CHAPTER THIRTY-EIGHT

590 31 8
                                    

FEATURED CHARACTER
Philip Kristoffer Soo, The Astrapi Magician

FAVORITE SONG: The Scientist by Coldplay
FAVORITE BASKETBALL PLAYER: Lebron James
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition: The brain is the most outstanding organ. It works 24/7, 365 until you fall in love

**********
What's up readers! Since it's a Saturday, nakalusot tayo at nakapagpalabas ng update!🥳 I hope that everyone is safe and sound, and let's continue to pray na ma-flatten na ang curve ng Covid cases sa Philippines at sana, may cure na ma-discover soon.

For this update, we will look into the past as per Cilan's perspective. We will get to know how he met two of his current Zodiac Stars colleagues when they were in grade school at kung paano na-develop ang relationship nila up to the present. If you hate flashbacks, you may skip this chapter. But if you want to learn some intriguing side stories of some of our main characters, this Chap is a definite read. Enjoy!

**********

CILAN'S FLASHBACK

Katatapos lang ng morning classes namin kaya naisipan kong magpunta na sa cafeteria ng school. Halos sampung metro na lang ang layo ko sa pintuan nang may mga batang humarang sa'kin.

"Boy genius, long time no see! Bakit ka pa pupunta sa canteen, e kinakain mo na 'yang mga libro mo? Hahaha!"

I sighed. Paulit-ulit na lang ang sinasabi ng mga bully na 'to. Nakakasawa na.

"O, ba't ka naman natahimik 'diyan? Magsalita ka naman. 'Wag kang snob."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng isa pang bully. Nagsimula akong humakbang palayo nang may humawak sa kaliwa kong balikat.

"Uy, saan ka pupunta? Tatakas ka? Ha, 'wag kang duwag!" pang-aasar nito sabay yugyog sa balikat ko.

Napatingin ako sa mga bullies. Tatlo silang lahat. Malalaki sila at matataba, pero halatang wala silang training sa martial arts. Wala silang magiging laban oras na patulan ko sila.

"Bitaw," matigas kong utos sa batang nakahawak sa balikat ko, sabay titig nang matalim.

"Anong sinabi mo?" naiiritang tanong ng isang bully. "Sumasagot ka na, ha?"

"Hindi mataas ang pasensya ko, so please don't make me repeat myself," banta ko sa tatlo.

"Ginagalit mo talaga ako, ha! Masasaktan ka talaga ngayon!" galit na sigaw ng leader nila.

Umaktong patatamaan ako ng suntok sa mukha ang leader ng mga bullies. I prepared to block his punch, pero may isang kamay na sumawata sa kamaong sasapak sana sa'kin.

Tumingin ako sa pakialamero kong 'tagapagligtas'. Hindi ko siya kilala, but he didn't need to be an acquaintance to catch my attention.

Medyo matangkad ang lalaki for an elementary student, pero sakto lang ang built nito in proportion to his height. Maputi at makinis ang balat nito. He had cute, chinky Asian eyes, sharp nose, and perfectly-shaped pink lips. Hindi siya ang tipo ng batang nakikipagbasag-ulo, so why he decided to dip into my mess is puzzling me.

"At sino ka naman? Kaibigan ka ba nitong si nerdy boy?" usisa ng isa sa mga bully.

"Isa akong tao na pinalaki para labanan ang mga bully na gaya mo," sagot ng estranghero.

Hinablot ng leader ang kamay niya mula sa estrangherong estudyante saka nito inundayan ng suntok ang kaharap. The stranger evaded the punch, bago nito tinuhod ang sikmura ng bully leader. Binitawan ako ng dalawang kasama nito at nakipagtuos sa 'tagapagligtas' ko.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon