It's Saturday and free si Kuya Arthur ngayong araw, kaya niyaya nya kami na pumunta sa bahay nila para bumisita, at isasama daw nila ako para hindi ako maiwan mag-isa sa bahay. Kasama kasi ni daddy si mommy sa company. Agad naman akong naligo at nag-ayos. Sinuot ko na lang ay isang black na fitted na jeans at tsaka isang maluwang na black na sweatshirt din. Nagpatuyo na ako ng buhok gamit ang blower, at napansin ko na medyo humaba na pala ang buhok ko.
Pinusod ko na din naman yun sa isang maayos na bun, sinuklay-suklay ko din ang abot na sa matang bangs ko, at tsaka isinuot ang salamin ko. Pagbaba ko ay handa na ang lahat, kaya nagsapatos na ako. Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan ni Kuya Arhur. Tahimik lang naman ako buong biyahe, dahil sila ate lang ang nag-uusap at si Theo naman ay tulog.
Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong bag at 9:00am na pero wala manlang akong natatanggap na text galing kay Prince. Nagpaalam sya sa akin kagabi na iinom lang daw sila nila Justine, at dahil may tiwala ako sa kanya ay pinayagan ko sya, pero naiinis ako na hindi manlang nya naiisip na baka nag-aalala na ako.
Pagkadating namin sa bahay nila ay namangha ako sa laki nito, pumasok kami sa loob at nakita ko na malinis ang lahat. Agad din namang hinanap ng mga mata ko si Prince, pero hindi ko sya makita, baka nasa kwarto nya.
"Kuya Arthur? Nasan po si Prince?"
"Ang alam ko e hindi ata umuwi kagabi yun e, tumawag sakin si mommy kung nasa bahay ba natin sa kabila, ay wala naman sya, kaya I'm sure na hindi yun umuwi." lalong nadagdagan ang inis ko sa nalaman ko. Nasaan naman kaya ang asungot na yun?
Kinakabahan na din ako ngayon, baka may masamang nangyari sa kanya. Sinubukan kong tawagan ang cellphone nya kaso un-attended yon. Si Justine naman ang tinawagan ko at agad naman yong nasagot.
"Hello?" sabi sa kabilang linya.
"Hello Justine? Alam mo ba kung nasan si Prince?" kumakalabog na ang dibdib ko ngayon.
"Si Prince? Hindi e, bakit?" dun na ako naguluhan, akala ko ba magkakasama sila kagabi? At tsaka bakit si Justine mukhang ayos naman? Nasaan na ba kasi ang lokong yun.
"I thought that you're with them last night?" narinig ko lang naman ang isang pag-singhap galing kay Justine.
"Oh! I know, tinawagan nila ako kagabi na mag-iinom daw sila kala Nate kaso hindi ako sumama e." pagpapaliwanag nya sa akin. Si Justine lang talaga ang matino sa magkakaibigang yun e.
"Ahm Justine, pwede mo ba akong dalhin sa bahay nila Nate? I really need to see him." kailangan ko'ng makita kung ano ang pinag-gagawa nila.
I trust Prince, I know he loves me kaya hindi sya gagawa ng isang kalokohan, pero kapag kasama nya yung dalawang kaibigan nyang yun, I don't think that some good things will happen. Si Prince na mismo ang nag-kwento sa akin tungkol sa buhay ng dalawang yun. "puro babae" –that's what he said kaya natatakot ako.
"Sure thing Prithine, susunduin kita dyan sa inyo." pagsang-ayon sa akin ni Justine.
"Nandito ako sa bahay nina Prince, I'll see you." sabi ko, at tsaka inend ang call.
Nagpaalam ako kala ate na may pupuntahan lang saglit at pumayag naman sila. Dumating na din naman si Justine at umalis na din kami agad. Sa biyahe ay hindi ako mapakali, kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.
"Don't worry Prithine, I'm sure there's nothing wrong to be worried about." pagpapakalma ni Justine sa akin at isang pilit na ngiti lang ang naibalik ko sa kanya.
Pagkarating naman sa bahay nila Nate ay pinagbuksan ako ng pinto ni Justine, at hindi na ako nag-taka kung bakit ang daming kalat sa salas nila. Nag-simula namang mag-pulot si Justine ng mga bote ng alak na nasa sahig habang umiiling-iling lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/154822951-288-k308373.jpg)
BINABASA MO ANG
The Princess' Prince
Teen FictionWhat if a nerd princess who is not into what we called love, does find his prince? What will she gonna do?