Last day na namin ngayon dito sa beach kasi bukas may pasok na kami. Uuwi kami mamayang hapon.
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa lahat ng mga nangyari kahapon. Tungkol sa sinabi ni Prince, at tungkol na rin sa nararamdaman ko. Naisip ko rin kagabi si Justine kaya lalong naging magulo at mahirap para sa akin ang mag-desisyon.
Kaibigan ni Justine si Prince. Pano na lang kapag nalaman ni Justine na gusto din pala ako ni Prince? Baka mag-away sila, pero baka hindi rin naman siguro. Siguro maiintindihan naman yun ng isa sa kanila. Pero nag-aalala pa rin talaga ako.
Ang sigurado lang talaga ako ay sa isang bagay, na gusto ko na din talaga si Prince. Iba talaga ang pakiramdam kapag sya ang lagi kong kasama. Oo, nauna si Justine na laging nandyan para sakin pero never kong naramdamang naging special sya sa akin. Pero pag kay Prince, nakikita ko pa lang sya parang masaya na ang buong ako. Naging malapit na din naman ako kay Justine pero yung feeling kapag kasama ko sya parang isang kabigan lang e, pero kapag kay Prince iba, na hindi ko maipaliwanag kasi ngayon lang sa buong buhay ko naramdaman at naranasan kaya alam ko sa sarili ko na gusto ko na din talaga sya.
Nandito ako ngayon sa mini-sala ng cottage kasama si Theo.
"Tita Prithine, why are you smiling?" tanong sakin ni Theo na nakangiti rin.
Pati bata napansin na rin haha. Pero ang cute cute talaga ni Theo, mana lang sa tita e haha.
Kinarga ko sya at pinaupo sa lap ko, then bigla ko na lang syang niyakap.
Hi-nug back din naman ako ni Theo. Aww so sweet naman my nephew.
"I also don't know what's the reason why i'm smiling baby, but i'm just really really happy right now." sabi ko naman sa kanya habang pinipisi yung matatabang pisngi nya. Nakakapang-gigil e.
Napataas lang naman yung isang kilay nya dun sa sinabi ko, hindi nya siguro naintindihan kasi ang haba e. Bigla namang dumating si Prince at ewan ko, feeling ko mas lumawak ata yung ngiti sa mukha ko.
"Goodmorning." bati nya. Mukhang bagong gising lang sya e. Magulo pa yung buhok nya at yung mga mata nya pumipikit-pikit pa na parang inaantok pa. Napatawa na lang ako habang tinitingnan sya at hindi ko alam kung bakit sa mata ko parang ang gwapo nya ngayon.
"Hi tito Prince." masiglang bati naman sa kanya ni Theo. Lumipat sa kanya si Theo at niyakap sya, at parang nagising naman si Prince.
"Aww why is our baby so sweet?" sabi naman ni Prince kay Theo habang niyayakap din ito.
"Baby look oh, your tita Prithine wants a hug from me too." biglang sabi nya naman habang tinuturo pa ako kay Theo.
"No no no! No thanks." tanggi ko na lang at sinamaan ko lang ng tingin si Prince pero yung asungot, tatawa-tawa lang.
"Come on Tita prithine, hug us also." sabi naman ni Theo.
Kita mo? Tinuruan pa yung bata. Psh.
"No baby, you hug your tito Prince na lang, diba na-hug mo na ako?"
Bigla namang sumimangot yung mukha ni Theo. Oh no no!
"Please tita Prithine." sabi pa ni Theo, tapos yung mukha ni Prince, naga-act na din na malungkot tas naka-pout pa. Talaga naman oh.
"Ok ok." nasabi ko na lang at napabuntong-hininga.
Yumakap na ulit si Theo kay Prince. Lumapit naman ako at yumakap din kay Theo ng maramdaman ko na lang na nakayakap na din sakin si prince. Nakatingin lang sya sakin and hayyy my heart feels so good.
Nang kumawala na kami nag-aya naman si Theo na maglakad daw sa may beach at hindi na naman ako naka-tanggi kasi papaiyak na kanina si Theo. Naglalakad na kami ngayon. Nakakapit si Theo sa aming parehas ni Prince. Tuwang-tuwa naman sya habang tinitingnan yung dagat at tumatalon-talon pa.
Nakita ko naman sa harap na may makakasalubong kaming matandang couple na magka-holding hands.
Grabe! May forever talaga ngayong nakikita ko na kahit matanda na sila, alam na alam na mahal pa rin nila ang isa't isa at hanggang ngayon magkasama pa rin silang dalawa. Hindi ko lang mapigilan na mapangiti habang tinitingnan sila.
"Hayaan mo, magiging ganyan din tayo." napatingin na lang ako ng biglang magsalita si Prince, napansin nya sigurong dun ako nakatingin.
Napangiti na lang ako sa mga sinabi nya. Tumingin ulit ako sa dalawang matanda at nakita ko na nalaglag yung panyo ng lola. Lalapit na sana ako ng biglang bumitaw sa pagkakahawak si Theo at nilapitan ang dalawa. Sumunod naman kaming dalawa ni prince na tumatakbo.
Nakita na lang namin na kinuha ni Theo yung panyo at pinagpagan muna ito bago ibinigay sa matandang lola. Aww. Napakabait na bata talaga ni Theo. Ngayon nasa harap na din kami ng dalawang matanda.
Hinawakan naman na ulit ni Prince sa kamay si Theo.
"Salamat sa iyo, munting hijo." pasasalamat ng lola habang hinahawakan si Theo.
"Nagpapasalamat din ako sa inyo na napapalaki nyo ng maayos at mabait ang anak nyo hija." baling naman sa akin ng lola at hinawakan ang kamay ko.
Nabigla na lang ako sa sinabi nya. Napatingin naman ako kay Prince na ngayon ay buhat na si Theo na nakangiti lang. Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni Prince.
"Oo nga po, masaya nga po ako na lumalaking mabuting bata itong ANAK namin." sabi nya at talagang inemphasize nya pa yung word na 'anak'. Akala mo naman totoo.
"Ay napakabuti nyo namang magulang. Ipagpatuloy nyo lamang iyan mga anak ha." sabi naman ng matandang lolo ng nakangiti.
"Opo. Maraming salamat po." sabi pa ni Prince na nag-bow pa ng kanyang ulo.
"Sige mga anak, at kami ay lalakad na." pagpapaalam ng dalawa.
"Sige po. Ingat po kayo." sabi ko naman.
"Oh narinig mo naman siguro yun ha, ipagpatuloy daw natin yung pagpapalaki ng mabuti dito sa ANAK natin." sabi ni Prince.
Parang nawili naman yung asungot at ginagamit pa rin talaga yung 'anak'
"Che! Tumigil ka nga. Maka-anak ka dyan." sabi ko lang.
"Hi asawa ko." sabi pa ni Prince. Napangiti naman ako dun sa sinabi nya.
"Ang dami mong alam Prince! Tara na nga." sabi ko na lang sabay naglakad na paalis.
Sa tingin ko kasi hindi ko na matatago sa harap nya yung kilig na nararamdaman ko kaya mabuti pang mauna na ako. Hayyy. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Novela JuvenilWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?