Pagdating ko sa school nakita ko si Lans na papasok na ng campus kaya inantay ko sya para naman makapag-usap ulit kami. Miss ko na kasi ang nag-iisa kong bestfriend.
"Hi Lansssss! Goodmoooooooooorning!" sigaw ko sa kanya habang papalapit sya at nang makita nya ako ay kumaway sya sakin at ngumiti.
Nang maging kaibigan ko si Justine, nagbago ako ng konti sa school. Di na ako masyadong mahiyain at naging makulit na rin ako. Di ko nga alam na magiging ganun ako e.
"Goodmorning Prithine, ang saya mo ata ngayon ah." bati naman sakin ni Lans
"Hindi naman, masaya lang ako at makakapag-usap na naman tayo, namiss ko kaya ang bestfriend ko." sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Hahaha. Ano ba yan Prithine, nagugusot uniform ko." pagrereklamo nya.
"Hmp. Ganyan ka na ngayon ah?" sabi ko na parang nagtatampo.
"Hahaha. Ang cute naman talaga ng bestfriend ko." sabi naman nya sabay pisil sa pisngi ko.
"Arghhh! Ano ba Lansss? Mashakit."
Tawa lang ng tawa si Lans habang pisil-pisil yung pisngi ko.
Bumalik na kami sa dati. Ang pagiging mag-bestfriends. Tinigil na rin nya yung pagkakagusto nya sakin kasi iniiwasan nya na masira ang friendship namin, at ako kinalimutan ko na rin yun.
Masaya ako na bestfriend ko si Lans, na laging andyan para sa'kin. Sya lang ang nag-iisa kong bestfriend na mahal na mahal ko at parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya, at napaka-swerte ko na magkaroon nang kaibigan na tulad nya.
Nang mag-ring na yung bell na nagsasabi na start na ng first class ay nagpaalam na ako kay Lans.
"Bye Lans. Bisita ka sa bahay kapag hindi ka busy ha?" sabi ko sa kanya.
"Bye Prithineeeeee. Oo, pupunta ako sa inyo."
Nang makaalis si Lans ay nagsimula na rin akong maglakad papuntang room ko.
Lans' POV
Masayang-masaya ako na kaibigan ko si Prithine. Tinanggap ko na na hanggang bestfriends lang talaga kami. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko'ng yun at ayaw kong masira yung friendship namin kaya tinigil ko na at ngayon masaya kaming pareho ni Prithine.
Papunta na ako nang room ko, at nawawala na rin ang mga tao sa corridor, at lahat ay nagpupunta sa mga room nila nang mapansin ko ang isang babae na may kulay brown na buhok na hanggang baba ng balikat nya na hindi naka-school uniform, na parang hindi ata alam kung saan pupunta. Siguro transferee sya at hinahanap nya yung room nya. May hawak kasi syang papel. Nilapitan ko naman sya at baka sakaling makatulong ako.
Nakatalikod sya kaya naman kinalabit ko sya.
"Ah miss san ang ----"
"Ay pakshet na pusa!" sabi nya at nahagis nya yung papel na hawak nya.
Nagulat kasi sya sakin. Grabe. Sobra naman atang magugulatin ng babaeng 'to, at hindi ko naman mapigilang mapatawa sa sinabi nya.
"Sorry miss." sabi ko naman.
"Psh! Ano ba? What do you think you're doing? Bat ka ba nang-gugulat?" inis na sabi nya sakin na ikinagulat ko.
Akala ko nung una ko'ng tingin sa kanya na mahinhin at mabait pero ngayon, mali ata ako kasi ang tapang nya tsaka ang maldita. Huhu. Wrong move ata ang ginawa ko.
"Ahm. Sorry miss. Di ko naman gustong gulatin ka. Nakita lang kita na parang may hinahanap ka, kaya gusto sana kitang tulungan. Sorry miss, kung ayaw mo sige aalis na lang ako." pagpapaliwanag ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Roman pour AdolescentsWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?