"Let's talk." pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila na nya ako paalis.
Binalingan ko ng tingin si Justine at nakita kong nakatanaw lang sya sa amin. I don't know why i feel sorry for Justine kung pano sya kinausap ng kanyang kaibigan kanina. Si Prince naman kasi e, psh.
San ba ako dadalhin ng asungot na 'to? Gusto ko na sana bawiin yung braso ko kaso ang seryoso nya masyado, galit ata e. Pero bakit naman sya magagalit? Dapat nga matuwa pa sya kasi muntik na akong madulas dahil sa kanya. Nang tumigil sya sa paglalakad, napansin kong nasa harap kami ng clinic.
"Hey. Why are we here?" tanong ko sa kanya at saka tinagtag ang pagkakahawak nya.
Tumigin ako sa kanya and wala pa ring nagbabago sa expression ng mukha nya.
"We're here to talk." sabi nya lang sabay pasok sa loob.
Ugh! Asungot talaga. Imbes na ini-enjoy ko yung 1 hour vacant ko, sa kanya napunta oras ko. What a waste of time.
Pumasok na lang din ako sa loob at nakita syang nakaupo sa sofa na maliit sa loob. Wala ang nurse dito ngayon kaya kaming dalawa lang ni prince ang nasa loob.
Nag-stay akong nakatayo sa may pinto at hindi umuupo kasi baka mabilis lang naman 'to. Baka may sasabihin lang naman sya.
"Are you hurt?" pagsisimula nya.
"Nope." diretsong sagot ko lang.
Duh! Nakita naman nyang hindi ako natumba tas tatanong pa nya kung nasaktan ba ako. Abnormal.
"So he's still courting you?" biglang tanong nya naman.
Bakit naman napunta sa "courting" ang usapan? Ang gulo nya.
"Ahm. Yeah, i guess so."
"And may balak ka bang sagutin sya?" tanong pa nya. Bakit ba tanong ng tanong ang lalaking 'to?
"I don't kn- wait wait ano bang pakialam mo kung may balak man akong sagutin sya o hindi? It's none of your businnes." sabi ko naman.
Yes. Tama ako. Ano nga bang pakialam nya dun? And nakita ko naman na napatahimik sya dun at nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Kung may plano ka man na sagutin sya, don't do it." sabi nya lang at biglang tumayo na sa kinauupuan nya at lumabas ng clinic.
Naiwan akong tulala sa loob dahil sa sinabi nya. Ano ba ibig nyang sabihin? Di ko maintindihan? Bakit ayaw nyang sagutin ko si Justine? Siguro nag-aalala yun sa kaibigan nya. Baka iniisip nya di ako magiging isang mabuting girlfriend pag nag-kataon.
Siguro nga yun yon. Concerned sya sa kaibigan nya. Pero ano ba pakialam nya? Nakakainis naman oh.
Dahil sa mga nangyari kanina, lutang lang ako. Pumasok ako sa mga next subjects ko pero wala akong naintindihan.
After ng klase ay may natanggap akong text kay Sum kaya hinintay ko sya para naman makapag-bonding manlang kami at para na rin ma-clear ang utak ko.
"So how are you na?" tanong ni Sum habang nagsusubo ng ice cream.
Nandito kasi kami ngayon sa mall, gumagala.
"I'm fine Sum. Ikaw ang how are you na? Tagal nating di nagkita ha."
"Hay nako. Boring sa Italy. Wala ka e." sabi pa nya.
"Psh. Namimiss mo lang ako e." pang-aasar ko sa kanya na ikinatawa nya naman.
"Funny but true. I miss you so so much. Puro away lang napapala ko dun e hahaha."
Babaeng to talaga walang ibang alam gawin kundi makipag-away. That's her way of having fun lalo na pag sya ang nananalo, kaya takot na takot sa kanya si Lance kanina kasi nakakatakot naman talaga ang babaeng 'to.
Siguro nga kung hindi ko lang sya bestfriend, matatakot din ako sa kanya e, pero Sum is a very kind and caring girl also, sa akin nga lang hahaha.
"Para di mo ako mamiss, punta na lang ako sa bahay nyo para makamusta ko na din sina tito and tita." sabi ko sa kanya.
Close din kasi ako sa parents nya. Naging mag business partners din kasi mga parents namin.
"Sure sure, and minsan ako naman bibisita sa inyo. I heard ate Queen has a child na ah." masayang sabi nya.
Si Sum din kasi mahilig sa mga bata lalo na sa baby. Nung mga bata pa kami nun, pag may nakikita syang baby, pupuntahan nya tapos mamimisil ng pisngi. Baliw baliw e.
"Yah. A baby boy. Ang cute cute cute nya grabe. Si Theo." sagot ko naman and yung mata nya biglang kuminang.
Patay na, baka kung anong mangyari kay Theo kapag nakita sya netong babaeng eto. I'm sure pang-gigigilan nya yun lalo na ang taba pa naman ng pisngi ni Theo.
"I'm excited to meet him." sabi nya with matching beautiful eyes pa ang loka.
After naming gumala, umuwi na din kami.
It's Saturday bukas, kaya ininvite ko si Sum na pumunta ng bahay bukas kaso may mga aasikasuhin pa daw sya kaya next time na lang daw.
But that's good na rin. Atleast makakapg-relax muna ako sa bahay kasi baka pag bumisita na yung babaeng yun, e di na ako makapagpahinga. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si mommy na nagluluto na para sa dinner namin. Lagi na lang pag makikita ko si mommy sa bahay ay nag-luluto, hobby na rin nya e.
Humalik muna ako sa pisngi nya bago nag-tungo papunta ng kwarto ko.
Nagulat na lang ako ng pagkapasok ko na ay may isang asungot na natutulog sa kama ko.
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?