Chapter 29

7 2 0
                                    

Prince's POV

"Ahh! I want to go see her! Damn it!"

Kanina pa ako dito hindi mapakali, pagka-alis na pagka-alis pa lang ng bahay ni Prithine para pumasok ay pumunta na ako dito sa bahay nila. I know that she wanted to surprise me, pero ang hindi nya alam ay sya ang isu-surprise ko. Ang alam nya ay hindi ko alam na birthday nya ngayon, but she was wrong, boyfriend nya ako kaya dapat ay alam ko ang tungkol sa kanya.

Tinulungan ako nina ate Queen at kuya dito sa gagawin ko. Sila ang mga magiging kasabwat ko sa lahat, kasama din dun syempre ang mga kaibigan ni Prithine at mga kaibigan ko. Sa bawat update na binibigay nila sa akin tungkol kay Prithine ay mas lalong gusto ko na syang puntahan. Sinabi nila sa akin na malungkot daw si Prithine at mukhang walang gana. Ang alam nya ay wala akong pakialam. Kahit gustong-guto ko na syang puntahan ay hindi pwede.

Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kanya, and I'm sure that she'll understand after she saw what we've prepared for her.

5:30pm na pero hindi pa dumadating si Prithine. Lahat kami ay nandito na kasama si Lans at si Sum pero sya ay hindi pa umuuwi. Nag-sisimula na akong mag-alala sa kanya. Pinagpapawisan na ako ngayon kahit malamig naman. Umuulan pa naman sa labas, nasan na ba kasi ang nerd na yon?

Napatingin ako sa likod nang may biglang humawak sa balikat ko.

"Don't worry too much Prince, she'll come." nakangiting sabi sa akin ni Justine.

Napatingin ako sa paligid at napangiti na lang na makita ang salas nila na puno ng decorations. May mga lobo na nasa paligid at may mga pictures na nakadikit sa dingding. Malalaki ang pictures na yon at makikita mo doon ang iisang mukha mula sa kanyang pagkabata hanggang ngayong dalaga na sya. Bata pa lang sya ay gumagamit na sya ng salamin, at sa bawat picture ay mapapansin na hindi sya mahilig magpa-picture dahil ang ilan sa mga yun ay stolen shots lang.

Agad na napatayo kaming lahat sa pagkakaupo nang marinig sabihin ni ate Queen na parating na daw si Prithine, text daw sa kanya ni manong. Agad namang pinatay ang mga ilaw at nag-sitaguan na ang mga kasama ko, at ako ay pumunta na sa magiging pwesto ko. Ngayon ko lang naramdaman ang magkahalong kaba at saya. Thank God she's safe.

Nang marinig ko ang pag-pihit ng pinto ay napahigpit ang pagkakakapit ko sa boquet ng red roses na dala ko. Nasilayan ko ang isang napakagandang babae na medyo basa pa dahil sa ulan, ang ilaw mula sa labas ang nagsisilbing liwanag nya para makita ko sya. At dahil madilim dito sa loob ay hindi nya alam na nandito na ako sa tapat nya.

Kinapa nya ang switch ng mga ilaw, at unang bumukas ay ang salas nila. Nakita ko na agad ang pagkagulat nya nang makita ang mga dekorasyon sa paligid. Dahil nasa gitna ako nang hagdan ay hindi pa umaabot ang liwanag sa akin. Sinunod nyang pindutin ang isa pa'ng switch at kasabay ng pagbukas ng ilaw na nasa tapat ko ay nakita ko ang isang nakangiting babae. Nagsimula na akong maglakad palapit sa kanya na hindi inaalis ang tingin sa kanyang maamong mukha.

Others might say that she's not the most beautiful woman, but for me she is the only woman who I think is beautiful. Wala nang maganda sa pangingin ko, maliban sa babaeng mahal ko na nasa tapat ko ngayon. She's the reason of my happy life right now and she deserves all the love that I'm giving her. She deserves all of this.

Nang papalapit na ako ay napansin ko na ang luhang bumabagsak mula sa kanyang mga mata. Nang tuluyan na akong makalapit ay agad na hinawakan ko ang pisngi nya gamit ang kanang kamay ko para punasan ang mga luha nya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang basa nyang mukha.

"Happy birthday my love."

Nang sabihin ko yun ay isang napakahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya.

"Thank you so so much Prince, I didn't expect this. You made me so happy." naiiyak na sabi nya pa habang hindi umaalis sa pagkakayakap sa akin. Hinahagod ko lang ang kanyang likod para patahanin na sya sa pag-iyak nya.

"By the way, these flowers are for you." inabot nya yun at sandaling inamoy.

"All of these are so beautiful Prince, including you." pabulong na sabi nya at napangiti na lang ako dahil sa sinabi nya. Sa mga salita nya pa lang ay kayang-kaya na nya akong makuha. This girl has a really huge impact to me.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you."

Napatakip si Prithine sa kanyang bibig nang mag-simula nang mag-labasan ang mga taong kasabwat ko sa lahat ng ito. Nauna ay ang mommy at daddy nya. Ngayong araw din ay humingi na ako ng permiso sa mga magulang nya na mahalin ko sya at pumayag naman sila. Isa din yun sa ipinagdiriwang ko ngayon. Masayang pumapalakpak lang ang mga ito habang nakatingin sa amin. Sumunod na lumabas ay sina kuya, ate Queen, at siTheo na may dalang isang heart-shaped balloon. Lumapit sila sa aming dalawa at iniabot ni Theo ang lobo kay Prithine.

"Happy Birthday tita Prithine. That's for you." turo ni Theo sa lobo na ngayon ay hawak na ni Prithine.

"This is our present Prithine, tinulungan namin si Prince sa plano nyang 'to and the pictures are from me." pagmamalaki naman ni ate at kinindatan ako. Natawa naman ako sa ginawa nya.

"Thank you ate, kuya, and of course kay Theo." pagpapasalamat ni Prithine habang pinipisil ang matatabang pisngi ni Theo.

Ang huling lumabas galing sa kusina ay sina Sum at Lans, kasama ang tatlong kaibigan ko na sina Justine, si Nate, at tsaka si Mike. Mga nakangiti lang naman sila at bakas sa mukha nila na masaya sila sa nangyayari ngayon. Pero wala pa ring mas sasaya pa sa akin. I think that I am the happiest man right now.

"Take care of our daughter Prince, don't you dare hurt her." salubong ng daddy ni Prithine sa amin.

"I'll surely take care of your lovely daughter Tito, Tita. You don't have to worry." kampante ko'ng sabi sa kanila. Tahimik lang si Prithine sa tabi ko habang pinapanuod kami ng daddy nya na mag-usap. I'm glad na ngayon ay alam na ng lahat na Prithine is officially my girlfriend.

"When did you plan all of this?" tanong sa akin ni Prithine habang pinaglalaruan ang hawak nyang rose na kinuha nya sa boquet na binigay ko.

Nandito kami ngayon sa kwarto nya, habang nasa salas silang lahat sa baba na masayang kumakain. I believe na dito sa kwartong ito nag-simula ang lahat. Sa mga pangungulit at pang-aasar ko sa kanya, tapos sa pag-tulog ko dito kasama sya. Sa mga yakap nya nun na alam kong hindi nya pa rin alam na ginawa nya. At syempre ang hindi ko makakalimutan ay ang sandaling pagtatama ng aming mga labi. Aksidente lang iyon pero para sa akin ay iyon na ang pinakamagandang first kiss.

At oo, it was my first kiss. I've dated a lot of girls but I never kiss them. Masyadong pangbabae mang pakinggan pero mas magandang mapunta ang first kiss sa taong mahal natin, at hindi ako nag-sisisi sa nangyaring yon. Halos hindi na ako nakatulog ng gabing yon dahil sa kakaisip nun, at sa gabing yun ay nagsimula nang maging malinaw para sa akin na gusto ko na sya. Gusto ko na si Prithine.

"I think it's 3 days before this day. Pinag-isipan ko pang mabuti kung ano ang gagawin ko, and then a thought came into my mind na, instead of going out for a date, why not celebrate your birthday with the most important people to us? Right? Ito na din yung naging chance ko para ipaalam kala Tito ang tungkol sa atin."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang maabutan'g nakatitig sa akin si Prithine. Her eyes can show me how happy she is. The way she looks at me was so breathe-taking and I couldn't help myself to stare at those beautiful eyes of her.

"Once again, I would like to tell you how thankful I am for this memorable day, Prince." sabi nya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang tingin sa akin. What just happened to the shy Prithine who couldn't even look at me back then? Mukhang bumaliktad na ata. Akon a ngayon ang naiilang sa mga tingi nya.

"I am more grateful to have you in my life Prithine." kinuha ko ang isang kamay nya at marahan ko iyong hinalikan. Matapos nun ay ikinulong ko na sya sa yakap ko. Nasa tabi ko sya habang nakapatong ang dalawang binti nya sa hita ko. This feels really nice. Kapag sya ang kasama ko ay komportable ako at parang gusto ko nang itigil ang oras upang hindi na matapos ang saya ko.


The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon