CHAPTER TWENTY-EIGHT

769 53 9
                                    

FEATURED CHARACTER

NAME: Justine Claire Elizalde
NICKNAME: Justine
MAGIC TYPE: Aereas (Air) Magic
ZODIAC SIGN: Gemini (May 26)

**********

CILAN'S POV

​"Ano ba? Natutulog pa 'yung tao, e. Disturbo ka naman."

​"Sino ba kasi ang nagsabing magpuyat ka kagabi? Bilisan mo na 'diyan at baka ma-late na tayo. Quarter to seven na, Cilan, kaya bumangon ka na," hikayat ni Timothy na walang tigil sa kayuyugyog sa'kin.

​Pagkarinig ko sa oras ay mabilis akong bumangon sa kama, knocking Timothy to the floor. Malulutong na mura ang pinakawalan ng kaibigan, but I remained oblivious.

Tila lumulutang ang isipan ko. No. My thoughts were trapped. It remained on that scene last night. On that very unexplainable scene.

​Tumayo si Timothy at pinagpag ang nagusot na pantalon. "Buti naman at nag-decide ka nang bumangon. Kung nagmatigas ka pa, binuhay ko na 'yang mga unan para lagutan ka ng hininga."

​"Oh my God... paano ko siya haharapin ngayon?" tulala kong bulong sa sarili.

​"Hoy, Cilan Luigi! Are you ignoring me now on purpose?!?" inis na bulyaw ni Timmy.

​Instead of answering him, I dashed to the cabinet and grabbed an unused towel. "Maliligo lang ako nang mabilis, Tim. Mauna ka na lang sa dining area. Pakisabihan sila Prof. Archer na susunod ako."

​Nakapasok na ako sa shower room when I heard the door shut. Tumuloy na nga sa paglabas ang kaibigan ko.

Habang nagsasabon, hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Kilala ko si Timothy. Masyado siyang curious at mapagmasid. Tiyak na nagtataka na 'yun sa mga ikinikilos ko since last night. Kasi naman, si Sloane... arggghhh!!!

​After five minutes of rushed bathing, lumabas na ako ng banyo. Maingat kong isinuot ang costume namin para sa Day 4, isang royal mage robe set na may kasama pang wizard's hat.

Matagal ko nang pangarap na magsuot ng makinang na magician's robe. Ang mage robe na suot ko ay tinatawag na the 'Forest Master', emerald green ang kulay ng kasuotan na may kaunting leaf and vine accents.

I tried to do some stretching with the outfit on. Medyo mahihirapan akong gumalaw sa suot ko especially while engaging in physical battles, pero ayon kay Prof. Rohana mae-enhance ng royal mage robe ang taglay naming wielding magic.

I took one last look at myself. Ang cute ko palang tingnan habang suot-suot ang robe. Hmmm... I think something does not fit. Hinubad ko ang suot kong reading glasses. I grabbed a pair of contact lenses from my bag and carefully wore them. I checked myself again at the mirror. Just perfect.

​Nagkumahog akong pumanaog sa hagdanan (bigla kong nakalimutan na may elevator nga pala). I let out a sigh of relief when I saw the rest of the group na tila nagsisimula pang kumain.

​"Uy, Cilan, na-late ka 'ata ng gising?" bati sa'kin ni Kithara.

​Napangiti ako. "Naisipan ko kasing maglakad-lakad muna kagabi."

​"Talaga?" gulat na reaksyon ni Jacob. "Ibig sabihin, magkasama kayo ni Sloane kagabi?"

​Narinig ko ang halos sabay-sabay na pagbagsak ng mga kubyertos ng mga kasama ko (pati si Coach Archer!).

I threw a subtle glance towards the others, which I really regretted. Lahat pala sila ay nakatutok sa akin, para bang naghihintay kung ano ang sasabihin ko. Kristoff looked especially impatient, nakakunot pa ang noo. He won't eat me alive, will he?

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon