CHAPTER FORTY-ONE

579 35 17
                                    

FEATURED CHARACTER
CELESTINE SUI GO, the Luminux Magician

FAVORITE FOOD: Spam Gimbap
FAVORITE BOOK: The Alchemist by Paulo Coelho
QUOTABLE LOVE QUOTE, Playful Edition: Can I borrow a kiss? I promise I'll give it back.

**********
Hi Dear Readers! So after some challenges, nagbabalik tayo with a pa-update🥳 Thank you sa mga matiyagang naghintay kahit may topak at writer's block minsan ang Author. And thank you so much for helping me get 15k reads🥰 Sobrang nakaka-overwhelm po.

Naa-addict talaga ako sa Scrubb Songs ngayon, pero ang hindi ko talaga ma-overcome e 'yung Dtit Gup, lalo na 'yung Music Video😅
**********

CILAN'S POV

​"For the third and possibly the final match of our first Day 5 Semifinal pairing, it will be Leon representing Pacificsville. His opponent from Celesticville's side is... Cilan!"

​Halos mapalundag ako pagkatawag ng pangalan ko. Hindi naman sa ayaw kong lumaban, it's just that everytime I am thrusted forward to fight, a familiar feel of nervousness fills my heart.

​"Whoa, ang swerte naman natin! Three of our Elemental Magic wielders were selected in a row!" Oliver exclaimed.

​Sloane smirked. "Kung hindi papalpak ang magic ni Cilan. Ako na lang kaya ang lumaban for you?"

​Bigla kong kinurot ang nabugbog na pisngi ni Sloane, kaya napasigaw ito sa sakit.

​"Ang cute mo talagang mag-alala. Don't worry, hindi ako magpapabugbog masyado," assurance ko sa lalaki.

​Pumiksi ang lalaki, at tila nayayamot itong tumalikod sa'kin. But after a few seconds...

​"The pain of seeing you getting hurt," humarap si Sloane at tumingin sa mga mata ko, "...'yun ang pinakaayaw ko maramdaman."

​Matagal at ubod nang awkward ang katahamikan na naghari sa aming lima.

​"Ah... Hahaha!" tumatawang basag ni Charlie sa katahimikan. "Siyempre naman. Ayaw na ayaw ko ring nasasaktan ang mga kaibigan ko, 'di ba? I really get pissed off when I see them getting hurt."

​Napatango-tango ako at si Oliver. Okay na sana ang lahat, kaso may kasunod pang humirit...

​"Pangako, I'll be your shield from this day 'til the days to come," out-of-the-blue na banat ni Winter, sabay ngiti nang matamis sa'kin.

​This time, everyone was too dumbfounded to react. Even Sloane. Yeah, he's too shocked to say a thing.

​I decided to head to the stage. Kung mananatili pa ako nang isa pang minuto, mababaliw na ako.

​Malisyoso ang ngiting ibinigay ng kalaban ko nang magtama ang aming paningin. I chose to pose a poker face. I need to find out fast kung ano ang uri ng magic na mayroon siya.

​"Ang ikatlong laban sa pagitan ng Pacificsville at Celesticville, umpisahan niyo na!"

​Naglabas ng dalawang scythes sa magkabila nitong kamay ang kalaban ko.

​"Alam mo, Cilan, para kang isang regalo," parang ewan na pahayag ni Leon.

​Saglit akong natigilan sa biglaang banat ng lalaki. Shall I respond or not? "Ah... Paano mo nasabi?"

​Tumawa nang nakakaloko ang lalaki. "Kasi... ang sarap mong buksan! Li-Ang Magic: Circle Cyclone!"

​Binitawan ng kalaban ko ang mga sandata nito, na ngayon ay papunta na sa direksyon ko. I tried to dodge both weapons. I managed to be successful with my attempt, pero bumalik pala na parang mga boomerangs ang mga 'yun after they missed me.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon