Prithine's POV
Maaga akong pumasok ngayon para hindi ako maabutan ng mga bullies. 6:30 pa lang nasa school na ako, 7:30 kasi ang time namin. Wala pang masyadong students kaya nagdiretso na ako sa room, pag dating ko dun ay nakita ko si Justine na nakaupo dun sa arm chair nya na katabi nung sakin, nagbabasa sya. Pumunta na ako dun sa upuan ko at siguro napansin nya ako kaya napatigil sya sa pagbabasa.
"Hi Prithine. Goodmorning." bati nya sa'kin sabay ngiti.
Nginitian ko din sya at binati ko rin.
"Hi. Goodmorning din." sabi ko sabay upo sa tabi.
Kinuha ko yung libro ko at nagbasa na lang din ako tutal maaga pa naman at wala pang masyadong students.
Habang nagbabasa ako napansin ko'ng nakatingin sa akin si Justine kaya naman hinarap ko sya.
"A-ah bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya at ngumiti lang naman sya sa'kin.
"Hindi ko nga rin alam eh, eto kasing mga mata ko ang kukulit, ayaw umalis sa'yo." sagot nya.
Bigla namang nag-init yung pisngi ko sa sinabi nya kaya napaiwas na lang ako ng tingin at nagbasa na lang ulit. Narinig ko naman na tumawa sya ng mahina.
"Alam mo ba? Ang gan---" di nya natapos yung sasabihin nya dahil biglang bumukas yung pinto dito sa room.
"Bro Justine! Ang aga mo ngayon ah. Bakit hindi ka sumabay sa'min?" sabi nung isang lalaki.
Ngayon ko lang nakita yung dalawa sa kanila. Siguro ay ngayon lang sila pumasok. Tatlo kasi sila at ang isa dun ay yung si Prince. Mga kaibigan din siguro sya ni Justine. Nang tumayo si Justine, napatingin sa akin yung tatlong kaibigan nya.
"Ah kaya naman pala maaga ka." sabi naman nung isang lalaking palipat-lipat ang tingin samin habang nakangiti.
Tumawa lang naman si Justine sa sinabi ng lalaki.
"Si Prithine nga pala, Mike at Nate." pagpapakilala ni Justine sa akin sa mga kaibigan nya.
Tumingin ulit sakin yung tatlo at binati pa ako.
"Hi Prithine!" sabay na sabi nung Mike at Nate
"Hello." simpleng sagot ko sa kanila.
Napatingin naman ako dun kay Prince na nandun pa rin sa may pintuan, nakasandal lang at nakapamulsa pa.
Lumapit si Justine dun sa mga kaibigan nya at tinuloy ko na lang ang pagbabasa ko dahil yung apat ay nag-uusap.
Prince's POV
Matapos magkakilala ng dalawa kong kaibigan at yung nerd na yun ay nag-usap kami ng mga kaibigan ko. Di naman pala ako kasali dun. Nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Bro? Seriously? Nerd? Nerd huh?" tanong ni Nate habang patawa-tawa at umiiling.
"What's wrong with that? She's simple." sabi naman ni Justine.
"And weird." dugtong ni Mike at yung dalawa naghagalpakan ng tawa.
"Hey stop laughing you two. You guys don't know her. Alam nyo ba pag nakita nyo sya ng maayos, yung walang glasses at tinitigan nyo yung mga mata nya makikita nyo na maganda talaga sya, I've seen her bare face yesterday kaso kayo hindi nyo lang makita, and besides I can see na she's also kind." pagtatanggol ni Justine at napatigil naman yung dalawa.
Napaisip naman ako dun sa sinabi ni Justine na maganda daw yung nerd na yun pero sa tingin ko ay hindi naman. Bahala nga sya sa buhay nya, nerd pa ang papatulan.
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Fiksi RemajaWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?