CHAPTER FORTY-FIVE

512 32 0
                                    

​FEATURED CHARACTER
Charlemagne Villareal, The Bellus Magician

FAVORITE SONG: Collide by Howie Day
FAVORITE WEAPON: Kusarigama (Chain Sickle)
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition:
Love is an exploding cigar that we willingly smoke.

**********
Kumusta na mga natitira kong readers! It took two weeks or more to produce this Chapter. Pasensya na kung natatagalan akong mag-update at inaatake ako ng matinding writer's block. But fear not, makaka-recover din ako soon. So ito na nga, Chapter 45!

Still 2gether has now started! Super like ko ang developments ng Sarawatine, DimGreen, at ManType, pati ang possible BossPear pairing. Pero utang na loob naman. One year na lumipas, #brotherzone pa rin ang PhukongMil😖 Sana naman may kahantungan ang pang-santong efforts ni Phukong, kundi may kilay akong makakalbo😬

**********

SLOANE'S POV

10:30 A.M. Isa't kalahating oras na lang bago kami tawagin para sa pananghalian, at pito't kalahating oras na lang bago magsimula ang mid-season party para sa mga kalahok ng Dark Intramurals.

​After a 'not-so-serious' fight between Winter and I erupted, and Xavier handily broke it, lumabas ng practice room ang Glacieq Magician at nangakong babalik agad.

Around five minutes later, Kristoff informed us that he needed to grab something important from his bag. And now, almost half an hour after, wala pa ring bumabalik sa dalawa.

​Xavier let out a frustrated sigh. "Seriously. Ako lang ba ang kinakabahan sa performance natin?"

​I flashed a reassuring smile. "Chill out, Xavi. Hindi bagay sa personality mo ang ma-stress."

​"At sino ka para sabihin kung ano ang bagay at hindi sa personality ko?" maangas na banat ng lalaki.

​Bahagya akong napatawa. "Ba't ang init ng ulo mo? Sabagay, ang cute mo pala 'pag nagagalit ka."

​Xavier did not respond, but his face suddenly turned glowing red. In anger? Or was it something else?

​"Hey, Xavi! Magsalita ka naman. May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?" nag-aalala kong usisa.

​Hindi pa rin tumugon ang binata, so I attempted a prank gesture na palagi naming ginagawa ni Jeanne kapag isa sa'min ang lutang. I kissed him quickly on his forehead sabay ngiti nang matamis.

​Nanlaki ang mga mata ni Xavier, siguro dahil sa gulat. Nakabuka pa ang mapupula nitong mga labi.

​"Still not here yet?" umiiling kong komento. "Hays, hindi rin effective ang technique namin ni Jeanne."

​"Sloane..." sa wakas ay tawag sa'kin ni Xavier, prompting me to focus on his face.

​"Hey, you're back! Ano ba kasi ang iniisip mo't bigla kang naging blangko?" paninita ko sa kaibigan.

​He suddenly did something unexpected. He pushed me back to the sofa hard, causing me to land badly on my back. Habang nagrereklamo ako sa sakit, he stood up and marched unceremoniously to the door.

​"Xavier! What was that for?" nagpipigil ng inis kong demand sa lalaki.

​"You!" galit na sigaw ng binata. "Hindi... mo dapat ginagawa ang mga bagay dahil gusto mo lang."

​Napakunot-noo ako. "What are you talking about? Ipaliwanag mo nga sa'kin nang maayos."

​He sighed, very heavily. "It might mean nothing to you. But to some, it might even mean the whole world... kahit pa hindi ito totoo."

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon