FEATURED CHARACTER
JUSTINE CLAIRE ELIZALDE, The Aereas MagicianFAVORITE FOOD: Dimsum and Candied Fruits
FAVORITE BAG BRAND: Hermes
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition: Love is a two-way street constantly under construction.**********
Hello guys! Nagbabalik ang inyong author after a thousand centuries. Pasensya na at medyo busy. So, eto na... Chapter 48! Click vote if nagustuhan ninyo and post comments kung may gusto kayong itanong o i-highlight. Ciao!
**********NARRATOR'S POV
As his last resort to knock some sense unto his feuding allies, ikinulong ni Xavier ang kanyang mga kakampi sa magkakahiwalay na kulungang-tubig, sa pag-asang kumalma ang kanilang mga ulo.
He released a heavy sigh. Xavier has a rough idea kung paano nagsimula ang awayan nina Sloane, Kristoff, at Winter na humantong na sa seryosong sakitan. Nagka-aminan na silang tatlo sa isa't isa tungkol sa iisang tao na kanilang nagugustuhan, at imbes na sa ligawan ay sa basagan ng mukha nila ito idinadaan.
Nararamdaman ni Xavier ang pagpupumiglas ng tatlong bihag niya, kaya mas pinag-igihan niya ang pag-focus sa pagkontrol ng Hydrein Magic niya. Oras na nagpabaya siya, tiyak na mawawasak ang kanyang water prison.
After seconds of relentless struggles from his co-Celesticville wielders, biglang natahimik ang paligid.
He let out a sigh of relief. Napagod na siguro ang tatlo sa pagsubok na takasan ang kulungan niya. Mabuti naman...
But his relief proved to be short-lived. The water prison containing Winter became a solid chunk of ice, before it smashed into pieces, releasing the Ice Mage. Sloane made his water cell boil. The water turned to vapor, and the Fire Mage became free. Kristoff conjured a strong burst of electricity, splitting the water molecules into hydrogen and oxygen atoms.
"Naloko na," 'di makapaniwalang sambit ng Water Mage. Hindi niya rin pala napigilan ang tatlong kaibigan.
"You shouldn't have meddled on affairs not concerning you, Xavier," pangaral ni Kristoff sa kakampi.
"I'll make this rash decision of yours your biggest regret," pagbabanta naman ni Winter.
"Xavier, wala akong galit sa'yo, but you'll have to pay for your insolence!" determinadong sigaw ni Sloane.
The three powerful Elemental Mages released a powerful surge of their Elemental auras, all directed towards their poor concerned ally. Agad na nag-cast ng 'Aqua Sphere' spell si Xavier to defend himself.
The triple auras clashed with the water shield. Sinubukang sanggain ng pananggalang ng Hydrein Magician ang pinagsamang lakas ng Pyros, Astrapi, at Glacieq Magic, pero sa huli ay nagapi pa rin ang pwersa ng Water Mage.
Nawasak ang water shield kaya dumiretso ang triple aura attack kay Xavier. Marahas ang impact ng pagkakasapol ng atake sa binata. He was sent flying violently to the air, barely conscious.
Nang humupa ang impact, nakatakda siyang bumagsak sa matigas na sahig. Pero hindi ito nangyari. May pares ng mga braso na sumalo sa kanya.
Though badly hurt, pinilit ni Xavier na buksan ang kanyang mga mata to identify his savior. "C-Celestine?"
Ngumiti ang babae. "Nothing breaks my heart more than seeing a handsome boy like you bruised and battered."
Hindi nakatawa si Xavier sa biro ng dalaga. "Pakiusap, Luminux wielder. Pahintuin mo ang mga kaibigan ko sa labanan nila.""Gagawin ko 'yun, Xavier," pangako ni Celestine. Maingat niyang inilapag ang sugatang binata sa sahig ng arena. "Magpahinga ka muna rito. Ako na ang bahalang bumuwag sa away-bata ng tatlong kakampi mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/111307811-288-k437704.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...