CHAPTER THIRTY-FOUR

628 43 9
                                    

FEATURED CHARACTER
FULL NAME: Yvonne T. Altamirante
NICKNAME: Yvonne
MAGIC TYPE: Faunis (Animal Morph) Magic
ZODIAC SIGN: Pisces (February 03)

**********
Wazzup guys! Sa mga nababagot na sa mga bahay nila dahil sa ECQ, konting tiis na lang guys! Continue to pray for this crisis to past and to do our best to be safe at all times. Magdo-double time din ako sa pagsusulat, lalo't medyo exciting ang next Chapter😬

(Medyo filler Chap ang Chapter 34, but it builds up the events in Chapter 35. Gear up for the next Chapter, medyo mabigat ang mga eksena).

**********

SLOANE'S POV

​"Magsisimula na ang unang laban sa pagitan ng Abyssville at Celesticville! Ang maghaharap sa unang round, ang beteranong wielder na si Filmon laban sa rookie Elemental Magic wielder, Sloane!"

​Magkasabay na kaming pumasok sa loob ng battle arena ng aking katunggali. Minsan ko nang nakaharap ang lalaki sa isang three-versus-three match, pero si Kristoff ang talagang nakasagupa nito. Nevertheless, alam ko na ang kakayahan at kahinaan niya, so wala na itong tsansang manalo.

​"Simulan na ang laban!" masiglang anunsyo ng ring commentator.

​"Ano pa ang hinihintay mo, bata? Ibuga mo na ang apoy mo," nakangising hamon ni Filmon.

​"Nah, your cheap tricks aren't gonna work. I'm not as dumb as Kristoff," tugon ko rito.

​"Is that so? Kung ganun, paano mo ako tatalunin?" curious nitong tanong.

​Napaisip ako sa tanong ni Filmon. Aminado ako na napakalakas nga ng Osmosis Magic, pero na-unlock na ni Kristoff ang sikreto to overcome the tricky magic. This'll be a piece of cake.

​"Iniisip mo bang matatalo mo ako dahil lang natalo ako ni Kristoff?" tanong ng kalaban.

​I smirked. "I don't need his contribution. Nobody is better than me in this contest. By the way, I only have five minutes to defeat you. Tingin mo... masyado bang mahaba ang five minutes?"

​Namula sa sobrang galit ang mukha ng lalaki. "Kung may nagustuhan man ako kay Kristoff, at least hindi siya kasing antipatiko mo! Oras na para ilagay ka sa dapat mong kalagyan!"

​Filmon flaunted a tai chi fighting stance habang dahan-dahang pumipikit. He stopped in a prayer position, bago siya muling nagmulat ng mga mata. "Hiyaaahhh!!!"

​Sumugod na nga sa direksyon ko si Filmon. Isang suntok ang inasinta nito sa mukha ko. I crossed my arms to defend the assault pero hindi ko natantiya na sobrang lakas pala ng pwersa ng suntok, kaya agad akong napatilapon sa sahig ng arena. Tsk... naisahan ako dun, a.

​"O, ano na? Akala ko ba pang-limang minuto lang ang labang ito?" Filmon taunted.

​"Grrr..." I bellowed. Mabilis akong tumayo at pinagpag ang narumihan kong pantalon.

​Muling sumugod si Filmon. Katulad kanina, nagpakawala ito ng isang suntok pero agad ko 'yung inilagan. We then engaged in trading blows, minsan natatamaan ko siya pero nakakabawi rin ng mga suntok ang kalaban. I tried to catch him by surprise with a leg kick pero sa malas ay nahuli ako.

​"At sa'n ka pupunta, Sloane?" nakangisi nitong pang-iinis sabay balibag sa hita ko.

​"Aray!!! Bitawan mo ako!" pasigaw kong utos sa lalaki while struggling to break free.

​Filmon gave a strong grab on my leg, causing me to curse in pain. He made one more twist bago niya ako marahas na itinulak sa sahig. I heard some of my bones making a cracking sound as I landed hard on the ground. Kaagad kong hinawakan ang parte ng hita kong mukhang may bali na.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon