Today is saturday and I'm with my ate and my cute pamangkin na si Theo. Namamasyal kami dito sa mall.
"Mommy i wanna ride there." sabi ni Theo at itinuro yung car na rides.
Nagpunta naman kami doon at sumakay na si Theo.
"Tita Prithine, you wanna ride too?" tanong sa akin ni Theo at napatawa naman ako.
"No thanks little boy." sabi ko sabay gulo ng buhok nya.
Pagkatapos ni Theo sa mga rides ay naglakad-lakad naman kami ng mapadaan kami sa isang bookstore.
"Ate mauna na muna kayo ni Theo, daan lang ako dito sa bookstore, just text me kung nasan kayo." pagpapaalam ko at tumango naman sa akin si ate.
"Take care." sabi pa nya bago tuluyang umalis.
Pumasok na ako sa bookstore at nag-tingin ako ng mga books na pwede ko'ng bilhin.
May isa akong nagustuhan kaso nasa kabilang side sya ng shelf, nahagip lang sya ng mata ko kasi may bakante sa tapat nya dito sa side ko. Ang galing ko talaga makakita ng magandang libro na kahit nasa kabilang side kita ko. Kukunin ko na sana yun nang maramdaman 'kong parang may humihila din nito sa kabilang side.
Hinigit-higit ko ito para ako ang makakuha pero napakalakas nung nasa kabila kaya naman pag kahigit nya nabitawan ko iyong book at natumba pa ako.
"Ouch." nasabi ko na lang habang tumatayo at hawak-hawak ang pwet ko.
Pagkatayo ko may nakita akong isang lalaki na hawak hawak yung book sana na bibilhin ko at nagulat ako na si Prince pala yung lalaking yun. Nakatingin lang sya sa akin at nakataas pa ang isang kilay.
"Sorry but not sorry, and by the way this book is already mine nerd." sabi nya at pinakita pa sa akin yung librong hawak nya.
Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa mga sinasabi nya ngayon, at feeling ko ay lumalabas ang kamalditahan kong side.
"No! That is mine, ako ang nauna dyan. Kukunin ko na sana yan nang bigla mo namang inagaw." sabi ko naman sa kanya.
"Hindi ko 'to inagaw sa'yo, ako ang nauna dito." sabi nya naman
"Psh, ewan ko sa'yo!" sabi ko na lang at umalis na ako.
Pag libro na talaga ang pinag uusapan ay hindi ko na mapigilan na makipag-away. Nakakabwisit ang lalaking yun. Ang ganda-ganda pa naman sana ng librong yun.
Nang makalabas ako ng bookstore, tinawagan ko si ate para itanong kung nasan sila, at nasa fastfood chain daw sila malapit sa bookstore.
Naglalakad na ako papunta dun sa fastfood chain na sinasabi ni ate nang may maramdaman akong sumusunod sa akin.
Tumalikod ako para tingnan kung sino yun at nag-init na naman ang ulo ko nang makitang si Prince na naman yun.
Pinuntahan ko naman sya para tanungin.
"Are you stalking me?" diretsong tanong ko sa kanya.
"No! And why would I do that huh Ms. Nerd?" pasigaw na sagot nya ng nakangiti.
"So why are you following me then?" tanong ko ulit sa kanya ng nakataas na ang isang kilay.
"Psh I am not following you, dito din ang daan dun sa pupuntahan ko kaya wag kang feelingera dahil hindi ka naman maganda." diretsong sagot nya sa akin at lalo namang nag-init ang ulo ko sa mga sinabi nya.
Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon? Bakit ako nakikipag-away sa lalaking ito ay ang pagkakaalam ko ay hindi nga kami close. Ni hindi nga kami nag-uusap nito sa school o kahit sa room.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Подростковая литератураWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?