Prithine's POV
Ang sarap ng tulog ko ngayon ah. Kahit na nasa folding bed lang ako ay parang nasa kama pa rin ako. Oh bat biglang tumigas 'tong unan ko? Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Prince na mahimbing na natutulog.
Si Prince lang naman pala e. Pinikit ko na ulit ang mga mata ako at ——
"Aahhhhhhhhhhhhh!" napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at umupo ako sa gilid ng kama ko tsaka agad na hihila ang kumot para ipang tabon sa katawan ko.
Nakita ko naman na unti-unti nang nagigising si Prince, at nang tuluyan na syang magising ay umupo din sya at humarap sa akin sabay kindat. Huhuhu.
"Goodmorning baby" bati nya sa akin.
Ako naman nakatitig lang sa kanya at ——
"Waahhhhhhhhh!" sigaw ko ulit.
"Wahhhhhhhhh! Anong ginagawa ko dito sa kama ko? diba nandun ako?" sabi ko at tinuro ang folding bed.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at nakita ko si ate at si Kuya Arth, mukhang nagising sila dahil sa sigaw ko.
"Anong nangyari?" tanong ni ate.
"Prince? Bakit nandito ka sa kwarto ni Prithine?" tanong naman ni Kuya Arth.
"Goodmorning ate, Goodmorning kuya." bati ni Prince kela ate na para bang kampanteng-kampante.
Si ate naman at si kuya nandun lang sa may pinto at palipat-lipat ang tingin sa amin ni Prince.
"A-ano bang nangyari?" tanong ulit ni ate tsaka lumapit sa amin.
"E-eh k-kasi ate kaga-kagabi, d-dito na-natulog y-yang si Pri-prince p-pero dun n-naman a-ako sa folding bed, tapos ngayon na-nandito na a-ako pag-kagising k-ko." nauutal ko'ng paliwanag habang lahat sila ay nakatingin lang sa akin.
Tumatango-tango lang naman si ate.
"Prince ano bang ginawa mo?" tanong ni Kuya Arth kay Prince tapos yung asungot na yun tumawa lang kaya naman binatukan ko.
"Hey!" angil nya.
"Prince bat ka ba kasi nandito?" tanong ulit ni Kuya Arth.
"Kuya, ate, wala po akong ginawang masama kay Prithine." pagsisimula nya.
"Ganito kasi yan, i woke up last night 'cause i need to pee then i saw Prithine sleeping in her small folding bed then i saw her na mukhang nahihirapang matulog dun kaya binuhat ko po sya at inilipat dito sa kama nya para di na sya mahirapan and that is all." paliwanag naman ni Prince.
Totoo ba ang sinasabi nitong damuhong ito? Huhuhu. Bakit ba kasi pinayagan ko pa syang dito matulog e, sana ginising ko na lang sya kagabi para paalisin. Huhuhu.
"Eh yun naman pala eh. Prithine, umayos ka na dyan." sabi sa akin ni ate.
Huhu. Pinaniwalaan naman agad nya si Prince? Ano ba yan? Di manlang nya sinigurado. Huhu.
"Prince totoo ba yan? Eh ang balita ko eh lahat ata ng babae eh pin---" di na natapos ni Kuya Arth ang sasabihin nya dahil pinutol na iyon ni Prince.
"Kuya totoo ang sinasabi ko." mariing sabi ni Prince tsaka minulagaan si Kuya Arth.
Napatawa naman si Kuya Arth dahil sa reaksyon ni Prince.
"Sige na, labas na kami. Baka magising na din si Theo, baka umiyak pag nakitang wala kami." pagpapaalam ni Kuya Arth at lumabas na silang dalawa ni Ate.
Ako nandito pa rin nakaupo at walang imik habang yung damuhong Prince na yun, nakatitig lang sa akin at tatawa-tawa pa.
"Get out!" sigaw ko na sa kanya.
"Woah! Chill baby." sabi nya naman.
Sinusubukan talaga ako netong asungot na 'to ah.
"Wag mo akong mababy-baby kung ayaw mong bangasan ko ang mukha mo. Ang aga-aga ay sinisira mo na agad ang araw ko." sabi ko pa at itinaas ang kamao ko.
Ngumiti lamang naman ito sa akin at tumayo na. Akala ko lalabas na ito ng kwarto ko pero nagulat na lang ako nang nakita kong patungo ito ng banyo.
Agad din naman akong tumayo at hinarangan ang daan nya.
"San ka pupunta ha?" tanong ko sa kanya nang nakataas ang isang kilay.
Tiningnan nya lang din ako saka sumagot.
"Hindi ba obvious? Pupunta ako ng cr, psh." sagot nya.
Pilisopo ang asungot na yun ah.
"Alam ko! Ano bang gagawin mo dun ha? Lumabas ka na nga lang!" pagtataboy ko sa kanya.
Hinila ko na sya sa braso nya at dinala sa pinto.
"Now get out!" sigaw ko.
Iyamot na iyamot na talaga ako sa kanya. Nakaka-stress sya. Dahil sa kanya ay nagugulo ang tahimik kong buhay. Hayyy.
Nandito pa rin kami sa may pinto at hinihintay ko syang lumabas habang yung asungot ay tiningnan lang ako sabay pat sa ulo ko at lalo namang nag-init ang ulo ko sa kanya.
"Lalabas ka o ----" di ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang nya akong hinalikan sa pisngi ko.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Na-estatwa na ata ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, tapos ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"I'm gonna leave now baby, bye." biglang sabi nya ng nakangiti.
Tumango na lamang ako dito dahil walang lumalabas na kahit na anong salita sa bibig ko pag magsasalita ako. Tumalikod na ako sa kanya nang bigla namang bumulong sa tenga ko si Prince.
"I hope you like my kiss." sabi nito nang may pang-aakit. Ugh! Kadiri. Dun lang ako natauhan at bigla naman akong humarap sa kanya dahil dun sa sinabi nya, at sa hindi ko inaasahang ang lapit pa rin pala nya sa akin, at sa hindi talaga inaasahang nagtama ang mga labi namin.
Nagulat ako dun at halos hindi na talaga ako makagalaw at halos maduling na ako sa lapit namin.
Nang nakaramdam na ako ng pagka-awkward ay agad ko nang inilayo ang mukha ko sa kanya at tinulak ko na sya palabas. Agad ko namang sinarado ang pinto at napasandal na lang ako dito habang hawak ang labi ko. 'That was my first kiss'.
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?