Chapter 9

10 3 0
                                        

Pagkaligpit ko ng mga gamit ko ay naisipan ko nang magpunta sa baba.

Pagbaba ko ay napa-facepalm na lang ako nang makita ko ang isang asungot. Ano na naman ba ang ginagawa nung asungot na yun dito? Tsk tsk, makita ko pa lang sya, kumukulo na agad. ang dugo ko sa kanya.

Hahakbang na sana ako sa hagdan pabalik sa kwarto ng —

"Prithine!" tawag sa akin ni mommy.

Wala na akong choice kundi lumingon sa kanya. Nakita ko naman na lahat sila nakatingin na sa akin pati na rin si Prince na nakangiti pa, psh.

"Mom a-ah, eh, ihh, m-may g-gagawin pa nga p-po p-pala ako." pagpapalusot ko para makabalik na ako sa kwarto ko.

"Mamaya na yon anak. Nandito si Prince oh." sabi naman ni mommy at tumingin pa kay Prince.

"Pero mom." pag-iinarte ko pero si mommy ayun pinipilit pa rin ako.

"Prithine, sumama ka na muna dito para may kasama din dito si Prince." sabi ni mommy sa akin.

Ano ba naman kasi ang ginagawa ng bwisit na yun dito? Tatanggi pa sana ako pero si mommy ang kulit kaya um-oo na lang din ako.

Umupo ako sa sofa then tiningnan ko ng masama si Prince. Nakakainis sya.

"Ano bang ginagawa mo dito ha?" iritang tanong ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit kami naging close nun eh- wait di pala kami close like duh ayaw ko syang maging close.

"I'm just visiting Theo." sagot naman nya.

Inirapan ko lang sya tsaka aakmang tatayo na sana ako ng sumingit na naman yung asungot.

"San ka pupunta?" tanong nya.

"Wala ka na dun!" sagot ko naman at tumalikod na sa kanya at nagsimulang maglakad.

"Bakit kayo magkasama ni Justine?" biglang tanong nya kaya naman napatigil ako.

So hindi nya alam na nanliligaw sa akin si Jistine? Akala ko ba kaibigan nya yun? Bakit di nya alam? Tsaka alam nya naman na magkaibigan din kami ni Justine e, tapos magtataka pa sya kung bakit kami magkasama.

"Ano bang pake mo?" sabi ko lang ulit sabay harap sa kanya.

Nakita ko naman na nakatingala sya sa akin at parang nagtataka. Agad naman akong umiwas ng tingin at nagdiretso na sa kwarto ko.

Nagbasa-basa na lang ulit ako sa kwarto ko ng mga libro na binili ko nang may narinig naman akong kumatok sa pinto. Binuksan ko yun at nakita ko si Prince.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Pwede pumasok?" sabi nya lang.

Psh! Ano naman gagawin nya dito? Mang-aasar lang yan e.

"Bawal!" sabi ko na lang at sasarado ko na sana yung pinto nang hinarang nya yung paa at braso nya dun.

Ano bang problema nya? Ang kulit talaga.

"Please, di ako mang-gugulo." sabi pa nya.

Napansin ko naman sa boses nya na parang totoo naman ang sinasabi nya, kaya binuksan ko na ang pinto at tiningnan sya at nakita ko na parang hindi maipinta ang mukha nya, parang ewan lang e.

"Sige na nga, pasok na." sabi ko at nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Pumasok naman sya at umupo sa may study area ko. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Nakakapanibago kasi sya ngayon, ang alam ko kasi bully at makulit yang si Prince pero ang nakikita ko ngayon ibang Prince eh. Siguro nag-away talaga sila ni Justine.

"May problema ka ba?" tanong ko sa kanya.

"W-wala" sabi nya naman. Tsk. Wala din daw, magkaibigan talaga sila.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya at ganun din naman sya. Nakita ko naman na inabot nya ang isa sa mga libro ko na nasa table.

"Mahilig ka talaga sa books no." sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.

"Oo, ang gaganda kasi at may matutunan." sabi ko naman habang pinapanuod syang nagbabasa.

Napapansin ko na iba talaga sya ngayon. Seryoso kasi sya e. Magtatanong pa sana ako kaso mukhang busy na sa pagbabasa kaya tumahimik na lang ako.

"Dun lang ako sa kama ko." pagpapaalam ko sa kanya.

"Sige." sabi nya nang hindi tumitingin sa akin, kaya pumunta na ako sa kama ko at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko.

Habang nagbabasa ako di ko mapigilan ang hindi mapasulyap kay Prince tapos pag-tumitingin ako nakikita ko na nakatingin din sya kaya napapaiwas ako tapos ganun din sya. Ang awkward.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na di mapatingin sa kanya at effective naman pero may mga times na ayaw talaga patigil ng mga mata ko. Tinuloy-tuloy-tuloy ko na lang ang pagbabasa ko para di na din ako mapatingin kay Prince.

Natapos ko ang pagbabasa ko na wala akong naintindihan kasi di ako makapag-concentrate. Tumingin ako sa orasan na nasa tabi ng kama ko at 6:30 pm na pala. 1 oras na pala kaming nandito sa kwarto ko. Tiningnan ko naman si Prince at nakita ko na tulog sya. Nakasandal sya dun sa couch tapos yung mga paa nya nakapatong dun sa table tapos yung librong binabasa nya ay nasa mukha na nya.

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ko ang libro sa mukha nya. Napatitig na naman ako sa mukha nya at napansin ko na naman yung perfect nyang mukha. Sana lagi na lang syang tulog kasi ang bait nyang tignan pag tulog.

Aalis na sana ako nang may maramdaman akong humawak sa braso ko at nang tumingin ako ay nakita ko si Prince.

"Wag mo'ko iwan. Dito ka na lang sa tabi ko." sabi nya habang nakapikit pa rin.

Naisip ko na nanag-inip ata to kaya naman tinanggal ko na yung kamay nya sa braso ko. Hahakbang na ulit sana ako nang bigla naman nya akong hilahin kaya naman napaupo ako sa tabi nya at napayakap sa kanya. Nang tingnan ko sya ay nakapikit pa rin naman sya at nakayakap din sya sa akin.

"Sinabi na kasing wag mo akong iiwan eh." sabi nya pero nakapikit pa rin naman.

Nanag-inip ba talaga to o baka naman gising? Pinaglololoko ata ako neto e. Pero humihilik sya ng mahina eh kaya imposibleng gising sya.

Sinubukan ko na lang na tanggalin ang pagkakayap nya sa akin pero di ko magawa dahil ang higpit ng yakap nya sa akin kaya naman no choice ako kundi ang hintayin sya na magising. Tinry ko naman na gisingan sya pero ayaw eh kaya nag-hintay na lang ako.

Habang naghihintay ako, nakaramdam naman ako ng antok. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita ko na 6:50pm na. Huhu bakit di pa rin gising si Prince? Mahaba-habang oras na din syang tulog ah. Tinry ko ulit tanggalin ang pagkakayakap nya sa akin pero ganun pa rin eh, ayaw pa rin kaya naman sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Prince at nagsimula ding matulog. Di naman nya malalaman kasi mauuna akong magigising sa kanya — sabi ko na lang sa sarili ko.

Nang magising ako, naramdaman ko na ang tigas ng hinihigaan ko at pagtingin ko ay nagulat na lang ako.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon