Chapter 21

9 2 0
                                        

Prithine's POV

Tug tug. Tug tug. Tug tug.

"gusto na ata kita", "gusto na ata kita", "gusto na ata kita"

Tama ba yung narinig ko?

Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari ngayon? Ano'ng ibig nyang sabihin? Akala ko ba bading sya.

Di na ako mapakali, ramdam kong nanlalambot na yung tuhod ko at yung dibdib kong kanina pa parang gustong sumabog.

Nakatingin lang sya sakin ngayon na walang kaemo-emosyon. Hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman nya ngayon kaya kailangan kong makasigurado.

"D-Di-ba b-ba-bading k-kaa?" tanong ko.

Huhuhu bakit ako ganito? Bakit ako nauutal?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Nagulat na lang ako nang isang malakas na tawa lang ang natanggap ko mula sa kanya. Mukha ba akong nag-bibiro sa mga oras na 'to?

"Prithine, ano bang iniisip mo? I'm not gay and i'm not planning to be one. I like you Prithine. I really do." diretsong sabi nya at ako naman dito natulala na ata.

Napaka-imposible kasing mangyari. Hindi ko rin inaasahan na dadating pala ang araw na 'to. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanlalambot na talaga yung tuhod ko kaya umupo na lang ako.

Nag-iisip pa rin ako kung paano at bakit? Pero iba ang sumasagi sa isipan ko.

"Gusto din kita"—yan ang mga salitang gusto kong bitawan na nasa isip ko, pero natatakot ako.

Pano? Gusto ko na din ba talaga sya? Kaya ba iba ang pakiramdam ko kapag sya ang kasama ko? Kaya ba habang tumatagal gumagaan ang loob ko sa kanya kasi ang isang nerd na nag-ngangalang Prithine na si ako ay nahulog na sa isang asungot na si Prince?

"Ok ka lang?" bigla namang putol ni Prince sa pag-iisip ko.

Ok pa ba 'to? Matapos nyang sabihin yun, tatanungin nya ako kung okay ako e kung sa totoo ay gulong gulo na ako ngayon.

Ano ba talagang gagawin ko? Sasabihin ko rin ba yung nararamdaman ko? Pero hindi pa ako sigurado. Siguro hindi muna ito ang tamang panahon. Malay natin na hindi pa rin pala totoo yung nararamdaman nya, at kilala nga pala sya bilang isang babaero. Baka niloloko nya lang ako ngayon. Oo nga!

"Psh. Hay nako Prince, lagi mo na akong inaasar. Di mo ako maloloko sa mga ganyan ganyan mo. Ako? Gusto mo? Imposible yun." sabi ko lang sa kanya at yung mukha naman nya biglang parang naasar sa sinabi ko.

Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? Totoo naman yun ah.

"Hindi kita niloloko Prithine. Ngayon seryosong seryoso ako, di ako nakikipaglaro o nakikipaglokohan sayo kasi seryosong seryoso ako. Seryoso ako sa sinabi ko sayo. Oo, naging babaero ako, kung sino sinong babae ang dine-date ko, pero ni isa sa kanila, hindi tumibok ang puso ko tulad na lang nang pagtibok ng puso ko kapag ikaw ang kasama ko, kaya hindi ko yun pwedeng balewalain lang."

Napatigil na lang ako nang sinabi nya ang mga yun. Wala akong alam sa mga ganitong bagay pero siguro kailangan ko na lang magtiwala sa kanya. Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang ngayon kaya nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni Prince at tumakbo papunta ng dagat.

"Ahh! Princeee! Malalaglag ako! Ibaba mo na ako." sigaw ko sa kanya habang sya tuloy pa rin sa pagtakbo.

Wala manlang ba syang pakialam na malalaglag na ako?

Nakarating kami sa dagat kung nasan sina ate. Binaba nya ako sa tubig at napatalon na lang ako dahil ang lamig pala. Muntik na sana akong ma-out balance, nang hilahin naman ako ni Prince at napapunta ako sa kanya. Nakayakap sya sakin habang nakatingin sakin.

"Hayaan mong mahulog ka, andito naman ako para saluhin ka e." sabi nya lang at ngumiti kaya naman tinulak ko sya at sya naman yung natumba sa tubig.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa ako sa kanya, at nakita din pala nila ate yung pagbagsak nya kaya tumatawa rin ang mga ito.

Nang makatayo sya, bigla na lang syang ngumiti na parang may binabalak at tama nga ako. Lumapit sya nang lumapit sakin habang binabasa ako at winiwisikan ako ng tubig. Ganun din naman ang ginawa ko sa kanya. Tawa lang kami ng tawang dalawa. Ang saya lang na nangyari ang isang bagay na 'to sa akin. At habang pinapanood ko sya ngayon na nilalaro si Theo sa tubig, nararamdaman ko na naman yung masaya sa loob ko, at sa tingin ko gusto ko na rin ata talaga sya. Siguro matagal na din pero ngayon lang naging clear ang lahat para sa akin.

Ngayon nandito kaming dalawa ni Prince sa isang bench malapit sa dagat. Pinapanood lang namin yung sunset.

"Wow! Ang ganda talaga." sabi ko na manghang-mangha.

Ngayon ko lang ulit nakita ang sunset na nasa beach. At sa tuwing nakikita ko yun, lagi pa rin akong naa-amaze.

"Oo nga. Ang ganda talaga." sagot naman ni Prince.

Pagharap ko sa kanya, nakaharap din sya sakin. Oops! Awkward, kaya umiwas na lang ako. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako ngayon. Act normal lang dapat. Prithine act normal.

Ngayon tahimik na kaming dalawa. Ang sarap dito. Ang sarap lang ng simoy ng hangin.

Bigla nya namang nilipat sakin yung suot nyang sweatshirt kanina kaya naka-t shirt na lang sya ngayon.

"Ang init e." sabi nya lang sabay ngiti.

"Ang init ka dyan e ang lamig kaya, sayo na'to Prince, ok lang ako." sabi ko naman.

Hindi nya naman tinanggap at umiling lang, sabay ngiti.

"Mas ayos lang ako, sayo na yan, baka magkasakit ka pa." sabi pa nya

"Aba aba! At kelan ka pa naging ganyan ha asungot?" pang-aasar ko sa kanya.

Ang ganda nyang asarin ngayon kasi ang seryoso nya masyado.

"Psh. Tumigil ka nga dyan." sabi nya naman na parang nahihiya at mas lalo akong natutuwa.

"Ang dami mong alam Prince hahaha."

"Gusto kita e." bigla namang sabi nya at ako napatigil na naman.

Bakit ba ang galing nyang pawalain yung pagtawa ko kahit sa isang salita nya lang? Tsk tsk.

"Ah ok. Sige, tara na sa cottage." aakma na sana akong tatayo ng bigla nyang hawakan yung braso ko.

"Mamaya na, dito ka na muna please." pigil nya sakin at wala naman akong ibang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo ko.

Tumigin sya sakin habang nakatukod yung braso sa hita nya tas nakahawak sya mukha nya.

"Gusto kita." biglang sabi na naman nya.

Jusko naman oh. Gusto nya ba akong atakihin sa puso neto? Kailangan ba talaga paulit-ulit nyang sabihin yun?

"Gusto talaga kita"

Ayan na naman. "Oo nga e, gusto na din kita." - gusto ko sanang sabihin kaso nagda-dalawang isip pa rin ako. Hindi na lang ulit ako nag-salita.

"Prithine, do me a favor." seryosong sabi nya na naman.

"Ano?" tanong ko lang at nagulat na lang ako nang bigla nyang kunin yung kamay ko at pinagsalikop ito. Nakatingin lang ako sa kanya dahil sa gulat at sya naman ay nakatingin sa kamay naming dalawa.

"Kahit ngayon lang muna." sabi nya.

Ghaddd! Yung puso ko, sasabog na. Anong pakiramdam ba 'to? Bakit ang saya saya ko?

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon