Prithine's POV
Naglalakad na ako papunta sa room nang makita ko si Lans sa ilalim ng isang puno.
"Huy!" gulat ko sa kanya, mukha kasing ang lalim ng iniisip kaya siguro di ako napansin na palapit sa kanya.
Tumingin naman sya sakin at parang pilit na ngumiti.
"Prithine ikaw pala." sabi nya.
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.
"Ahh wala wala." sagot naman nya.
Tatanungin ko pa sana sya nang biglang mag-ring na ang bell. Hudyat ito na magsisimula na ang mga klase.
"Ah sige Lans, kita na lang tayo mamaya ha." pagpapa-alam ko.
"Sige." sabi nya lang.
Di ko na ulit sya tinanong kasi male-late ako sa first class ko kaya naman nag-lakad na ako paalis.
Pagtapos ng klase namin ay agad na hinahanap ko si Lans para tanungin ang problema nya pero hindi ko sya mahanap. Naglalakad ako ngayon papunta ng cafeteria nang bigla naman akong lapitan ni Justine.
"Hi." bati nya sa akin.
"Justine, hinahanap ko si Lans." sabi ko at tinalikuran ko na sya.
Bigla naman nyang hinigit ang braso ko kaya napayakap ako sa kanya at niyakap nya rin ako.
"Nakakapagselos na yan ha." sabi nya.
Humiwalay na lang ako sa pagkakayakap nya at naglakad na palayo. Mabuti naman at hindi na ako sinundan ni Justine.
Tinawagan ko na lang si Lans at tinanong kung nasan sya at ang sabi nya ay nasa library daw kaya naman dun na ako nag-diretso. Pag dating ko sa library nakita ko naman kaagad sya na nagbabasa kaya naman nilapitan ko na sya. Mukhang ang lungkot nya talaga, kita na yun sa mukha nya.
"Hi Lans." bati ko sa kanya at napatigil naman sya sa pagbabasa nya.
"Hi." simpleng sagot nya.
Sa tono palang ng pananalita ni Lans alam ko nang malungkot sya at may problema. Matagal ko nang kilala 'tong si Lans eh, hindi naman sya tahimik gaya ng pinapakita nya sa akin ngayon. Sya pa nga ang pasimuno ng mga kabaliwang ginagawa namin.
Umupo ako sa tapat nya at tinitigan ko sya ng mabuti.
"Lans sabihin mo nga sa akin ang problema mo." sabi ko sa kanya.
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala akong problema Prithine." pagtanggi nya naman.
"Lans matagal na kitang kilala alam ko kapag may problema ka o wala, kaya naman sabihin mo na please para matulungan kita."
Narinig ko naman ang pag-buntong hininga nya bago sya nagsalita.
"Hay, hindi ko alam kung pano ko 'to sasabihin sayo, pero ngayong nangungulit ka na ay wala na din akong magagawa." paninimula nya.
"Ano ba kasi yun?" pagtatanong ko.
"Prithine nagseselos ako." sabi nya.
Nagseselos?
"Huh? Nagseselos ka? Bakit? Kanino?" sunod-sunod 'kong tanong sa kanya.
Tumingin naman sya sa akin ng seryoso.
"Oo Prithine nagseselos ako, nagseselos ako kay Justine kasi mukhang nagiging close na kayo ng sobra. At ang main reason is naiinggit ako sa kanya kasi ako hanggang bestfriend lang eh, tapos si Justine pwedeng manligaw sayo. May pag-asa sya sayo, ako wala kasi bestfriend mo lang ako, isang bestfriend lang and it hurts na ako pang bestfriend mo ang walang pag-asa sayo. Ako na matagal mo nang kilala ay walang pag-asa sayo pero si Justine na kakakilala mo lang pwede nang manligaw sayo. Elementary pa lang tayo gusto na kita hanggang sa umalis kayo papunta ng Canada, hindi pa rin nawala yung feelings ko, hanggang ngayon. Torpe kasi ako eh, natakot kasi ako na mareject mo kaya hindi ko nasabi sayo, at ngayon wala na, kasi may Justine na." diretso pero mahinahong paliwanag nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Fiksi RemajaWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?