Chapter 17

9 2 0
                                    

Seriously? Andito na naman sya. Hayyy. Yung plano kong mag-relax, mukhang malabong mangyayari.

Mukhang mahimbing ang tulog nya kaya hindi ko na lang ginising, bumaba na lang ako.

"Mom, nasan po sila ate?" tanong ko kay mommy nang mapansin na wala sila.

"Oh, nandun nga pala sila sa bahay nina Kuya Arthur mo, dun sila matutulog ngayon." sagot naman ni mommy.

E bakit naman nandito yung si Prince? E nandun naman pala si Kuya Arthur. Bwisit naman oh.

Nanuod na lang ako ng cartoons habang hinihintay namin si daddy para kumain. Ayoko bumalik sa kwarto ko kasi nandun si prince. Aasarin lang ako nun kapag nagising na yun.

Enjoy na enjoy lang ako sa panunuod ng Phineas and Ferb nang dumating na si daddy.

"Hi dad." bati ko sabay halik sa pisngi nya.

"Hello there, my dear."

Sakto namang kabababa lang ni mommy galing sa taas at nasa likod nya si Prince na halatang bagong gising pa. Nang mapatingin sya sa akin ay bigla na lang akong napaiwas.

Nagpunta na kaming lahat sa dining at tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsalita si Daddy.

"So Prince? Ok lang ba talaga sayo na dito ka muna sa bahay? Nasa inyo buong family mo ngayon e." biglang tanong ni daddy kay Prince.

Ako naman, di ko maintindihan pinagsasabi ni daddy.

Bakit kailangan nya pa tanungin yun e nakailang tulog na nga dito yang si Prince e. Tsaka bakit nga ba nandito sya?

"It's ok tito, syempre po request nyo po yun, kaya po susundin ko po." sagot lang ni Prince.

"Um Dad, what are you talking about?" tanong ko kay daddy kasi ako ngayon ay gulo pa rin.

Napatingin naman silang lahat sakin.

"Oh i forgot to tell you Princess, me and your mom have to go to a party. In-invite kami nang isa sa mga client natin kasi kasal nila." pagpapaliwanag ni daddy.

And what the hell? So maiiwan ako dito kasama si Prince? No no no no.

"Can't i come with you?" tanong ko.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makasama sa kanila kasi pag hindi si Prince ang makakasama ko, and I don't want that to happen. Naiilang pa rin ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa nangyari kanina at hindi ko pa alam kung paano ko sya kakausapin.

"Dito ka na lang sa bahay Princess, masyado na din kasing late yung party. Mapapagod ka lang, kaya nga nirequest ko kay Prince na samahan ka na lang dito e. Just have some fun here with Prince."

What? Daddyyy whyyyy? I don't want to be with Prince. And fun? Anong fun? Malamang na sya lang magsasaya habang inaasar ako.

Tumingin ako kay Prince at nakita ko lang na nakangiti yung asungot. Bipolar syaaaa. Kanina ang seryoso tapos ngayon ngingiti-ngiti na. Siguro may pinaplano na naman tong lalaking 'to para asarin ako. Lord, please help me.

"Your dad is right Prithine, dito ka na lang sa bahay and wala ka ding magagawa dun. Most of the people there are adults." dagdag pa ni mommy

Pero ayaw ko talaga sya makasama dito sa bahay eeeee.

"Mom, Dad, i want to come with you, pleaseeee." pagmamakaawa ko na sa kanila and i think nagtagumpay ako ng marinig ang pag buntong hininga ni daddy.

"Ok fine, you can come, but Prince you should come with us too." baling ni daddy kay Prince and tumango lang naman si Prince.

Ok. I gave up. Ayaw talaga akong ilayo kay prince, pero mas mabuti nang kasama ko sila mommy at daddy, atleast mababawasan pang-aasar ni Prince sakin *evil laugh*.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon