Chapter 25

9 2 0
                                    

"You know what Anna? Your friend is insane."

"I also don't know why he's acting like that, di sya naging ganyan sa akin Sum, lagot ka, pinapaasa mo ata yung tao." pang-aasar ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa bahay nila, dito ako matutulog, at etong babaeng 'to kanina pa kwento ng kwento about kay Lans na inaako daw sya. Natatawa na lang ako habang nagku-kwento sya kasi halatang naiinis sya pero hindi nya magawang mainis, parang may pumipigil sa nararamdaman nya.

"Ha-ha funny Anna." asar na sabi nya lang at inirapan ako.

I think na may something talaga sa dalawang 'to e. May napapansin na akong iba e. Nandito kami ngayon sa kitchen nila, nagluluto si Sum habang ako ay nandito sa isang high chair at pinapanood lang sya. Nag-vibrate naman ang cellphone 'kong nasa lamesa at nakita kong may message galing kay Prince.

From: my Prince

I miss you my love, uwi ka na lang dito sa bahay nyo.

Napangiti na lang ako habang binabasa ang text message nya. Hindi talaga sya pumayag, ayaw nya akong mag-sleep over lalo na at may lalaki daw kaming kasama sa bahay which is Sum's kuya, pero wala syang magagawa dahil minsan lang naman ito.

To: my Prince

I miss you too, don't worry I'll be there tomorrow.

Pagkasend ko nun ay binalik ko ang tingin ko kay Sum na busy pa rin sa pagluluto. Sya ang nagluluto ng magiging dinner namin ng family nya. Sa ngayon ay kaming dalawa pa lang ang andito sa bahay nila. Nasa trabaho pa daw ang parents nya tas yung kuya nya naman daw ay nasa trabaho din daw nito. Never ko pang nakita ang kuya ni Sum, hindi naman kasi ako pumupunta sa bahay nila noon, kaya hindi ko sya nakilala.

Nag-vibrate na naman yung phone ko at nakita na may reply na si Prince, inopen ko yun at binasa.

From: my Prince

Ang tagal pa non e.

Kakatapos ko lang basahin yun ng may mareceive na naman akong text mula sa kanya.

From: my Prince

Nevermind love, gagawa na lang ako ng paraan para makita ka.

Ano na naman kayang gagawin ng asungot na yun? Well, hahayaan ko na lang sya. Hindi na ako nag-reply pa sa kanya kasi alam kong gagawa talaga sya ng paraan para makita ako. Masyado kaming naging attached sa isa't isa. I don't think we can live without seeing each other haha. I doubt that.

Nang matapos ang nilulutong caldereta ni Sum ay nag-handa na kami sa dining nila. Sabi nya kasi ay maya-maya lang ay darating na daw ang parents at kuya nya kaya mabuti na ang handa na ang lahat para kakain na lang. Sakto namang kakatapos lang namin ay dumating na ang parents nya.

"Hi tita, kamusta na po kayo?" masayang pag-salubong ko sa kanila.

"Oh hija, nandito ka pala, maayos naman kami, you still look gorgeous." sagot sakin ni Tita Fely tsaka niyakap ako.

Si Tito Raf naman ay nakangiti din sa akin.

"It's good to see you here, Prithine. Long time no see." sabi sa akin ni Tito Raf tsaka ako pina-pat sa balikat ko.

"Oo nga po e."

"Okay, that's enough, let's eat na mom, dad. Naghanda na kami ni Prithine." singit ni Sum.

"Wala pa ba ang kuya mo, Summer?" tanong sa kanya ng daddy nya.

"Nag-overtime ata, dad." sagot lang ni Sum at tumango lang naman ang daddy nya.

The Princess' PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon