CHAPTER THIRTY-NINE

662 28 4
                                    

FEATURED CHARACTER
AARON XAVIER REYES, The Hydrein Magician

FAVORITE FOOD: Mediterranean
FAVORITE SECRET HOBBY: Stargazing
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition: Do you believe in love at first sight, or should I walk by again?

**********

Hi Dear Readers! Medyo nakalusot at nakapag-type kaya ta-da! May pa update si Mayor kahit papano. Konting dasal pa para hopefully makahanap na ng cure sa Covid and para makabangon ang economy natin. Laban lang!😎

So it's gonna be the start of Day 5 Activity. How would the entry of Winter affect the dynamics of the team, more importantly with our main characters? Will it turn for the better or for worst? Check out some of the happenings with this Chapter. Enjoy!

**********

SLOANE'S POV

​"Cilan, please gumising ka. Damn it, please wake up! Wake up from that nightmare of yours!"

​Natataranta na ako sa pagsigaw, pagyugyog, at panaka-nakang pagsampal sa mukha ng binata, but his eyes remained shut. Balisa at pawisan ang buong mukha nito, but he seemed unable to awaken from his slumber. It's as if he was experiencing something that is causing him great pain and suffering, but he is unable to get away from it.

​Hindi epektibo ang marahas kong panggigising sa binata, so I decided to do a gentler approach. I held his right hand with my left habang masuyong nilalaro ng mga daliri ng kabila kong kamay ang mga hibla ng buhok nito. "Alam kong nahihirapan ka. You've been burdened by the past for seven years now. Naghahalo ang takot, galit, at sakit sa puso mo. But, I want you to know that... you don't have to face it alone. So please, gumising ka na. I'm... I'm begging you."

​Napansin ko na hindi na gumagalaw na parang kinukombulsyon si Cilan. I stared at his face. Little by little, his facial expression softened, until it became as peaceful as the night on a full moon.

Napangiti ako. Natutuwa akong kahit paano, kahit sa subconscious niya, ay nagawa kong makatulong sa pinagdadaanan niya.

​Dahan-dahan, nagmulat na ng mga mata ang binata. "S... Sloane?" pupungas-pungas pa nitong tanong.

​I widened my smile. "Yes, it's me. Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo o nanghihina?"

​Umiling ito. "Hindi na. Nakatulong ang tulog para makabawi ako ng lakas. Teka, nasaan na si Krsitoff, at si—"

​"Nauna na silang bumaba sa dining area," imporma ko sa lalaki. "Don't worry. Xavier already treated most of their wounds. Nasa ligtas na silang kalagayan. It's so convenient to have a doctor like Xavier in the team. Ha! Ha! Ha!"

​"Ang dami ko nang utang na loob kay Xavier," medyo nalulumbay na turan ni Cilan.

​"Oy, 6:45 na pero hindi pa tayo naghahanda. Papatayin tayo ni Prof. Archer 'pag nagkataon!" pag-iiba ko sa usapan.

​Tila natauhan naman si Cilan. "Oo nga! Hindi ka pa ba naliligo? Mauna ka na, susunod na ako."

​"E kung... sabay na tayong maligo para tipid sa oras?" pilyo kong mungkahi sabay kindat at ngisi.

​Pinandilatan ako ng mga mata ng binata. "Gusto mo bang gawin ko rin sa'yo ang nangyari sa kanila kagabi?"

​"Ito na, maliligo na po!" sagot ko bago ako mabilis na pumasok sa loob ng banyo.

​Tumatama na sa katawan ko ang maligamgam na tubig mula sa shower nang muling pumuno sa aking isipan ang kalagayan ni Cilan.

Kailangan kong malaman ang totoo. No, Cilan deserves to know the truth. Every bit of it.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon