Chapter 15

9 2 0
                                    

"You?/Ikaw?"

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, habang hindi maalis ang tingin nila sa isa't isa. Medyo napalakas ata ang pagsalita nila kaya naagaw nila ang atensyon ng ibang students na kumakain.

"So it's you again huh?" pagsisimula ni Sum.

Hindi ko alam kung pano sila nagkakilala at bakit parang galit na galit etong si Sum kay Lans, tapos etong si Lans naman ay parang takot na takot.

"Ahm miss, I'm really sorry for what happened earlier, and I didn't really mean to say those words and to leave you there, kaso late na kasi ako kanina." dire-diretsong sabi ni Lans.

"Well I don't care about your excuses!" pasigaw naman na sagot ni Sum.

Aw oh! What is happening right now?

"Ohmygod! Sum, lower your voice." bulong ko kay Sum kase ang ingay ingay e.

"Ano ba kasi nangyari sa inyo?" sunod kong tanong.

"Huhuhu, Prithine, iligtas mo'ko. Ayaw ko pa mamatay." sabi lang sakin ni Lans habang tumatago sa likod ko.

"Well too bad, you're gonna die right now." sabi ni Sum na nakangisi pa.

Naguguluhan pa rin talaga ako sa nangyayari ngayon kaya bago pa man mahablot ni Sum ang damit ni Lans ay inawat ko na agad sya.

Pinaupo ko silang dalawa sa table at pinakwento ko kung anong nangyari and right now di ko mapigilang -

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ako ng tawa sa narinig ko kay Sum. Asar na asar pa yung mukha nya habang si Lans naman parang nahihiyang ewan.

"Hey stop laughing Anna, it's not that funny." saway sakin ni Sum.

"Oo nga, muntik na nga ako mamatay tapos tawa ka lang ng tawa dyan." dagdag naman ni Lans at isang irap lang ang natanggap nya mula kay Sum.

"Okay na ako, okay na ako, pero WAHAHAHAHAHAHAHA grabe talaga e, pero Sum, mabait yang si Lans, bestfriend ko yan, kaya dapat maging bestfriend mo rin sya." sabi ko na ikinangiwi nya.

"No way Anna." tanggi nya naman

"Psh, akala mo naman gusto ko rin?" sabi sa kanya ni Lans.

Hay. Mag-aaway na naman sila, at himala mukhang hindi na takot si Lans kay Sum ah.

Nagpaalam na din naman agad si Lans kasi start na ng second subject nya kaya kaming dalawa na lang ni Sum ang natira and nagpapasama sya sa magiging room nya kasi ngayon na pala first day nya kahit wala pa syang uniform kaya sinamahan ko naman sya and HRM din pala sya, edi sana kay Lance na lang sya sumama kanina.

Pagkarating namin sa labas ng room nya ay iniwan ko na din naman sya, kasi kaya naman na daw nya yun. So ako ngayon ang mag-isa, and anong gagawin ko sa 1 hour ko pang vacant? Huhuhu boring. Maglilibot na lang ako dito sa campus.

Naglalakad ako ng may nahagip ang mga mata kong isang lalaking papunta sa direksyon ko na nakangiti. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang direksyong dinadaanan ko hanggang sa nasa tabi ko na pala yung asungot.

"Hi baby goodmorning." bati nya with matching kindat kindat pa.

"What the -- Prince? Baby mo mukha mo. Nambwibwisit ka na namang asungot ka e." buti na lang wala ng masyadong tao kasi may mga klase na kaya ok lang na medyo lakasan ko boses ko kasi wala namang ibang makakarinig.

At jusme. Anong meron sa kanya ngayon? Akala ko ba hindi sya pumasok e bakit nandito?

"I'm just kidding Prithine. Pinuyat mo na nga ako kaya nalate ako tapos magagalit ka pa sakin? Tsk." sabi naman nya.

"Anong pinuyat? Ikaw nga yung nanakot dyan e, tsaka epal ka pa, nakikisingit ka pa sa kwarto ko kaya di ko na kasalanan kung di ka makatulog ng maayos." sigaw ko sa kanya para naman maintindihan nya yung sinasabi ko.

Sakin pa talaga isisisi yung mga ginagawa nya. Ano sya? Hmp. Tapos yung asungot ayun nakangiti lang ng parang baliw dito sa harap ko.

"E ikaw naman talaga may kasalanan e, ayaw mo pa kasi lumipat dun sa kama, nagpabuhat ka pa talaga sakin ha, ambigat mo pa naman tapos ang gulo mo matulog psh. Niyayakap mo pa ako kaya di ako makatulog ng maayos. But it's alright baby, basta ikaw." sabi nya sabay kindat na naman and wtf na-speechless ako dun sa sinabi nya.

Di ko alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko na ang init ng pisngi ko huhuhu. Feeling ko ampula na nun kaya hinawakan ko na yun and nakita ko na mas lumawak yung ngiti ni asungot huhuhu. Hiyang hiya na nga ako dito oh.

"E-eh s-si-sino b-ba k-kasi may s-sabi sayo na bub-buhatin mo ako ha?" shet. nauutal pa ako ano ba yan?

Nanlalambot mga tuhod ko, kaya nag-walk out na lang ako habang nakatungo kasi nakakahiyang makita ni Prince na namumula ako, baka isipin nun kinikilig ako which is not.

At kung minamalas ka nga naman, madulas pala yung dinadaanan ko kasi basa which is obvious naman na kaka-mop lang ni manong janitor. And huli na ang lahat, matutumba na ako, napapikit na lang ako habang hinihintay yung pagbagsak ng pwet ko ng may maramdaman akong humawak sa bewang ko at pag bukas ko ng mga mata ko, nakita ko si Justine.

Oh thank God, nandito si Justine. Hindi ako nadulas. Bakit ba kasi ang lampa ko e, tsk tsk. Nakatingin lang sakin si Justine at bigla na lang akong napaatras sa kanya ng di ko alam kung bakit. Tiningnan ko si Prince sa direksyon kung nasan sya kanina and nagulat na lang ako ng makita syang papalapit sa amin na hindi na maipaliwanag ang itsura.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit bigla na naman bumibilis tibok ng puso ko. Ano ba to? May sakit na ba talaga ako?

Naririnig kong kinakausap ako ni Justine, pero hindi ko maintindihan yung mga sinabi nya kasi mas nangingibabaw yung kalabog ng puso ko.

Napatigil lang ako ng bigla akong hawakan ni Prince sa braso at hinila papunta sa likod nya. Hindi ako makatingin sa kanya, at nakita ko naman na parang nagulat si Justine sa inasta ni Prince.

"Thank you for saving her." malamig lang na sabi ni Prince sa kanya.

Anong nangyari sa lalaking 'to? Bigla na lang nagbago ang mood.

Nakatingin lang ako kay Justine na seryoso lang na nakatingin kay Prince at nagpakawala ng isang ngiti.

"No need for thanks Prince, it's my duty to protect her as her suitor." seryosong sabi lang ni Justine at napansin ko na parang nagkasalubong ang kilay ni Prince.

Hindi ko din alam kung bakit parang na-ilang ako nang sabihin ni Justine ang word na "suitor".

Bakit ganito ang magkaibang ito ngayon? Parang mga baliw lang e. Ang seseryoso. Hay nako. Ewan sa kanila.

"Ahm Justine thank you ha, sige alis na ako. May pag-uusapan ata kayo ni Prince e, ang seryoso nyo kasi." pagpapaalam ko at isang ngiti ang natanggap ko mula kay Justine.

Aalis na sana ako ng mapansin kong hawak pa rin pala ni Prince yung braso ko at ng tignan ko sya ay diretsong nakatingin lang din ito sa akin. Bigla na lang akong napaiwas at naramdaman ko na naman ang init sa pisngi ko.

"Let's talk." mahina pero may diing sabi ni Prince at parang kinabahan naman ako.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon