Chapter 11

8 2 0
                                    

"Hoy!" tawag ng isang lalaking boses at alam ko kung kanino galing ang napakapanget na boses na yun. Kahit hindi ako humaharap alam ko nang sya yun.

Hindi ko sya pinansin, pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko at nagkunwari na hindi sya narinig. Akala ko aalis na sya pag di ko sya pinansin pero binato lang nya ako ng batong maliit at natamaan lang naman ako sa ulo kaya hinarap ko na ang asungot na yun.

"Ano bang problema mo Prince? Bakit ba nandito ka?" asar na tanong ko sa kanya at yung loko tumawa lang.

"Anong bakit nandito eh tambayan ko 'to. Siguro sinusundan mo ako no kaya alam mo ang lugar na 'to." sabi nya at ngumiti pa. Ang kapal talaga nya. Akala nya naman susundan ko sya. Eh malay ko ba na tambayan nya 'to.

"Hoy! Hindi kita sinusundan. And FYI nadaanan ko lang 'to." wala akong panahon na makipagtalo pa sa kanya ngayon kaya tumayo na ako para umalis. Baka mang-asar lang yun eh.

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad na ako palayo. Epal talaga ng asungot na yun. Kung nasan ako, nandun din sya. Hmp. Makauwi na nga lang.

Habang naglalakad naman ako, naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Tumingin naman ako sa likod pero wala namang tao. Nagpatuloy na lang ako at nang may maramdaman ulit ako na nasa likod ko ay humarap ako dito pero wala naman. Huhu. Minumulto ata ako dito ah kahit hapon pa lang.

Binilisan ko na lang yung lakad ko habang nakatingin pa rin sa likod baka kasi maramdaman ko na naman yun pero nung pagharap ko may nabangga ako. Akala ko sa poste lang ako nabangga pero nagulat na lang ako nang makita ko na nasa harap ko si Prince. Ang lapit namin at nakatigin lang sya sakin. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko kaya lumayo ako ng konti sa kanya.

"Ano ba? Bakit ka ba nang-gugulat na asungot ka ha?" sigaw ko sa kanya.

"Anong nang-gugulat eh ikaw nga yung hindi nakatingin sa dinaraanan mo eh."

"Eh bakit ba kasi nakaharang ka sa daan? Psh. Tabi nga!" sabi ko sabay tulak sa kanya.

Sinundan nya naman ako kaya binilisan ko na lang ulit yung paglalakad ko. Akala ko nga iiwan na nya ako pero tuloy-tuloy lang sya.

"Bakit ba sinusundan mo ako?" pagharap ko sa kanya.

"Tss. Assuming mo panget. Akala mo naman susundan kita eh sa dito din yung daan ng pupuntahan ko eh?" pagtatanggol nya.

Ano ba yan? Bakit nga hindi ko naisip na baka dito lang rin yung daan nya. Eyy. Ano ba Prithine. Nagmumukha ka tuloy assuming.

Dahil sa hiya ko ay tinalikuran ko na sya at tumakbo na ako pauwi tutal malapit naman na. Ayaw ko na kasi makita yung Prince na yun. Naririnig ko naman yung tawa nya habang palayo ako.

Pagdating ko ng bahay. Hingal na hingal ako. Agad naman akong pumasok sa loob at isinarado yung pinto. Nakita ko lang si mommy na nag-aayos ng mga tanim nya dito sa loob ng bahay.

"Oh anak, anong problema? Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong sakin ni mommy at nilapitan ako.

"Wala po mom. Nagtatakbo po kasi ako eh."

"Bakit ba naman kasi tumakbo ka at bakit ang aga mo ata ngayon tsaka bakit hindi ka na lang tumawag sa driver para magpasundo?" ang dami namang tanong ni mommy.

"Mommy, may meeting po kasi kaya pinauwi na lang kami. Naisipan ko naman po na maglakad na lang kasi maaga pa naman po tapos may nakita po akong magandang lake at may dumating na isang asungot na hinahabol ako." paliwanag ko.

"Anong hinahabol?" nagulat na lang ako bigla dun sa nagsalita. Bakittttttttt? Bakit nandito na naman sya?

"Hi tita." bati nya kay mommy. Ako naman nandito, nakatayo at tinitignan sya.

Hiyang-hiya na talaga ako. Ano ba naman kasi ang nangyari sa araw na 'to. Bakit ganito? Walang magandandang nangyayari kapag andyan si Prince.

Tumakbo na lang ako paalis at dumiretso sa kwarto ko. Nilock ko na yung pinto ko para di na pumasok yung asungot na yun. Humiga na lang ako sa kama ko at nagpahinga. Napakapanget naman ng araw na 'to at yun ay dahil sa isang asungot na nagngangalang Prince. Tsk tsk.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon