CHAPTER TWENTY

774 49 2
                                    

FEATURED CHARACTER

FULL NAME:  Timothy Titus M. Gatchalian
NICKNAME: Timothy
MAGIC TYPE: Animus (Life) Magic
STAR SIGN: Scorpio (November 16)

**********

CHARLEMAGNE'S POV

​"Sinuwerte ka lang kaya mo ako natamaan," angil ni Davidson. "Tingnan natin kung maiiwasan mo pa ang atake ko ngayon. Paalam na, Charlemagne!"

​I shook my head. Nasa denial stage pa nga ang loko.

I switched my chain into a wooden club. Pasugod na sa kintatayuan ko ang lalaki, holding a knife on his right hand. Halos isang metro na lang ang layo namin sa isa't isa nang tangkain ni Davidson na saksakin ako sa likod.

I easily dodged the assault, bago ko binigyan ng malakas na hampas sa kaliwang hita nito ang kalaban. Napasigaw ito sa sakit bago napadausdos sa lupa, his invisibility now disabled as well.

​"Hindi ako... makapaniwala... paano mo—"

​"Tulad ng sinabi ko kanina, the tear gas was my real plan," sagot ko sa nakabagsak na lalaki. "The smoke, aside from serving as my 'screen' para hindi mo ako makita, has adhesive properties lalo na sa mga maliliit na particulates. So I did my best to cover you with as much dust as possible, just like how you color a drawing gamit ang colored dust na idinikit sa larawan gamit ang glue."

​He chuckled and smiled a bit, a smile of defeat. Akala ko sumusuko na siya, pero bigla itong nagpumilit na makatayo despite being in obvious pain. I switched my club for a rapier at agad kong tinutukan sa leeg nito ang lalaki.

"Don't bother anymore. Hindi kita binugbog para lang patakasin nang basta-basta. 'Wag kang mag-alala, I'll just get the necklace and you're free to go."

​Wala nang nagawa ang lalaki nang hablutin ko ang Pacificsville necklace mula sa leeg nito. To my (pleasant) surprise, may nakuha rin akong isang Heliosville necklace sa kanya. Looks like it was worth all the trouble, after all. I saw Davidson tried to raise his hand, but then he fell to the ground unconscious after.

​I summoned back my conjured rapier bago ako naglakad palayo. Maliban sa konting mga galos, sugat sa ulo (pesky stones), at pagkahilo due to MP depletion (maraming beses kasi akong nagpapalit-palit ng sandata), wala naman akong matinding pinsalang natamo.

I sighed. Sana ayos lang ang lahat ng mga kasama ko sa oras na 'to, lalo na si Hyacinth. Mayroon na akong tatlong kwintas na hawak. Lima na lang ang kailangan namin at matatapos na namin ang misyon. Right, time to get moving.

XAVIER'S POV

​"Tapos ka na sa'kin ngayon, Water Element Magic wielder!"

​Habang nagsisigaw ang kalaban ko, sige rin ako sa pagtakbo para iwasan ang mga hampas ng buhok ni Iota. Wala pa rin akong maisip na paraan kung paano ko matatalo ang babaeng ito, lalo't walang silbi ang taglay kong kapangyarihan laban sa buhok ng kalaban.

​"Ano, Xavier? Hanggang pagsayaw na lang ba ang kaya mong gawin?" panunukso pa ni Iota.

​I smirked, as I made one quick dodge. "Easy, Iota. We're not even getting started."

​"Talaga? Nabo-bore na kasi ako sa ginagawa mo, so I want to finish you right now!"

​Biglang inasinta ng mga buhok ni Iota ang ilalim ng lupa. Nagpalinga-linga ako sa paligid. What could this woman be up this time?

Hindi pa man ako masyadong nakakapag-isip ss posible nitong gawin nang naramdaman kong may pumulupot sa magkabila kong binti!

​"Damn," all I was able to exclaim in frustration. Naloko na talaga!

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon