TIMOTHY'S POVUnang tumambad ang isang malagong kagubatan. Madalang na ang mga ganitong lush forests sa tunay na mundo, lalo na sa Pilipinas. Halos wala nang makikitang lupa dahil natatabunan na ng mga damo at ugat ng mga puno. Tiyak na mahihirapan ako nito. Hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sa mga bagay na may buhay, kabilang na ang mga halaman. Kung mapapalaban ako, this is not the perfect place.
I checked the surroundings more thoroughly. Parang katulad lang naman sa totoong mundo ang hitsura ng mga puno, mga halaman. Though the forest was really thick, may konting sinag ng araw pa naman na nakakalusot sa lupa. Overall, this seems to be a very typical woodsland. Maliban sa isang bagay.
Wala akong makita o marinig na mga hayop sa paligid. Kahit isa.
In peace hides greater war. Kung tahimik, tiyak na may nag-aambang panganib. Mahigpit kong hinawakan ang dalang sling bag bago nagsimulang maglakad muli. Tila imposibleng makaalis sa lugar na ito, lalo't walang anumang trail o daanan sa lupa. Tiyak na ang tangi kong pag-asa para lisanin ang gubat na ito ay ang Zodiac star.
Patuloy akong naglakad pero parang hindi nauubos ang mga puno. Lampas isang oras na siguro akong naglalakbay but to no avail. Puno na ng pawis ang mukha, katawan, at mga mata ko nang may matanaw akong isang bagay. Isang birdhouse.
Tinakbo ko ang distansya ko at ng bahay-ibon. Nasa gitna ito ng patag at tahaw na lupa. Pabilog ang lugar at direktang nasisinagan ng araw. Nakakapagtataka, naisip ko, nang may ideyang bigla kong napagtanto. Hindi ako masyadong magaling sa hand-to-hand combat, at hindi rin ako masyadong mahilig sa panununtok at paninipa, but an old and small wooden structure can't bring much trouble I guess. I gave one quick punch at the birdhouse. Nasira 'yun, pero napa-'aray!' ako sa sakit. Medyo matibay pala ang bahay-ibon na 'to. Napukaw ang atensyon ko ng isang nakakasilaw na liwanag. Sabi ko na nga ba, mayroon itong lamang Zodiac star!
"Finally! I'm going home with you, baby!" masaya kong wika.
Akma ko nang kukunin ang Zodiac star nang tabigin ako ng isang bagay. A yoyo.
"Sorry, bata. Pero akin ang Zodiac star na 'yan."
Agad akong lumingon sa aking attacker. I got this first, I'll have it no matter what it takes. "Sorry din, this is mine to have and mine to keep. Not my prob if you're wishing otherwise."
SLOANE'S POV
Tabing-dagat... Seriously? Sa lahat ng pwedeng bagsakan ko, ba't dito pa? I mean, isa nga akong Elemental Magic wielder pero may mga limitasyon pa rin ang powers ko. Isa na roon ang bahagyang paghina ng magic ko kapag nasa tubig ako. Pero paano kung nasa ilalim pala ng dagat nakatago ang Zodiac Star? Tiyak na 'di ko 'yun makakayang kunin.
Napaupo ako sa isang nakausling bato sa may dalampasigan. Come to think of it, halos magta-tatlong taon narin pala magmula nang huli akong makapunta sa tabing-dagat. Magkasama kaming apat noon: ako, si Papa, si Mama, at si Kuya July. Three years ago...
Napatawa ako, pero mayamaya lang ay agad din akong napatahimik. It was the last time na naging buo ang family namin, well at least on essence.
Nahuli ni Papa na may ka-affair ang ina namin. Devastated as he was, he tried to keep it away from me and Kuya July, pero minsan habang nasa isang mall ako, nahuli ko mismo si Mama na kayakap ang kabit niya. Sobrang sama ng loob ko nun. Agad ko silang isinuplong kay Papa. Hindi siya umimik, at doon ko napagtanto ang lahat: matagal nang alam ng ama ko ang lahat.
A month later, nabalitaan ko ang pagkamatay ng kalaguyo ni Mama. Apparently, may asawa pala itong negosyante rin. Marahil, nakarating dito ang illicit affair ng asawa nito at ng ina ko at dala ng galit at selos ay nagawa nitong ipaligpit ang sariling mister.
BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...