodmorning everyone!" masayang bati ko sa kanila.

Napatingin silang lahat sa akin at napangiti.

"Happy birthday, anak." bati sa akin ni daddy, sabay abot sa akin ng isang envelope.

"What's this dad?" tinaasan lang ako ng kilay ni daddy. Umupo naman ako sa upuan ko at binuksan ang envelope.

"That's from me and your mother."

Nang Makita ko ang laman ng envelope ay napayakap na lang ako sa kanilang dalawa.

"Ohmygod! Is this real? Dad?" umaga pa lang ay grabe na ang saya ko.

Ang laman ng envelope ay isang papel na naglalaman ng note kung saan sinasabi na after ko'ng grumaduate at mag-train for a couple of months, ay magiging akin na ang DeLanxi Corporation. Gaya ng naipangako sa akin ni daddy nap ag nasa tamang edad na ako ay ako na ang magma-manage non.

"Yes, that's real dear, I trust you that's why me and your mom decided to give that to you as your gift."

"I'm speechless dad, mom, thank you so so much for this."

Niyakap lang nila ako and I can feel how happy they are for me. I'm so blessed to have a family like them.

"Happy birthday little sister."

"Happy birthday Prithine."

"Happy birthday tita Prithine."

Sunod-sunod na bati sa akin ng pamilya ni ate. Kumpleto kami sa agahan ngayon umaga. It's good to start the day.

"You'll see our present later." Masayang bigkas ni ate habang pumapalakpak pa. Natatawa na lang naman si Kuya Arth sa inaakto ng asawa nya.

Pagkatapos ko'ng mag-toothbrush ay nagpahatid na agad ako sa school. Masaya akong pumasok sa room, nang Makita kong wala pa si Prince ay umupo na lang ako sa upuan ko at hinintay sya.

Napatayo ako sa inuupuan ko nang makitang papasok na ng room si Justine, si Nate, at si Mike. Hinihintay ko'ng pumasok ang lalaking gusto ko'ng makita kaso ay nadismaya ako na walang nakasunod sa kanila.

"Where is he?" tanong ko agad kay Justine. Bakit hindi nila kasama si Prince?

"Ah. We don't know. Hindi pa namin sya nakikita." sagot lang sa akin ni Justine bago ngumiti.

"Ah by the way, happy birthday Prithine." lumingon ako sa kanya at binigyan sya ng isang saglit na yakap. Mukhang nagulat naman sya sa ginawa ko kaya natawa na lang ako.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon