Prithine's POV
Kasama ko ngayon dito sa isang bookstore sa loob ng mall sina Sum at Lans, pauwi na ako kanina ng makasalubong ko silang dalawa at napag-isipan namin na gumala-gala muna. Napansin ko naman na medyo nagkasundo na sila. That's a good thing.
Bibili lang naman ako ng ballpen e, nawala kasi yung ballpen ko sa room, lagi na lang e. Nandito na din naman kami kaya bibili na ako. Nang makabili na ako ay lumabas na kami ng bookstore at gumala pa nang mapadaan kami sa isang ice cream stall. Huminto muna kami dun at tsaka bumili.
"Bakit ka ba nanunundot?" sigaw ni Sum.
Nagulat ako pati yung vendor sa kanya at si Lans naman tuma-tawa lang. Kanina ko pa napapansin 'tong dalawang ito e. Ang gulo nila, I mean si Lans lang pala yung magulo, kanina pa nya kinukulit si Sum.
"Diba you belongs to me, I can do whatever I want." pagsasalita ni Lans, at ako ngayon ay nakanganga lang sa kanilang dalawa. Anong meron sa dalawang ito? Hmmm.
"Ugh! I'm so tired of this, kanina ka pa sa klase!" iritang sigaw na naman ni Sum at si Lans mukhang hindi na takot kay Sum.
Hinahayaan ko lang silang dalawang mag-talo sa harapan ko, habang kumakain ako ng ice cream. Susubo na sana ako ng may biglang kumalabit sa akin sa likod, tumingin ako at wala namang tao, tapos pagharap ko nagulat na lang ako ng isubo ni Prince ang ice cream na nasa kutsara na kanina ko sanang isusubo. Ngumiti lang sya sakin and that so damn beautiful smile of his is making my heart flutter. Iba talaga ang dating sakin ng lalaking 'to. Gusto ko syang ipagdamot. Gusto ko sakin lang sya ngingiti ng ganyan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
Napansin ko naman si Mike, si Nate at si Justine sa likod nya, at ngumiti lang ang mga yun sa akin.
"Mangchi-chix sana kami, and I found one, right in front of me." sabi nya sabay kindat, alam ko'ng nagbibiro lang sya sa sinabi nya pero feeling ko namumula na ako dito. Di manlang sya nahihiya na nandito mga kaibigan nya na natatawa lang sa sinabi ni nya.
Tumigil naman na sa pag-aaway ang dalawa 'kong kasama ng mapansin kami. Lumapit sa akin yung dalawa. Nakita ko na napatingin yung tatlong kasama ni Prince kay Sum.
"Hi there." masayang bati ni Mike kay Sum.
"Hi your ass." pagbabalik nya at natawa lang kaming lahat.
Nakita ko naman na nag-iba ang masayang mukha kanina ni Lans sa isang naiinis na ekspresyon.
"May I excuse my love?" pagpapa-alam ni Prince kala Lance, at tumango lang naman ang mga ito. Naikwento ko na rin kay Lans ang nangyari at nung una ay nag-alangan pa sya pero natanggap na din nya kasi yun daw ang ikasasaya ko.
"Sige, Sum, I'll see you tomorrow. Bye Lancs." sabi ko sa kanila tsaka ako hinila ni Prince sa kung saan. Hindi manlang sya nagpaalam sa mga kaibigan nya, basta na lang nya iniwan dun.
Sum's POV
Nung umalis na ang lovers ay agad na din akong naglakad paalis dun sa pwesto namin kanina. Naramdaman ko naman na may mga nakasunod sa akin, at pagtalikod ko ay nakita ko yung apat si Lans tsaka yung tatlo pang lalaking kasama ni Prince kanina.
Nagmumukha tuloy akong asong ina, tapos nakasunod yung mga anak na tuta. Naaasar na naman ako! Hindi ko alam kung bakit napaka bad temper ko, mabilis akong mainis at magalit kaya maraming lumalayo sa akin, si Anna lang tsaka ang kuya ko ang nakakaintindi sakin e.
Nang harapin ko yung apat ay napatigil sila sa paglalakad.
"What the hell? Anong ginagawa nyo?" sigaw ko sa kanila ng makitang kunwari ay nag-pipicture sila. Todo pose pa ang mga loko at nakisali pa si Lans.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Подростковая литератураWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?