Pagkapasok namin sa loob ng bahay, sinalubong agad kami ni ate at ni Theo.
"Tito Prince!" bati ni Theo at nagtatakbo papunta kay Prince.
Mukhang tuwang-tuwa naman yung asungot at kinarga nya pa si Theo. Bakit ako di binati ni Theo? nakakapagselos na yun ah.
"Hi Tita Prithine." biglang bati naman sa akin ni Theo.
Whoo! Akala ko di ako babatiin e.
"Hi baby." sabi ko naman at nginitian ko sya at nilaro-laro.
"Hello baby." singit ni Prince sabay tingin at kindat sa akin.
Yuck! Nakakasuka sya, akala naman nya sya yun. Ang hangin talaga netong lalaking 'to oh. Feelingero pa psh.
Inirapan ko lang ito habang sya naman ay nakangiti lang sa akin. Nakakainis ang pagmumukha.
Parang laging may nangyayaring maganda sa kanya kasi parang hindi ata naaalis ang ngiti sa mukha nya. Nakakainis lang!
"Pwede ba? Wag mo akong mababy-baby at ang feeler mo eh noh, hindi naman ikaw yun psh." pagtataray ko at iniwan ko na sila sa labas at pumasok na ako ng bahay.
Pagkapasok ko ay dumiretso muna ako ng kwarto ko para magpalit ng damit tsaka bumaba na rin.
Nakita ko naman na nasa sala silang lahat -si mommy, si ate, si Theo, at syempre yung asungot. Si daddy i'm sure nasa trabaho pa.
"Prithine come over here." pag-aaya sa akin ni ate.
Nanunuod kasi sila ng movie na Justice League. Di pa kasi dumadating si Kuya Arthur, yung asawa ni ate kaya siguro naisipan muna nilang manood habang naghihintay.
Napatingin naman sa direksyon ko si Prince at pagkakita nya sa akin ay bigla na lang ngumiti. May sapak ata yun ah.
"Sige ate, kuha lang ako ng maiinom." sabi ko at nagpunta ako ng kusina upang kumuha ng orange juice sa ref.
Bumalik naman ako sa sala at pag minamalas ka naman talaga oh. Katabi ko na naman si Prince dito sa isang sofa namin na good for two lang. Si mommy kasi nandun sa isang mahaba, nakahiga pa kasi eh tapos si ate at si Theo dun sa isa pang sofa kaya no choice ako kundi tumabi sa asungot na yun.
Tinuon ko na lang ang pansin sa panunuod para hindi na ako asarin ni Prince nang bigla naman syang bumulong sa tenga ko.
"You're hot baby." sabi nya.
Napamulaga naman ako dun at nang tinignan ko sya ay nakatingin lang sya sa legs ko at pagtingin ko sa itsura ko.
"Wahhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw na lang ako.
Dun ko lang kasi napansin na nakasando lang pala ako ngayon tapos yung isang strap ng bra ko ay lumaglag na sa may braso ko tapos naka short-shorts lang pala ako at nakataas pa yung isang paa ko. Huhuhu. Hindi naman kasi ako sanay na may ibang lalaki dito sa bahay e at bakit ba ito ang naisuot ko ngayon? Dapat kasi yung pantulog ko na ang sinuot ko para mahaba. Huhuhu. Napatingin naman lahat sila sa akin.
"What's wrong?" tanong sa akin ni mommy na napaupo pa sa pagkakahiga nya dahil sa sigaw ko.
Si Theo naman parang natakot dahil sa pagsigaw ko.
"A-ahm..wa-wala..p-po mom-mommy." nauutal kong sagot at rinig na rinig ko naman ang pagtawa ng mahina netong katabi ko.
Napatakbo na lang ako papunta sa kwarto ko at ini-lock ko pa yung pinto.
Huhu. Patay ako neto. Parang ayaw ko na tuloy magpakita pa sa kanya.
Dahil dun, di na ako bumaba pa. Dito na lang ako nag-stay sa kwarto ko at nagbasa-basa na lang ako ng mga libro.
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?