CHAPTER SEVENTEEN

855 65 5
                                    

FEATURED CHARACTER

FULL NAME: Philip Kristoffer Soo
NICKNAME: Kristoff
MAGIC TYPE: Astrapi (Lightning) Magic
STAR SIGN: Virgo (September 03)

*********

Shoutout to LaVeintoAmante for voting some of the chapters. This Chapter is dedicated to you.

**********

CILAN'S POV

​"Cilan! Nasaan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay dito sa helipad!"

​"Sandali lang, Timmy! Malapit na ako sa school."

​"Akala mo naman kung sinong espesyal. Nagpahintay pa talaga," narinig kong pasaring ni Sloane via my phone. Mukhang may period na naman si Manong kaya nagsusungit.

​Nine ang usapan naming magkikita sa helipad ng school. Dahil malapit lang ang inuupahan kong condo, naging kampante ako at hindi man lang naghanda ng mga damit ko kinagabihan. Sa kasamaang palad, eight-thirty ng umaga na ako nagising. I literally sent my entire room into a storm sa pagkukumahog na makaligo, makapagbihis, at makapag-empake. Ilang beses na nga akong natisod sa pagmamadali ko.

After what seemed like miles of running fast, narating ko rin ang helipad. Halos lahat ng tao ay nagliwanag ang mukha nang makita ako, pwera na lang kay Sloane na halata sa hitsura ang sobrang pagkainip.

​"Finally, Cilan! You came," masayang bati ni Hyacinth.

​I scratched my head. "Pasensya na talaga sa pagkaka-late ko."

​"Your apology cannot return the time wasted," narinig kong reklamo ni Sloane habang nakabusangot.

Ang ayos pa naman ng usapan namin kahapon, tapos ngayon...

​"Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob ng jet. We need to be at Abyssville before 12 p.m., dahil kailangan pa nating mag-lunch bago mag-start ang opening program at 1:30 p.m.," suhestiyon ni Prof. Archer, who is our delegation's Head Coach.

​We all agreed kaya pumasok na kaming lahat sa loob ng twenty-five seater 18th edition Dassault Falcon Ultra-High Speed Jet Cruiser. Maliban sa dalawang piloto at dalawang cabin crew, labing-apat kaming sakay ng jet: kaming mga Zodiac Stars, si Prof. Archer, at si Prof. Rohana Buenamonte, Geometry professor at isang ring magic wielder.

​Tig-dalawang seats na magkatabi ang nasa bawat side ng jet, divided by an aisle for walking. Ako ang pinakahuling pumasok sa loob ng eroplano kaya nakaupo na ang lahat ng sakay when I came in. I decided to sit at the left backmost chair nang may tumawag sa'kin.

​"Cilan, bakante pa ang upuan katabi ko. Halika, dito ka na maupo," nakangiting paanyaya ni Kristoff. Parang nakadikit na sa mukha ng binata ang nakamamatay nitong ngiti.

​"Mabo-bore ka lang kung tatabi ka sa Koreanong 'yan. I'm a more sensible person to talk to, just so you know," bigla namang hirit ni Sloane but with a poker face.

​Napansin kong lumingon ang dalawa sa isa't isa at nagkatitigan (dahil magkatapat lang pala ang kinauupuan ng dalawa).

Medyo bumait nga ang pakikitungo sa'kin ni Sloane, pero mukhang mas sumungit naman ito kay Kristoff. Ano ba talaga ang meron sa dalawa?

​"Third option ako, just in case," imporma ni Timothy na nakaupo sa may likuran.

​I sighed, before making the 'wise' choice. I decided to sit with... Timothy.

​"Thanks a lot, Timmy. I wouldn't have liked choosing to sit beside a lion or a tiger."

​"Those jerks are getting quite aggressive," natatawang pagsang-ayon ni Timothy.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon