Kinalimutan ko na lang lahat ng nangyari sa amin ni Prince, dahil sumasakit lang ang ulo ko kapag naaalala ko na sa kanya napunta ang 'first kiss' ko. Walanghiya sya, napakasama nya. Wala syang pakealam sa mararamdaman ko, pero kung sabagay, siguro ay normal na lang sa kanya yun kasi nga diba, playboy daw yun, mahilig sa chix kaya imposibleng wala pa syang ibang hinalikan.
At yun ang isa sa mga nakakaasar kasi nasama ako sa mga babae'ng nahalikan nya. Ugh! Pero wala naman na kasi akong magagawa pa, nangyari na ang mga yun at hindi na yun maibabalik pa.
"Lans, sorry na please. Di ako sanay na ganyan ka, kausapin mo na ako." sabi ko kay Lans habang nandito kami sa cafeteria.
Hindi pa rin nya ako kinikibo, dahil siguro sa mga sinabi nya sakin nun sa library. Kahit na lagi kaming magkasama ni Lans di naman nya ako kinakausap.
"Lans, ayoko na masira ang friendship natin dahil lang dyan sa nararamdaman mo kaya please kausapin mo na ako." pagmamakaawa ko pa sa kanya.
Tiningnan nya lang ako at akala ko hindi na nya talaga ako papansinin pero nang bigla nya akong ngitian ay napangiti na lang din ako.
"Hindi talaga kita matiis Prithine." biglang sabi nya nang nakangiti at pinisil pa ang magkabilang pisngi ko.
"Aray! Masakit yun ha." pagrerekalamo ko sabay tawa.
Tawanan lang kami ng tawanan dito sa cafeteria. Mabuti na lang at napaka-understanding ni Lans at hindi nya talaga ako natitiis.
"Prithine, wag mong sasagutin si Justine ha." sabi nya sa skin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Ayoko sa kanya." simpleng sagot nya sa akin.
"Hay nako! Ewan ko sayo." sabi ko sabay tawa ulit.
Tumawa lang din naman si Lans at pinagpatuloy na namin ang pagkain habang nagku-kwentuhan.
After ng breaktime, nagsimula nang magbalikan ang mga estudyante sa mga rooms nila at syempre kasama kami dun. Nagkahiwalay na ulit kami ni Lans dahil magka-iba kami ng department.
Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot si Justine at sumabay sa paglalakad ko. Pareho lang naman kami ng pupuntahan kaya hindi ko na lang sya pinansin.
"How are you?" biglang tanong nya.
Nito kasing mga nakaraang araw, halos di ko na sya nakakausap. Kapag nasa room kami at kahit magkatabi lang kami ay hindi kami nakakapag-usap kasi naging dikit ang mga schedule at nag-sunod sunod ang subjects namin.
"Ayos lang naman ako." sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi naman na ulit ako kinausap pa ni Justine. Tahimik lang sya habang naglalakad kami.
Nang makarating kami sa room, marami nang students. Papasok na sana ako nang biglang hinawakan ni Justine ang kamay ko. Nakatingin lang ako dito dahil nagtataka ako kung bakit nya yun ginagawa.
Nakita ko naman na lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa amin ni Justine. Isa na dun si Prince, nakita ko na ang sama-sama ng tingin nya kay Justine. Nag-away ba sila kaya tahimik si Justine? Hmmm.
Sabay kaming naglakad ni Justine papunta dun sa upuan namin habang hawak nya ang mga kamay ko. Nahihiya na ako sa ginagawa nya kasi baka kung ano ano ang isipin ng mga kaklase namin kaya nakatungo lang ako. Hindi ko naman magawang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak nya dahil ang higpit nun. Pagkaupo lang namin, tsaka nya ako binitawan.
"Bakit mo ginawa yun?" bulong na tanong ko sa kanya pero di nya ako sinagot.
Tiningnan nya lang ako sabay kinuha ang cellphone nya at nagsaksak ng earphones sa tenga nya. Ang weird nya.
Nagbasa na lang ako habang naghihintay ng prof. namin. Bigla namang napadako ang mga mata ko sa direksyon ni Prince at nakita ko sya na nakatingin sa akin.
Nang makita nya ako na tumingin sa kanya ay bigla itong umiwas. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa pagbabasa nang may dumating naman na isang estudyante. Yun yung class president namin.
"Guys wala na daw klase ngayon kasi may seminar daw ang mga teachers." sabi nung class president.
Yung mga kaklase ko naman nagsigawan at nagtatalon pa dahil sa tuwa. Niligpit ko na lang ang mga gamit ko para umuwi na lang.
"Prithine, hatid na kita." pag-aaya sa akin ni Justine na nakatayo na sa harapan ko.
Siguro alam na nya na pag wala kaming klase ay umuuwi na lang ako kesa magpunta kung saan saan. Tatanggi sana ako pero nang makita ko ang ibang expression sa mukha nito ay um-oo na lang ako.
Pagtayo ko, nakita ko na naman si Prince na masamang nakatingin sa amin. Ano ba naman ang problema nun? Hinayaan ko na lang sya at naglakad na ako palabas ng room. Sinundan lang naman ako ni Justine.
Paglabas namin ay kinuha ni Justine ang mga dala ko. Sya na daw ang magdadala ng mga yun para hindi ako mahirapan.
Mabait at gentleman talaga itong si Justine kahit na minsan ay makulit. Pagdating namin sa kotse nya ay pinagbuksan din nya ako ng pinto. Umikot sya at sumakay na din.
Habang nagda-drive sya ay tinanong ko sya
"Justine bakit malungkot ka ata? May problema ka ba?"
Tumingin naman ito sa akin at ibinalik na din ang tingin sa daan.
"Wala." sabi nya lang.
"Hmm e bakit ang tahimik mo ata? Hindi ka nangungulit ngayon?" sabi ko pa.
Nakita ko naman na may nabuong maliit na ngiti sa mga labi nya.
"Nagtatampo lang ako dahil hindi mo ako pinapansin nitong mga nakaraang araw." pagpapaliwanag naman nya. So yun pala ang dahilan ng pagiging tahimik nya.
Malapit na kasi kami sa isa't isa kaya siguro sya nagtatampo sa mga ganitong bagay. Hindi ko rin kasi sya nabigyan ng time kahit kaibigan ko na din sya.
"Oh sorry Justine ha kung hindi kita nabigyan ng time. Alam mo kasi masyadong busy ako sa family namin kasi nakauwi na si daddy at si ate tapos si Lans sumabay din kasi nagtampo din sa akin. Sorry ha." paliwanag ko naman sa kanya.
Nakangiti naman na si Justine.
"Ok na yun." sabi nya lang
Napuno kami ng kwentuhan at tawanan dito sa kotse nya. Bumalik na din sya sa pagiging makulit nya.
Nang makarating na kami sa bahay, pinagbuksan at inalalayan nya ulit ako pagbaba ng kotse nya.
"Thank you Justine ha." sabi ko sa kanya nang nakangiti.
"You're always welcome Prithine." sabi naman nya sabay kindat.
Natawa naman ako dun. Ang gwapo din pala talaga nya kapag titignan mong mabuti, pero bakit ba ganito at walang nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya?
"Sige pasok na ako sa loob, ingat ka ha." pagpapaalam ko na at tumango naman sya.
"Sige." sabi nya at kumaway pa.
Hinantay ko muna na makaalis si Justine bago ako pumasok sa loob. Nakita ko naman na nandun si mommy, si ate, si kuya arth, at si Theo sa living room na nanonood na naman ng movie.
Ang hilig talaga nila sa movies. Pagsarado ko ng pinto ay napatingin naman silang lahat sa akin. Ngumiti lamang ako at binati sila.
"Hello everyone." sabi ko with matching kaway-kaway pa.
"Prithine punta ka dito." sabi ni ate.
"Hi Prithine." bati naman sa akin ni Kuya Arth.
"Prithine may pagkain sa kusina. Kumain ka muna." sabi naman sa akin ni mommy tapos si Theo kumakaway-kaway lang sa akin.
"Sige po." ang tanging nasabi ko na lang.
Umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Yung pantulog ko na ang lagi kong sinusuot pag magpapalit ako kasi nadala na ako. Baka bigla na namang magpunta dito si asungot e. Mas mabuti na yung prepared.
Tinapos ko na din ang mga assignments ko para diretso na akong tulog mamaya.
Nag-ayos na ako ng mga gamit ko at pagbaba ko --
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Ficção AdolescenteWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?