"I'm so scared, Prince." bulong ko sa kanya ng nakapikit pa rin habang yakap-yakap ang mainit nyang katawan. Saglit naman nyang idinampi ang kanyang labi sa aking ulo.
"I'm really really sorry my love, you have nothing to be scared of now. I'll take care of you."
Agad na din kaming bumaba ni Prince sa kwarto at dumiretso sa salas ng bahay nila Nate. Nakita ko na naka-upo sa sofa si Mike at tsaka si Nate na halatang iniiwasan ang tingin ko sa kanila. Nasabi na ata sa kanila ni Justine kung bakit ako nandito ngayon and I know na may nararamdaman pa rin silang guilt sa ginawa nila.
Alam ko naman na ang lahat, at wala namang malaking kasalanan na nagawa ang dalawa. They don't deserve me being angry at them. It's no one's fault. I'm sure na hindi din nila ginusto ang mga nangyari ngayon. It's just a full misunderstanding, but most importantly is we've learned some lessons through it.
"We're really sorry Prithine. Kasalanan namin 'to." pambungad sa akin ni Mike na nakayuko lang.
"Promise Prithine, di ko na yayayain ulit si Prince mag-inom." dugtong naman ni Nate.
"Ito kasing si Nate ang may kasalanan e, bakit ba kasi may kapatid kang babae ha?" pag-sisisi ni Mike kay Nate.
"Kasalanan ko ba yon na gago ka? Bakit di mo sisihin parents ko ha? Ako ba ang nag-anak sa kapatid kong yon? Tsaka eto naman kasing si Prince e, bakit ka nga ba sumama? Alam mo namang may girlfriend ka na dyan e hmp." pagmamaktol ni Nate at binato lang sya ng tsinelas ni Prince.
Nag-aawayan na ang dalawang nasa harap namin ngayon, at ako ay natatawa na lang sa kanila. Para lang silang mga bata. Si Justine naman ay iiling-iling habang pinapanood din sila.
"Guys, okay lang, wag na kayo mag-away." napatingin sa akin si Nate at si Mike, sabay ng pag-silay ng mga ngiti sa labi nila dahil sa sinabi ko.
Napaatras na lang ako ng bigla akong yakapin ng dalawa.
"Hey! Stop it, she can't breathe." saway ni Prince at agad akong hinila palayo sa dalawa.
"Psh, now you're acting like a jealous boyfriend, samantalang dati naman ay ayaw na ayaw mo kay Prithine, sabi mo pa nga na di ang katulad nya ang type mo'ng babae e." sabi ni Mike at dinilaan lang si Prince nang lakihan sya ng mata nito.
Narealize ko naman ang sinabi ni Mike. Totoo ang lahat ng yun. Dati nga ay kaming dalawa pa ang ayaw sa isa't isa, napaka-opposite kasi namin. He's famous at school, while I'm just nothing but an ordinary student. I bet he has a lot of friends, while I only have Lance that time. I also remember how I hated his attitude, yung lagi nya akong inaasar at binubwisit kapag nasa bahay sya. Yung halos pandirian ko sya dahil sa mga nalalaman ko tungkol sa mga babae nya. Yung tuwang-tuwa pa sya kapag alam nyang napipikon na ako. At isa pa sa pinaka-ayaw ko sa kanya nun ay ang pagiging makulit nya. But because of that trait of him, I also changed, for being a silent girl to being a cheerful one.
I realized that there is more, that this life can give. But, Prince being a part of my life is already more than enough. I don't wish for more. His happiness is what I want right now. I just want him beside me all the time.
Ngumiti lang ako sa dalawa at napansin ko'ng nakatitig lang sa akin si Prince, saglit kong pinisil ang kanyang kamay para siguraduhin sa kanyang wala lang sa akin yun.
"Love can change one person, Mike. Everything can change when you fall in love."
Sumeryoso ang tingin ng dalawa matapos yun sabihin ni Prince. Hindi nila inaasahan na sa kaibigan pa nila mismo nanggaling ang mga salitang yun and I guess he's right. He changed, into a good one. Masaya lang na malaman na isa ako sa dahilan ng pagbabago nya.
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?