Naglalakad ako ngayon papunta ng room ko. Ang aga ko nagising kaya ang aga ko rin pumasok. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga maalis yung mga ngiti ko sa labi.
Nakita ko naman si Justine na naglalakad din na medyo nauuna sa akin. Siguro kailangan ko na ring sabihin kay Justine yung totoo, para wala ng masaktan sa huli.
"Ah hi Justine." bati ko sa kanya at ngumiti lang naman sya.
"Ah may gusto sana akong sabihin sayo e." paninimula ko at ngumiti lang ulit sya.
"Oh alam ko na Prithine." sabi nya lang.
"Ha? Anong ibig mong sabihin na alam mo na?" gulat na tanong ko.
"Yung tungkol ba sa inyo ni Prince?" tanong nya.
Alam nya nga. Pano?
"Tama ako no?" napansin nya siguro na nagtataka ako kung paano nya nalaman.
"Kinausap nya ako kagabi. Gabing-gabi na nga, pumunta pa ng bahay e. May sasabihin daw sya sakin at nagtaka naman ako kung gaano ba talaga ka-importante para pumunta pa sya sa bahay ng late na, at nung malaman ko na kung tungkol saan yun ay importante pala talaga." pagpapaliwanag nya lang at ngayon alam ko na. Kaya pala nagmamadaling umalis agad si Prince pagkadating namin sa bahay kasi may kailangan daw syang kausapin, si Justine pala yun.
"Don't worry Prithine, ok lang ako at kung magtatanong ka kung galit ako kay Prince? My answer is no. He's my bestfriend. Sinabi nya sakin at pinaintindi nya sakin lahat at wala akong karapatang magalit kung pareho din naman kayo ng nararamdaman. Para san pa na magalit ako diba? Wala ring mababago yun kaya wag mo akong alalahanin, ok lang ako and diba friends din tayo?" diretsong sabi ni Justine
"Oo naman Justine. We're friends." yun na lang ang nasagot ko sa mga sinabi ni Justine. Niyakap ko na lang sya dahil sa tuwa ko.
Bihira na ang mga katulad nya na tinatanggap ang lahat at inuunawa ang mga sitwasyon lalo na kapag sa kaibigan nya. Thankful ako na isang katulad nya ang kaibigan ni Prince. Mahirap pa ring intindihin ang mga nangyayari kung sa ibang tao. Maski ako ay di parin makapaniwala.
Naglalakad na ulit ako ngayon, ng may makita akong isang lalaki na nag-palawak na naman ng ngiti ko. Nang makalapit sya sa akin ay agad na hinawakan nya ang kamay ko, hinayaan ko lang naman sya at nag-simula na kaming maglakad ng magkasabay.
"Did you sleep well last night?" tanong nya sa akin.
"Siguro?" hindi siguradong sagot ko sa kanya.
"I guess you can't help thinking of me last night, huh?" pang-aasar na naman nya at hindi ko na lang sya sinagot.
Nagpakawala naman sya ng isang tawa.
Gabi na rin kasi kami nakauwi ng bahay, at sa buong biyahe namin ay walang pinalagpas na oras sa Prince, halos mangawit na ang braso ko na nakapatong sa hita nya habang magkahawak ang kamay namin, tapos inihihiga nya ako sa dibdib nya at matulog daw ako. Sa buong biyahe ata namin ay nawala na ang pagka-ilang ko sa kanya. Naging komportable na ako sa tabi nya.
Habang papunta kami ng room ay lahat ng makakakita sa amin ay nagtataka at mukhang gulat na magkasama kami ni Prince at magka-holding hands pa. Nahihiya ako kaya tumungo ako.
"Don't mind them Prithine." sabi sa akin ni Prince, napansin nya atang naiilang ako sa mga taong tumitingin kaya nya nasabi yon.
Binalikan ko lang naman sya ng isang ngiti at nagpa-tuloy lang sa paglalakad. Nakasalubong ko naman si Sum na nakangiti sa akin at sa tingin ko ay alam ko na ang nasa isip nya.

BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Подростковая литератураWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?