FEATURED CHARACTER
Cilan Luigi Yap, The Phyllon MagicianFAVORITE SONG: Vanilla Twilight by Owl City
FAVORITE FOOD: Anything Chinese and Seafood
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition: You love flowers, but you cut them. You love animals, but you eat them. You tell me that you love me, so now I'm scared.**********
Hi Dear Readers! I'd like to express my utmost thanks for your support. Who would have thought na aabot tayo ng almost 8k reads? I couldn't be anymore grateful. And as token of my gratitude, here's my personally anticipated update: Chap 35!
This is the Chapter that will answer some of the questions you might have asked as you read the previous chapters, but more than that may mga pangyayari na babago sa storyline na naganap sa Chapter na ito. Again, thank you and stay safe against Covid-19😉
**********
NARRATOR'S POV
"Mga kaibigan, may dalawang panalo na ang koponan ng Celesticville laban sa isa ng Abyssville! Makakabawi pa ba ang host school o maseselyo na ito ng Celesticville sa susunod na laban?"
Excited na ang lahat sa ikaapat na laban sa pagitan ng Abyssville at Celesticville. This game can allow the Zodiac Stars to advance to the semis with the top seed in Bracket B in the bags. The fight can also be the host school's last chance to force a decider against their opponents.
"Magandang hapon, mga minamahal naming manonood!" masiglang bati ng emcee na sinuklian ng mga hiyawan. "Alam kong excited na kayo sa matinding sagupaan ng ating mga kalahok, kaya hindi na natin patatagalin pa ang inyong paghihintay. Ang maghaharap sa battle stage ay ang magagandang dilag ng dalawang koponan, ang animal morpher ng Celesticville na si Yvonne laban sa archer slayer ng Abyssville na si Lorraine!"
Pareho nang umakyat sa itaas ng stage ang dalawang babaeng magic wielders. Mataman ang titigan ng dalawang kalahok, trying to inject intimidation against their rival. Both of them settled on opposite sides of the arena a few meters apart from each other, the referee barely separating them.
"Ang labanan sa pagitan nina Lorraine at Yvonne, simulan na!"
The announcement will be the start of a heated battle... or it could've been. Ilang segundo na ang lumilipas pero wala pa ring gumagalaw sa mga magkatunggali, causing the crowd to be confused.
"Bakit hindi pa gumagalaw si Yvonne?"naguguluhang tanong ni Allison.
"Alam niya naman ang kakayahan ni Lorraine... could it be that she's up to something?" hula ni Timothy.
"Pareho silang hindi gumagalaw. Both of them must be waiting for each other's attack," Jacob suggested.
The lull lasted for almost a minute. Lorraine smiled wickedly, bago ito lumapit sa kalaban nito.
"Handa ka na bang tuparin ang misyon mo, Yvonne?" makahulugang tanong ni Lorraine.
Tumango si Yvonne. "High school pa lang ako, ito na ang dahilan kung bakit ko gustong makapasok sa Celesticville. Sa gagawin ko ngayon, tiyak na wala na silang pag-asang maging champion."
Biglang itinaas ni Yvonne ang dalawang kamay niya sa ere. "Sumusuko na ako sa laban."
"Ano???" gulantang at sabay-sabay na reaksyon ng Celesticville bench at supporters.
"Hindi lang 'yan," putol ni Yvonne sa kaguluhan ng mga tao sa loob ng arena. "Simula sa araw na ito ng kompetisyon, tumitiwalag na ako sa Zodiac Stars. Hindi na ako makikipaglaban para sa Celesticville delegation. Ibig sabihin, labing-isa na lang ang delegates ng Celesticville sa Dark Intramurals."

BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...