Chapter 13

8 2 0
                                    

Prithine's POV

I woke up at 5:00 am. Pagtingin ko sa bintana ko ay medyo madilim-dilim pa sa labas.

"Ang aga naman."

Tumayo na ako para magpunta sana sa CR nang makita ko yung folding bed ko sa may study area ko.

"Bakit nandito 'to?" tanong ko sa sarili ko.

At naalala ko naman yung mga nangyari kagabi. Wait, pero bakit nasa kama ko ako? Paano na naman ako napunta dun? Tsaka nasan na yung Prince na yun?

Nagdiretso na ako sa CR at naligo na. Di ko na lang inisip ulit si Prince kasi di ko naman alam ang mga nangyari kagabi kasi nakatulog na ata ako. Pagbaba ko, nakita ko si mommy na nagluluto na ng breakfast, at tinutulungan sya ng isa sa mga kasambahay namin.

"Morning mom." bati ko sa kanya, sabay halik sa pisngi nya.

"Morning baby, kumain ka pala kagabi pero hindi mo inubos tapos iniwan mo pa dito yung pinagkainan mo, at tsaka bakit may tinidor sa sahig?" sabi nya. Nakalimutan ko din pala yun dahil nga dun kay Prince.

"Sorry po mom, inantok na po kasi ako kagabi kasi 11pm na din po yun kaya di ko na po naayos." palusot ko na lang.

"It's ok baby."

"Let me help you, mom." sabi ko. Madalas din kasi akong tumulong maghanda ng breakfast kay mommy.

Ako na nagpatuloy nang nilulutong bacon, hotdogs, at eggs habang si mommy naman yung naglalagay ng plates sa lamesa katulong yung isang maid namin.

Bigla ko namang naalala si Prince, di ko na kasi nakita eh. Nasan na kaya yung asungot na yun? Siguro nasa kwarto naman na nya ngayon. Baka lumipat na at tulog pa.

"Ah mom, where is Prince nga po pala? Nakita ko po kasi sya kagabi eh, eh hindi ko pa po nakikita ngayong umaga." tanong ko kay mommy.

"Ah si Prince, nagpaalam sya sakin kanina eh mga 4am siguro. Uuwi na daw sya." sagot naman ni mom.

So mas maaga pala syang nagising sakin kaya di ko sya naabutan pero ok na din yun, atleast di ko na makikita yung pagmumukha nya.

Sakto naman na natapos ko na yung pagluluto nang bigla kong nakita si Theo na pababa sa hagdan kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

"Theo, why are you here?" tanong ko sa kanya nang maabutan ko sya.

"Goodmorning Tita Prithine. My mommy and daddy are still sleeping and I'm so hungry na po so tumakas na po ako sa kanila." paliwanag naman na Theo.

Oh! Theo is such a cute little boy. Kinalong ko sya at nagpunta kami sa dining. Inupo ko sya sa tabi ng upuan ko at sabay kaming kumain.

"Tita Prithine, I want hotdogs." sabi sakin ni Theo.

"Ok, little boy." then naglagay ako ng isang hotdog sa pinggan nya at kinain naman nya ito.

Tapos na akong kumain at si Theo ay kumakain pa rin kaya binantayan ko na muna sya kasi maaga pa naman at di naman ako male-late sa school. Nagpunta naman si mommy sa kwarto nila ni dad kasi gigisingin na daw nya si daddy.

"Titcha Prhitchine, I wantch more pleash." sabi ni Theo kahit may laman pa yung bibig nya.

"Ok, ok, but don't talk when your mouth is full ok? It's bad." I told him kaya inubos nya muna yung laman ng bibig nya bago sya nagsalita.

"Ok po." sabi nya, and nilagyan ko ulit sya ng fried rice at hotdogs sa pinggan nya nang bigla kong narinig ang sigaw ni ate Queen.

"Theooooooooooooooooo!" sigaw nya and obvious naman na she's looking for Theo, habang si Theo naman tuloy lang sa pagkain at walang pakialam sa mommy nya.

"He's here ate, he's eating!" I yelled back at her kasi baka nag-aalala na sya na wala sa tabi nila si Theo.

Nakita ko naman na sumilip sya samin mula sa taas and I just smiled at her.

"Be right there." sabi nya and I just nodded.

Pagkadating ni ate ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nagbihis na ng uniform tsaka inayos yung mga gamit ko tsaka bumaba na.

"Mom, Dad, I'm leaving na po. Pasok na po ako." pagpapaalam ko sa kanila habang kumakain sila.

"Ok anak, take care." sabi ni Daddy

"Love you, baby." sabi naman ni Mommy.

"Yes Dad, Love you all." sabi ko.

Nagpunta na ako sa labas at naabutan ko yung driver namin sa labas kaya nagpahatid na ako sa school.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon