Prithine's POV
Atlast, makakapagpahinga na din ako, tapos ko nang ayusin yung mga dala kong damit, nilagay ko na sila sa cabinet na nandito sa kwarto. Nasa isang cottage kami ngayon. Beach kasi ang pinuntahan namin, para relaxing. Isa itong malaking cottage, madami ring kwarto kaya kasya kaming lahat, tutal 4 na kwarto lang din naman kelangan namin.
Yung isa kela mommy at daddy, yung isa kela ate, Theo, at Kuya Arthur, tapos yung isa kay Asungot, at syempre, sakin yung huli.
Nakahiga lang ako dito sa kama ko ngayon, nang biglang pumasok si ate at sinabihan ako na lumabas na muna para daw kumain. Paglabas ko naman, nakita ko na sila na mga nakaupo na.
"Upo ka na." sabi sakin ni dad nang mapansin ako.
Umupo naman ako katabi si mommy tsaka si Prince, kasi dun na lang sa pagitan nila ang may bakanteng upuan.
Ate Queen Theo Kuya Arthur
Dad [::::::::::::::::::::: t a b l e :::::::::::::::::::::::::::::]
Mom Ako Prince
Nagdasal muna kami at nag-start na din kumain. Inabot sakin ni Prince yung kanin at nginitian lang ako kaya naman kinuha ko yun.
"Thank you." sabi ko na lang.
Ang weird nya nga simula kanina e, di sya nang-iinis masyado. Siguro nakikisabay lang sakin, baka napagod na WAHAHAHA.
Nandito na kami ngayong lahat sa tabing-dagat maliban kay mommy at daddy na nagpaiwan sa cottage para mag-ayos at mag-luto para sa dinner. Nagliligo naman sila ate at si kuya Arthur kasama si Theo. Enjoy na enjoy naman sila, at habang pinapanuod ko sila, napapangiti na lang ako. I'm so happy for ate na dumating sa kanya si Kuya Arthur na mahal na mahal sya. Ang saya lang na makita silang buong pamilya na masaya. Sana sa future maging ganun rin ako kasaya kay ate at sana mahalin din ako ng taong makakasama ko habang buhay.
Habang pinapanood ko sila, bigla namang tumabi sakin si Prince. Pinabayaan ko lang naman sya at hindi na lang pinansin.
"Ang saya nila no?" sabi nya
"Oo nga e, pag ako mag-aasawa, gusto ko katulad ni Kuya Arthur." sabi ko naman habang patuloy lang sa panunuod kela ate.
"Edi dapat pala ako asawahin mo." sabi nya na mapang-asar kaya tumingin ako sa kanya at inirapan sya.
At yung asungot nakatawa lang. Pano naman sya magiging katulad ni Kuya Arthur? Ang layo layo kaya nila. Duh!
Magkapatid nga sila, pero ibang-iba talaga sila.
"Hay nako asungot! Kung ikaw lang din, di na lang ako mag-aasawa." sabi ko naman sabay tawa.
"Sus. Gusto mo naman e." Pang-aasar pa nya habang sinusundot-sundot pa yung tagiliran ko.
Parang tanga 'to. Pa-cool cool pa tapos may ganito din palang side. Parang bakla lang e. WAHAHAHA.
"Oh ngumingiti ka oh, ngumingiti ka." biglang sabi naman nya.
Napatayo naman ako, akala nya ata ngumingiti ako sa kanya dahil dun sa sinabi nya. Kapal nya. Hindi nya alam na katawa-tawa na yung iniisip ko about sa kanya.
"Hoy hindi kaya. May iniisip lang ako kaya ako ngumiti." pagdedepensa ko pero sya tawa lang nang tawa.
"Wushu, sabihin mo iniisip mo yung future mo na kasama mo ako no, kinikilig ka lang dyan e!" pang-aasar pa nya kaya wala na akong nagawa kundi hampasin sya nang hawak kong bote ng mineral water na walang laman.
Sya naman umiilag lang. Napapatawa na lang ako kapag nakikita yung reaksyon ng mukha nya kapag sa mukha ko sya nahahampas.
"Ang panget mo! HAHAHAHAHAHA." ngayon ako naman nang-aasar sa kanya, ngumuso lang naman sya bago nagsalita.
"Atleast, gusto mong mapangasawa." sabi nya naman, sabay kindat.
Bigla naman akong natigilan dun sa sinabi nya, tapos sya tawa pa rin tawa. Kitang-kita talaga sa mga mata nya na masaya sya.
Aish! Di ko na alam kung bakit parang baligtad ang nararamdaman ko ngayon. Imbes na maasar dapat ako, ngayon saya ang nararamdaman ko. Tinigil ko na ang pag-hampas sa kanya nang bigla na lang bumagal ang lahat. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya masayang-masayang nakangiti sakin. Nakaharap sya sakin at nasa kanya lang atensyon ko at parang wala akong ibang naririnig kundi ang tawa nya. Wala rin akong ibang makita, kundi sya lang.
Anong nangyayari sakin? Ano 'tong nararamdaman ko? Gulong-gulo na talaga ako. Bago lang 'to sakin kaya hindi ko alam kung ano bang feeling ito.
Nang bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Napapansin ko lagi na din nangyayari ang pagbilis ng tibok ng puso ko at nangyayari lang yun tuwing kasama ko lang si Prince, nagiging ganito lagi ang nararamdaman ko kapag sya ang kasama ko.
Hindi kaya?
Hindi kaya?
Bading talaga si Prince?
OMG! Bading si Prince. Kaya siguro gumagaan na loob ko sa kanya kasi nararamdaman ko na parang may pagkakapareho kami. Siguro kaya bumibilis tibok ng puso ko kasi natatakot ako na malaman nya na nahalata ko na. OMG talaga! Siguro kaya lagi nya akong inaasar kasi gusto nya akong maging kaibigan. Siguro kaya inaasar nya ako na mapapangasawa sya para hindi ko mahalata.
Bading pala si Prince. Hay. Bat di ko ba agad naisip yun? Pinag-isipan ko kaagad sya ng masama. Siguro kaya sya lagi pumupunta sa kwarto ko, kasi pakunwari nyang sinusukat yung mga damit ko. Tapos nag-girlfriend lang sya para maitago sa mga kaibigan nya na bading pala sya. Ohmaygad!
Dahil sa mga nalalaman ko ngayon, napapatawa na ako. HAHAHAHAHAHA. Hindi ko inaakalang bading pala sya. Hay, dapat intindihin ko na lang sya. Siguro matagal na nyang tinatago yun hindi nya lang maamin. Tsk tsk. Nalulungkot naman ako para sa kanya.
Prince's POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa babaeng kaharap ko ngayon. Mukhang ang lalim nang iniisip to the point na nag-iiba yung expression sa mukha nya. Biglang ngingiti, tatawa ng konti, tapos bigla na lang kukunot ang noo. Ano kayang iniisip ng babaeng 'to?
Siguro iniisip pa rin nya yung future kapag ako napangasawa nya. HAHAHAHAHA. Etong babaeng eto talaga. Akala mo nerd talaga pero may tinatago din pala.
"Huy! Ang layo na ata naabot ng imagination mo ah!" sigaw ko sa kanya at napansin ko naman na napatigil sya sa pag-iisip.
Bigla namang lumungkot yung mukha nya. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? Nababaliw na talaga ata ah.
Lumapit naman sya nang lumapit sakin at niyakap ako. Nagulat naman ako dun sa ginawa nya.
"Ok lang yan Prince, hindi mo na kailangan mag-panggap sakin. Aminin mo na. Nahalata ko na ang lahat. Sorry kung hindi ko agad napansin ha." sabi naman nya habang pina-pat yung likod ko, at mas lalo naman akong nagulat sa mga sinabi nya.
Pano? Pano nya nalaman? Ganun ba talaga sya kagaling magbasa ng nararamdaman ko? Pano na 'to? Hindi na'ko pwede mag-sinungaling sa kanya kasi sya na mismo ang nakaramdam at nakahalata. Pero siguro ito na din naman ang tamang oras para malaman nya. Matagal ko na ring tinatago 'to. Siguro kailangan ko nang ilabas. Bahala na kung ano kalabasan pagkatapos kong sabihin ang lahat.
Hinarap ko sya sakin, at hinawakan sa magkabilang balikat nya at diretso lang naman syang nakatingin sa'kin.
"Prithine, sorry kung tinago ko sayo, sorry kung naging duwag ako na umamin, sorry kung pang-aasar at pang-iinis yung naging way ko para iparamdam sa'yo. Sorry, pero ngayon handa ko nang sabihin ang lahat." pag-sisimula ko.
Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba, ramdam ko na ang pawis na tumutulo sa noo ko. Ngayon ko lang 'to gagawin sa buong buhay ko kaya kinakabahan ako. Pero kailangan ko'ng lakasan ang loob ko.
"Prithine, gusto na ata kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Ficção AdolescenteWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?