CHAPTER TWOCILAN's POV
"Hindi talaga ako makapaniwala. Paano ka mapupunta sa Brown, e ikaw na 'ata ang pinakamatalinong taong nakilala ko sa buhay ko! Tapos, ganito..."
Napatawa ako sa pagtatalak ni Monique. Hindi na talaga nahiya. "Ang totoo, mas natutuwa nga ako, e. At least ngayon, makakapagpahinga na ako sa pagtatalak mo."
"Sira ka talaga!" bulyaw nito, sabay sapak nang malakas sa kanang braso ko nang biglang sumeryoso ang mukha ng kaibigan ko. "Paano ba 'yan? Mami-miss kita..."
"Ang OA mo. Same school pa rin naman tayo," alo ko sa iyakin kong bestfriend. "O siya, pumasok ka na. Baka ma-late ka pa. Sige na, papasok na rin ako."
"Sabay tayong uuwi mamaya, ha?" pahabol nitong bilin.
"Oo naman. 'Di ako nagdala ng kotse e," biro ko pa. "Ciao."
Nakalakad na si Monique pero hindi pa rin ako pumasok sa room ko. Tahimik kong pinagmamasdan mula sa lobby ang mga hindi magkamayaw na mga estudyante.
"I've finally seen something deeper than the Marianas Trench—your thoughts."
Automatic akong napalingon sa aking likuran. A tall guy in a glowing Sky White uniform flashed his killer smile. I'm not that short in 5'10", but he's even a bit taller than I am, around 6' or 6'1" siguro. He has striking Korean eyes, a perfectly sculpted nose, and pinkish-red lips. He has stunning good looks, I must say, but do we know each other?
"Pardon my language, Mister, pero magkakilala ba tayo?"
Lalong lumuwang ang ngiti ng lalaki, at sa tingin ko, pati yata ang mga turnilyo ng utak nito.
"Nope. At least not yet." He offered his right hand. "Philip Kristoffer Soo. Kristoff na lang for short. Ah... kasi... gusto ko lang sanang makipagkaibigan sa'yo."
I looked at his offered hand, and back to him. "Seryoso ka? E, Earth Brown ako."
"Does it matter?" he asked with a smile. "I'm asking to be your friend, not your classmate."
At pilosopo pa. Napabuntong-hininga ako. Confirmed, may sira nga sa ulo.
To my surprise, Kristoff slowly lowered his hand as I saw his face gloomed. "I'm sorry kung medyo nakulitan ka sa'kin. Gusto ko lang makipagkaibigan. I happen to only have a very few."
Nakapagtataka man ang sinabi nito, biglang bumaha ang awa sa puso ko. Alam ko kasing sincere ito sa pakikipagkaibigan sa'kin. "Cilan Luigi Yap. Cilan ang palayaw ko," wika ko sabay abot ng kamay.
I saw his eyes glowed as he reached for my hand. "It's my pleasure to be your friend, Cilan."
"Likewise, Kristoff," wika ko. Funny, para kasing nakilala ko na siya noon. De javu?
Marami kaming napagkwentuhan ni Kristoff: sports, academics, school life, at siyempre, pati ang colored glasses ko. Sinabihan ba naman akong ang cool ko raw tingnan dahil dito. Baliw talaga.
"Oy, nag-bell na pala. Pa'no, see you at lunch?" he asked with a hoping smile.
"A, kasi... kasabay ko kasing kumain ang bestfriend ko. If you want, you can join us."
"Wouldn't I be a third wheeler?" pagtatantiya ng binata.
Napangiti ako. "Matutuwa pa nga 'yun dahil may bago na naman siyang lalandiin, este makikilala."
"Excited na ako sa lunch natin mamaya. Sige, una muna ako, Cilan," pahabol nitong paalam.
Pumasok na rin ako sa loob ng room assignment ko. As usual, naupo ako sa pinakahuling hanay. Sa row na 'yun, iisa lang ang katabi ko. Isang lalaking natutulog sa armchair desk nito.
BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...