CHAPTER TWENTY-FIVE

718 51 1
                                    

FEATURED CHARACTER

FULL NAME: Oliver Liam Green
NICKNAME: Oliver/Liam (formerly)
MAGIC TYPE: Chronos (Time) Magic
STAR SIGN: Libra (October 16)
**********

XAVIER'S POV

Wala akong pakialam kung paano nalaman ni Howard na mahalaga sa'kin si Sloane, o kung alam nito ang tunay kong nararadaman para sa binata. Hell, ni wala akong pakialam kung ano ang iniisip ng ibang tao ngayon. All my mind and body is trying to do is to run as fast as I can to take the projectile heading towards Sloane.

With all the adrenaline rushing through my bloodstream, I dashed like my life was on the line. Nakapikit lang ako the whole time. Naramdaman ko ang pagtama ng malakas na impact sa tagiliran ko, sending me rolling violently on the floor.

​"Xavier!" malakas na tawag nina Sloane at Kristoff, concern evident in their voice.

​"Uh..." mahina kong ungol. Mas malakas pa pala sa inaasahan ko ang pwersa ng projectile.

​Sa gilid ng mata ko, I saw Sloane's face filled with raw anger. Nakakuyom ang mga kamao nito at balot ng manipis na apoy ang halos buong katawan nito. I wouldn't want to mess with him now.

​"Walang mananakit sa mga kaibigan ko ang hindi ko pinaparusahan!" galit nitong bulyaw.

​Pinilit kong makatayo nang mabilis. I saw him about to release a deadly fireball towards Howard.

Agad kong itinaas ang kamay ko para sansalain ito. Tumigil ang binata at ramdam kong nagtatanong ang mga mata nito.

​"'Wag kang makialam, Sloane," matigas kong wika. "Laban ko 'to. Ako dapat ang tumapos nito."

​"Pero Xavier..." he tried to protest, but later he just sighed and smiled. "Sige. Ipapaubaya ko muna siya sa'yo."

​"But the moment he hurt you again, papahiramin namin siya ng mukha sa bulldog," dagdag biro ni Kristoff.

​Napangiti ako. My former athletic rival, kahit hindi kami magkasundo minsan (o madalas), alam at nararamdaman kong tunay ang malasakit niya sa'kin bilang kaibigan at maaasahan ko siya anumang oras.

At si Sloane... bakit ako kinikilig sa ginawa niya? S**t, hindi naman siguro ako nagba-blush ngayon?

​Umiling-iling ako. Kailangan kong mag-focus. Muli kong hinarap si Howard. Tama, marami nga akong mga naging pagkakamali noon na nakasakit sa kanya, pero ang idamay niya sa galit niya si Sloane o ang kahit sino sa mga kaibigan ko... humanda siya, ipapakita ko sa kanya kung paano magalit ang isang Aaron Xavier Reyes!

​"Ayos ka rin, ano? Talagang sinalo mo ang tira ko para kay Sloane!" nakakalokong asar ni Howard.

​Hindi ako sumagot. Sa halip, I released a burst of water energy around the arena. Kita ko sa mga mata ng kalaban ko ang takot, ngunit saglit lang at bumalik dito ang galit.

Pinalitaw ko malapit sa ceiling ng arena ang makakapal na ulap, obviously ready to scatter rain showers at my command.

​"Anong binabalak mo, sindakin ako?" Howard taunted. "Ha, hindi ako natatakot sa'yo! Athletica Magic: Tennis Ace Barrage!"

​Lumitaw sa kamay ni Howard ang isang tennis racket. He smashed the racket towards my direction. Ilang sandali pa ay 'di ko mabilang na bola ng tennis ang biglang naglitawan at mabilis na lumipad papunta sa kinaroroonan ko. These are no ordinary tennis balls, pwedeng sumasabog ang mga ito gaya ng projectiles.

​"Masyado mo 'ata akong minaliit," nakaismid kong turan. "Hydrein Magic: Pacific Drizzle!"

​"Magpasabi ka naman na aatake ka na!" rinig kong reklamo ni Kristoff. "Astrapi Magic: Voltage Barrier!"

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon