Chapter 10

9 3 0
                                        

Waaaaaaaaaaaah! Nakahiga na ako kay Prince. Nakapatong ako sa kanya at sya yung nasa ilalim tapos yakap-yakap nya pa rin ako. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. Huhuhu anong nangyari?

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nya sa bewang ko at agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hawak ko pa rin ngayon yung dibdib ko. Ano ba yun? Bakit ganun? 

Pagbaba ko, nakita ko na nagbe-breakfast sila ate. Umaga na? Agad-agad? Napasarap ata ang tulog ko at hindi ako nagising kagabi, at tsaka bakit hindi manlang nila kami tinawag para mag-dinner? Grabe naman. 

Napansin ako nila ate at biglang kumunot ang noo nito.

"Prithine bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni ate.

"Ah-ahm..."

Hindi ako makapagsalita. Dapat ko bang sabihin kela ate?

Magsasalita na sana ulit ako nang mapansin ko na nakatingin sila sa likod ko at pagtingin ko bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Huhuhu.

Napatingin sya sakin kaya naman umiwas ako. Tumingin naman ako kela ate at napansin ko na nagtataka sila.

"Oh Prince? San ka natulog? Akala naming lahat ay umuwi ka kagabi." tanong sa kanya ni Kuya Arthur.

"Sa kwarto ni Prithine kuya." Whattttt? Totoo ba yung narinig ko? Sinabi nya ba talaga yun? Ano ba yan? Kahihiyan yun.

Gulat na gulat sila sa sinabi ni Prince. Ano ba naman kasi 'tong lalaki na 'to?

"Huh? Bakit dun ka naman natulog? Napapadalas na ata ang pag-tulog mo sa kwarto ni Prithine ah." sabi ni Kuya Arth at nahiya naman ako sa sinabi nya.

"Umakyat nga pala ako kagabi sa kwarto mo Prithine at tatawagin ko sana kayo para kumain, e nakita ko na nakasandal ka Prithine kay Prince, tapos pareho kayong tulog kaya di ko na kayo ginising. Mukhang ang komportable nyo kasing natutulog e. Akala ko din naman na magigising ang isa sa inyo, e hindi pala." sabi naman ni ate.

Bakit nya kami hinayaang ganon? Ano ba naman si ate, nakakarami na sya sakin ha.

"Sabi po kasi sakin ni Prithine na wag na daw umalis e." sabi naman ni Prince.

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya. Hinarap ko naman sya. Bumalik na naman ata yung pagiging asungot nya. Kagabi naman ok sya kausap ah.

"Ang kapal din naman ng mukha mo eh no? Sino ba kasi yung nagpumilit na pumasok sa kwarto ko ha?" sigaw ko sa kanya at binato sya ng kutsara.

Natamaan naman sya nung kutsara at natawa lang si Kuya Arthur. Hindi naman ata sya nasaktan at tumawa lang. Tuwang-tuwa pa na naaasar na ako.

"Sus. Gusto mo naman eh." sabi pa nya

"Ang kapal mo!" sigaw ko sa kanya. Nakatingin lang sila ate samin habang nagbabangayan kami dito ni Prince.

Nakakainis sya, ako pa talaga ang sinisi kung bakit dun sya tumulog sa kwarto ko. Bahala nga sya. Hindi ko na uulitin yung pagpapapasok ko sa kanya sa kwarto.

"Tama na nga yan. Wala naman atang nangyari" sabi naman ni ate.

Eh? Ano ba yan? Ano ba ang inaasahan ni ate na mangyayari? Syempre naman wala.

"Wala po ate Queen tsaka di ko naman po papatulan yang si Prithine." sabi nya sabay act na parang nasusuka sya.

Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi at ginawa nya. Kumuha naman ako ng tinidor at nag-act na parang tutusukin sya at yung asungot na yun ay dumila lang sakin. Hmp! Kapal talaga. Akala mo kung sino. Akala naman nya papatulan ko din sya. Eew. Kung nadidiri sya sakin. Mas nakakadiri naman sya.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon