Chapter 19

6 2 0
                                    

Nasa labas na kaming lahat pati ang mga bag na dala namin. Hinihintay na lang namin yung driver namin na nagpagasolina pa ng van.

Kalong ko ngayon si Theo habang pinaglalaruan yung sunglass ng mommy nya. Tuwang-tuwa naman sya. Kompleto kaming buong pamilya ngayon and I'm so happy kasi ngayon lang ulit ito naulit.

Dumating na yung van, then nilagay na ni manong tsaka ng isa naming kasambahay yung mga bag sa likod. Nakasakay na kaming lahat. Si Daddy, yung nasa una, sa tabi ng driver namin, si Ate, si mommy tsaka si Kuya Arth naman sa sunod, tapos ako tsaka si Theo nandito sa likod. Whoo. Gusto daw kasi ni Theo sakin tumabi e. Yee

Nag-start na ng engine yung driver namin, nang may kotseng dumating, pagkababa ng tao sa driver's seat ay isang lalaking naka-loose shirt at short na may dalang isang bag ang nakita namin. Naglakad sya papunta sa pinto ng van at binuksan naman ni Kuya Arthur yung pinto sa gilid nya.

"Dun sa likod." sabi lang ni Kuya Arthur sabay turo sa may pwesto namin ni Theo.

Tumingin naman sya at nang makita nya ako ay isang ngiti lang ang nag-form sa labi nya.

"Hi Tito Prince." bati sa kanya ni Theo na nasa kaliwa ko sa may bintana.

"Hello baby." sabi nya naman nang nakangiti.

So ngayon katabi ko si Prince sa van. Nasa pagitan nila ako ni Theo. Nag-start na kaming mag-byahe, and sila Mommy dun sa harap namin, nagkuwentuhan lang. Tahimik lang naman kami dito ni Prince at himala nga kasi hindi ata nang-aasar ngayon yung asungot.

Nakahiga ngayon si Theo. Nasa lap ko yung ulo nya, habang hinahagod-hagod ko yung buhok nya. Ang cute talaga ng baby Theo namin. Napansin ko naman na nakatingin din si Prince kay Theo. Medyo magkadikit kami kasi nakahiga si Theo, hindi naman pwedeng hindi ako umusod kasi maliit yung space, mahihirapan sya sa pag-tulog.

"Inaantok din ako. Pasandal ha." sabay biglang patong ng ulo nya sa balikat ko.

Nagulat ako sa ginawa nya, tsaka bigla na lang syang nagsalita. Hindi tuloy ako maka-galaw ngayon. Nakapikit na sya tapos naka-cross arms. Amoy na amoy ko yung bango ng buhok nya. At halata namang napakalinis nyang tao. Habang tinitignan ko sya, parang gumagaan ang loob ko. Hindi ko alam kung ano na bang nagbago simula ng lagi kaming nagkakasama ni Prince. Kahit sa bahay lang yun, marami na ding nangyari.

Iniisip ko yung mga pang-aasar nya sakin at lahat ng pambibwisit na ginagawa nya, ng bigla kong naalala yung aksidenteng pagtatama ng labi namin nung napatid ako. Nakakahiya talaga yun. Buti na lang, mukhang nakalimutan na nya.

Isang oras na ang nakakalipas, pero yung dalawa, hindi manlang nagbabago ng pwesto, ganun pa rin. E ako hirap na hirap na. Napatingin naman sa amin si Kuya Arthur at nang mapansin ako ay, kinuha nya si Theo. Kinandong nya ito at inihiga yung ulo sa dibdib nya. Tulog din lahat sila.

Binalingan ko naman yung nakasandal sa balikat ko, at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog nya. Hindi ko inaasahang magkakakilala kami ng asungot na 'to. Isa sya sa mga unang nagpam-bully sakin nung first day tapos hanggang ngayon, sya pa rin yung nang-iinis sakin, pero hindi ko alam kung bakit habang tumatagal, parang hindi na ako naaasar sa kanya, at parang hinahanap ko na lagi yung presensya nya.

Feeling ko parang hindi kompleto yung araw ko kapag walang asungot na nangungulit sakin. Hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko.

Nang makaramdam ako ng antok, ay kinuha ko yung cellphone ko tsaka yung earphones ko tsaka nag-play ng music. Isinandal ko yung ulo ko sa upuan at pumikit. Mabilis kasi akong nakakatulog kapag may music kaya nagsimula na akong tumulog.


Prince's POV

Nagmulat ako ng mga mata ko, ramdam ko na parang may mabigat sa ulo ko. Kinapa-kapa ko yung ulo nya at napangiti na lang ako. Umayos ako ng upo habang inaalalayan yung ulo ng katabi ko. Ang himbing-himbing ng tulog nya. Inilagay ko yung ulo nya sa dibdib ko, habang yung braso ko ay nakaakbay sa kanya, para naman maging komportable sya, kasi alam kong nahirapan din sya sakin kanina.

Nakita ko naman yung isang earphones nya na wala na sa tenga nya, kaya sinuot ko yun sa'kin. Nagp-play ngayon yung kantang Can't help falling in love. Na-alala ko tuloy nung sinayaw ko sya. Nagdadalawang isip pa ako nun kung lalapitan ko ba sya. Nakangiti lang sya nun habang pinapanuod nya ang parents nya at di ko lang mapigilan yung ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

Nang mapansin kong may isang lalaking medyo nasa edad lang namin na papalapit sa kanya, ay bigla na lang akong napatayo. Inunahan ko na yung lalaki. Psh, uunahan nya pa ako ha. Tinaasan ko lang ng kilay yung lalaki at umalis din naman agad yun. Masyado kasi syang maganda at maayos nung gabing yon, kaya maraming lalaki ang naka-agaw ng atensyon nya and I don't know why I hate that.

Habang sumasayaw kami, nakatingin lang ako sa kanya, at sya sakin. Habang sumasabay kami sa beat ng tugtog, pati yung tibok ng puso ko nakikisabay. Bumibilis ito ng bumibilis. Hindi ko magawang makapagsalita ng mga time na yun. Tapos ng malapit nang matapos yung tugtog, bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko inaakalang masasai ko "i'm falling".

Mabuti na lang at saktong natapos na ang kanta. Hindi ko kayang magpaliwanag kung sakali mang magtanong sya.

Nako-confuse na rin ako sa nararamdaman ko. Ngayon lang bumilis ang tibok ng puso ko hanggang sa mga panahong ito na nasa tabi ko sya. Baka nga, bigla na lang syang magising sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Bahala na.

Pumikit na lang ulit ako at nag-cross arms, pero hindi na ako makatulog. Inenjoy ko na lang yung feeling ngayon.

After nang ilang oras, nakarating na rin kami sa destination namin. Gising na ang lahat, maliban kay Prithine. Nakababa na silang lahat at kinukuha na ang mga bag nila pero kami nandito pa rin kasi nakahiga pa rin sakin si Prithine at ayaw nya magising.

Pinindot pindot ko yung pisngi nya, at gumalaw sya. Kaya pinagpatuloy ko lang hanggang sa magmulat na din sya ng mata. Hindi pa rin sya umaalis sa dibdib ko ng bigla syang tumingin sakin at bigla na lang lumaki yung mata nya. Napatayo sya at nauntog sya sa bubong kaya naman napatawa na lang ako.

"Aish! Bat di mo ba kasi ako ginising e!" sigaw nya sakin sabay baba.

Tawa lang ako ng tawa dito sa loob, and i think i'll have some fun with her.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon