CHAPTER SIX

1.1K 61 4
                                    



SLOANE'S POV

Aminado ako na medyo kinakabahan ako sa first performance namin ng banda, pero mas nangingibabaw sa'kin ang excitement na ipakita ang kaya kong gawin.

​Halos 'di na ako makarinig sa lakas ng sigaw ng audience, lalo na ng mga babae at feeling babae nang lumabas na kaming apat sa stage. Pati mga professors, nakihiyaw na rin. Kanya-kanyang sambit sa pangalan naming tatlo ang mga tao, maliban sa isa...

​"Ay, sino ba 'yang naka-colored na glasses?"

​Napanting ang tenga ko sa narinig. May isa pang babae na nilait ang hitsura ni Cilan. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang uminit nang husto ang dugo ko sa mga namintas sa binata. Mahigpit kong kinuyom ang kanan kong kamao. Parang gusto kong manuntok!

​Magsisimula na ang kantahan kaya pumwesto na kaming apat. After a few quiet whispers among ourselves and the introduction from Xavier, sumenyas na ako using my drumsticks.

​'Oh don't you dare look back, just keep your eyes on me... I said you're holding back, she said "Shut Up and Dance with Me!"'

​Rinig na rinig ko ang pagkamangha ng mga tao sa boses ni Cilan. Lihim naman akong napangiti. Sabi ko na nga ba, kakainin ng mga pintasero ang mga panlalait nila oras na kumanta na ito.

​'This woman is my destiny, she said "Ohhh..., Shut up and dance with me!'

​Uminit na naman ang dugo ko nang marinig kong sumabay na si Kristoff sa pagkanta. Maraming fans ng lalaki ang napatili. Kung tutuusin, complementary ang boses ng dalawa, pero tingin ko 'yun mismo ang mas ipinagmamarakulyo ng kalooban ko.

​Teka nga sandali! Bakit ba ako nagkakaganito? Paki ko ba sa kanila?

​Nagsimula nang magkumpulan sa dance floor ang mga tao para sumayaw. Naiinis pa rin ako sa hindi ko maintindihang dahilan kaya pinilit ko na lang mag-focus sa pagtugtog. I closed my eyes and tried to concentrate on nothing but my drums and my music.

​The song was about to end when I decided to open my eyes again. Una kong nasilayan si Cilan. Kahit nakatalikod ang lalaki sa'kin, kita ko ang enjoyment niya habang kumakanta.

​As I diverted my gaze, muling kumulo ang dugo ko seeing Kristoff all-eyes on our lead vocalist. Ang sarap niyang batuhin ng drumstick. Grrr...

​Natapos na rin ang first song. It's now Xavier's turn to second voice.

​'Sunday morning rain is falling...'

​Naging mas magaan na ang pakiramdam ko sa second song number. Though medyo may inis akong nararamdaman kay Xavier, hindi na ito kasing tindi nang kanina kay Kristoff.

​Sa wakas, ang pangatlong kanta na ang ipe-perform namin. Ewan ko ba, pero biglang bumalik ang excitement na nararamdaman ko kanina. Siguro dahil 'Gitara' ang isa sa paborito kong Pinoy romantic song. Ito kasi ang theme song ng parents ko.

​Cilan opened up the song. 'Bakit pa kailangang magbihis? Sayang 'din naman ang porma. Lagi lang namang may sisingit, sa t'wing tayo'y magkasama...'

​Time for me to blend in. 'Bakit pa kailangan ang rosas, kung marami naman ang mag-aalay sa'yo? Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon...'

​Halos walang tigil ang tilian ng mga tao, but the only sound that seemed to matter to me at that moment was Cilan's voice magically polymerizing with mine.

​'Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa'yo... Idadaan na lang kita sa awitin kong ito... Sabay ang tugtog ng gitara, ohhh...'

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon