Naiwan kaming dalawa ni Prince dito sa baba.
Pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang sya kaya naman iniwan ko sya at naglakad na ako palayo para pumunta sa kwarto ko kaso nga lang yung damuhong asungot na yun sumusunod sa akin kaya hinarap ko sya.
"Where do you think you're going?" tanong ko sa kanya.
Naisip ko kasi na bahala sya sa buhay nya. Mag-hanap sya ng matutulugan nya dyan.
"I'm going to bed." sagot nya lang.
Eh matutulog naman na pala yun e.
Nagsimula na lang ulit ako maglakad at mabuti na lang hindi na nya ako sinundan. Pagkarating ko sa kwarto ko agad kong sinarado ang pinto at nagpunta sa kama ko at nung hihiga na ako, bigla namang may kumatok. Tsk tsk. Wala na akong nagawa kundi pagbuksan kung sino man yung kumakatok.
Pagbukas ko nakita ko si Prince na nakatayo sa harap ng kwarto ko.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
Akala ko ba matutulog na ito e bakit nandito ito? Dun ko lang naisip na hindi nya nga pala alam kung saan sya matutulog.
"I'm going to sleep." yun lang ang sagot nya at nagulat ako nang bigla syang pumasok at humiga sa kama ko.
Dahil sa inis ko nilapitan ko ito at hinagis ko sa kanya ang isang unan ko.
"Ano ba? Can't you see that i'm sleeping?" inis na sabi nya.
Kita mo 'to? Sya pa maiinis e sya nga 'tong basta-basta na lang pumapasok sa kwarto ko at humiga pa sa kama ko.
"Aba! Eh kung batukan kaya kita dyan! Sinong may sabi sayo na dito ka matulog ha? Lumabas ka nga! Layas! Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin! Layas!" diretsong sigaw ko sa kanya pero sya ayun, di manlang natinag sa pagsigaw ko.
"Hindi ka talaga tatayo dyan ha! Anong gus---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil si Prince bigla na lang akong hinila at niyakap habang sya ay nakapikit pa rin.
"Please wag ka nang maingay, matulog na lang tayo. I'm tired." sabi nya sa seryoso at mahinang boses habang ang mga mata ay nakapikit pa rin. Hindi naman ako makaalis kasi ang higpit ng yakap nya. Tiningnan ko lang sya habang natutulog at dun ko lang napansin na may itsura din pala talaga sya.
Nang maramdaman kong lumuwag na ang pagkakayakap sa akin ni Prince ay tuluyan ko nang inalis ang kanyang mga braso sa bewang ko at tumayo na ako.
Hinayaan ko na lang sya na dun matulog sa kama ko kasi mukhang mahimbing na din ang tulog e.
Kinuha ko na lang yung folding bed ko tapos kumuha ako ng comforter at kinuha ko din ang dalawang unan ko sa kama ko. Dun na lang ako matutulog kesa naman makatabi ko si Prince.
Prince's POV
Nagising ako sa pagkakatulog ko nang makaramdam ako ng 'kailangan kong mag-cr'.
Inikot ko ang mga mata ko at napansin ko'ng wala ako sa kwarto ko at nang makita ng mata ko ang natutulog na si Prithine ay dun ko lang naalala ang mga nangyari. Hindi ko namamalayan na napapangiti na lang ako habang inaalala ang mga nangyari.
Nang tingnan ko ulit si Prithine, napansin ko'ng nahihirapan syang matulog sa folding bed nya. Ang liit kasi nun compare dito sa kama nya at sa tingin ko ay hindi sya sanay.
Nilapitan ko sya tsaka ko sya binuhat. Inilipat ko sya dun sa kama nya para hindi na sya mahirapan. Malaki naman 'tong kama nya, kasya naman kaming dalawa.
Nang mailapag ko na si Prithine ay tiningnan ko muna sya, mukha namang mahimbing pa rin ang tulog. Kinumuntan ko muna sya bago ako tumungo sa cr nya.
Pagbalik ko mahimbing pa rin ang tulog ni Prithine. Tumabi na ako sa kanya saka nagkumot na din.
Tumingin muna ako sa alarm clock na nasa tabi ng kama nya at nakita ko na 12:30 am pa lang pala. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko at nagsimula nang matulog nang may maramdaman akong mabigat sa may tiyan ko.
Pagbukas ko ng mga mata ko, nakita kong nakapatong na ang isa sa braso nya sa tiyan ko. Napangiti na lang ako dahil dun at hinayaan ko na lang sya. Tiningan ko sya at inalis ko ang mga buhok na tumabon sa mukha nya.
Ipinikit ko na lang ulit ang aking mga mata at nagsimula na ulit na matulog.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?