Epilogue

13 2 1
                                    

Nagmulat ako ng mata ko at nadatnan si Prithine na natutulog habang nakayakap sa akin. Inalis ko ang pagkakapatong ng kanyang braso sa tiyan ko dahil pupunta ako sa baba para uminom ng tubig. Saglit ko'ng hinalikan sya sa kanyang noo bago tumungo sa labas ng kwarto nya.

Mag aalas-onse na din kasi ng gabi. Wala nang tao ngayon dito sa salas. Malamang na nag-uwian na sila. Dumiretso ako sa kusina at nag-salin ng malamig na tubig sa isang baso. Ibinalik ko ang jag sa ref at dala-dala ang basong may lamang tubig ay pumunta ako sa salas kung saan nakadikit pa rin ang mga pictures ni Prithine.

Nag-simula ako sa pinaka-unang picture kung saan ito ay kuha noong sya ay 2 years old pa lang. Masaya syang nakatingin sa camera habang may hawak na lollipop. Sinunod-sunod ko ang pag-tingin sa bawat litrato nang mapatigil ako nang tumapat ako sa isang pamilyar na babae na nasa litrato. Ang date na nakalagay sa picture ay August 19, 2008, ito yung araw na una ko'ng naramdaman ang sakit. It's the day when my my mom left me and kuya. It was so damn hard that time. I was only 10 years old pero ramdam ko na ang sakit na'ng malaman na iniwan nya kami.

Sakit at galit ang nararamdaman ko non. Pinipilit ko'ng iniintindi sa isip ko kung bakit nagawa ni mommy sa amin yon, but i just can't think of any good reason kung bakit nya kami nagawang iwan. Wala si daddy nang mga oras na umalis sya kasi nasa trabaho si daddy nun kaya wala kaming nagawa ni kuya kundi ang umiyak na lang. Mga bata pa kami nun kaya hindi pa namin alam kung ano ang gagawin namin.

Nang biglang bumuhos ang ulan ay hindi ko alam kung bakit ako dali-daling kumuha ng payong at tumungo sa labas ng bahay. Medyo madilim na din sa labas kasi pagabi na at sumabay pa ang ulan na lalong nagpadilim sa langit. Diretsong naglalakad-lakad lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Gusto ko lang muna mawala sa isip ko ang nangyari. 

Nagulat na lang ako ng may isang babae'ng sumulpot at sumukob sa payong ko. Basang-basa na ang suot nyang uniform. Nakasalamin sya, at pansin ko'ng halos magkasing-edad lang kami. Napansin ko rin na iba ang uniform nya sa uniform namin sa school kaya malamang na hindi ko sya schoolmate.

"Pwede pasukob? Antagal kasi ng sundo ko e, kanina pa ako nag-hihintay tapos biglang umulan." sabi ng batang babae habang nakangiti lang.

Nang hindi ako gumalaw sa tayo ko ay hinarap nya ako nun at nakita ko na mukhang nagulat sya na makita ako.

"Bakit ka umiyak?" agad na tanong nya, at napayuko na lang ako. Sinilip nya ako sa pagkakayuko ko kaya inangat ko na ang mukha ko at pinahid ang luha sa mata ko.

"Anong nangyari sayo?" tanong na naman ng batang babae.

Hindi pa man ako nakakapag-salita ay hinila na nya ako para mag-lakad.

"Mas maganda mag-kwento kapag naglalakad e. Hatid mo ako sa bahay namin, malapit lang yun dito." sabi pa nya at isang tango lang ang ibinalik ko sa kanya.

Nag-simula na akong mag-kwento sa kanya ng mga nangyari at napapansin ko na nakikinig talaga sya kasi nagbabago-bago ang expression sa mukha nya depende sa mga naku-kwento ko.

Napatigil ako sa paglalakad ng bigla syang tumigil. Nasa tapat kami ng isang bahay. Humarap ako sa batang babae pero nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin. Nanlambot ang buo ko'ng katawan nun na halos mabitawan ko na ang payong na hawak ko. Ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nang kumawala sya ay isang ngiti ang agad ko'ng nakita sa mukha nya. Parang sa ngiti nyang yun ay napawi lahat ng lungkot na nararamdaman ko ng mga oras na yon. Siya na nasa harap ko ngayon ang tanging nakikita ng mga mata ko.

"Don't be too sad. Siguro ay may better reason si God kung bakit nya 'to ginagawa sayo. Just be brave, and dito na pala ang bahay ko e." nakangiting sabi nya sa akin at itinuro ang bahay na nasa tapat namin.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon