CHAPTER NINE

995 57 1
                                    



KRISTOFF'S POV

​"Astrapi Magic: Voltage Barrier!"

Bago pa ako maging taong pin cushion ay nagpalabas ako ng isang electric force field para protektahan ang sarili ko. Na-neutralize nito ang mga tinik ni Anthony hanggang sa tuluyang malaglag ang mga ito sa sahig. Nanlumo ang kalaban ko sa nasaksihan.

"It'll take more than mere pin missiles to defeat me, Anthony," I taunted back.

Nagtagis ang mga ngipin ng lalaki sa sobrang inis, bago walang sabi-sabi akong sinugod. I dodged quickly, pero mabilis itong nagbago ng direksyon kaya napilitan akong dumapa nang nakatihaya sa lupa para makaiwas. Napansin ko ang pagngisi ng kalaban gawa ng alanganin kong kinalalagyan.

"Pasensya ka na, Kristoff, pero mukhang hanggang dito na lang ang pangarap mong maging Celesticville Zodiac Star!" sigaw nito, sabay talon sa ere at rolyong parang bola.

Napabuntung-hininga ako habang pinagmamasdan ang human porcupine na malapit na akong daganan. "You left me with no choice, Anthony. Behold, Astrapi Magic: Lightning Wave!"

I clasped my hands together. Isang maliit na bola ng kuryente ang binuo ko, saka ito naging isang electric beam na diretsong tumama kay Anthony. Nangisay sa ere ang kaawa-awang lalaki bago ito bumagsak sa lupa, wala nang malay. It's done. Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon kong nadumihan.

"Hindi na makakalaban pa si Anthony. Ang panalo, si Kristoff Soo!" anunsyo ni Prof. Archer.

I walked to the sidelines habang ina-assist ng medic ang nakalaban ko. Nalulungkot akong isipin na kinailangan kong saktan ang isang taong itinuturing kong kaibigan para lang sa pangarap ko.

"Congrats, Kristoff! O, 'wag ka nang malungkot. Alam kong hindi mo naman sinasadyang masaktan si Anthony," nakangiting bati ni Cilan na nakalapit na pala sa kinatatayuan ko ngayon.

Napangiti rin ako sa kaibigan. "Thanks, Cilan."

And with him around, gumaan ang pakiramdam ko. Umupo na kaming dalawa para panoorin ang sunod na pares na maglalaban.

XAVIER'S POV

"Para sa ikatlong laban, it'll be no. 3 seed Xavier Reyes laban kay no. 12 seed Mars Hudgens."

Kampante lang akong nagtungo sa gitna ng battle arena. Madaling napatumba nina Sloane at Kristoff ang mga lampang kalaban nila, at bilang isang Elemental Magic wielder, I am expected to do the same.

"Ini-expect ko pa namang si Sloane o si Kristoff ang makakaharap ko. 'Yun pala ikaw lang ang makakalaban ko. Nakakadismaya talaga," mayabang na hayag ni Mars.

I just smiled. "Don't worry. I'll do my best to drown your disappointments away."

"Handa na ba kayong dalawa?" tanong ni Prof. Icarus. Tumango kami. "Simulan niyo na!"

Mars closed in our gap and aimed for a sucker punch. I took a leap back para makaiwas. Muling umaktong susuntok ang lalaki but this time I intercepted. Patagilid muna akong umilag sabay hawak sa balikat ng lalaki for some momentum, bago ko pinatamaan ng malutong na sapak ang mukha ng kumag.

"Hayop ka!" sigaw ng lalaki sabay bagsak sa lupa.

Napatawa ako. "Hindi ako madalas manapak, but I didn't realize it can feel this good!"

Umungol lang ang lalaki sabay tayo. Napansin ko si Mars na tila may nginunguya na kung ano sa bibig nito. Seconds past, bigla itong nagbuga ng berdeng likido. I managed to evade the attack, but to my surprise the spews that hit the ground melted! Asido pala ang ibinubuga ng mokong!

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon