FEATURED CHARACTER
FULL NAME: Winter Ysrael K. Chan
NICKNAME: Winter
MAGIC TYPE: Glacieq (Ice) Magic
STAR SIGN: February 17 (Pisces)**********
To the new readers and voters of my story, thank you for your support. I'll do my best to update the story as much as I can. Hope you can comment too so that I can have insights on where and what to improve.
**********CILAN'S POV
"Uy, nanalo na pala sina Sloane at Kristoff sa category nila," natutuwang balita ni Hyacinth.
Kasalukuyan kaming nagtitipon sa spectator's area ng arena at pinapanood ang mga laban using the various large screens showing the different categories. Nasa solo category kami nanonood nina Timothy at Xavier kasi gusto kong makita kung paano gagamitin ni Oliver ang taglay niyang wielder magic, na ayon kay Charlemagne ay 'super-OP' daw.
"I wouldn't expect the Fire and Thunder mages going down easy," kaswal na komento ni Xavier.
"For sure, binugbog na naman ni Sloane ang mga kalaban nila," iiling-iling na dagdag ni Timothy.
Nakahinga ako nang maluwag. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang matinding bangayan nina Kristoff at Sloane. It just made me happy knowing they somehow set aside their differences and cooperated with each other to win their match.
"Teka, may naisip lang ako. Si Cilan na lang pala sa mga Elemental Magic wielders natin na hindi pa nakakagamit ng magic niya rito sa Dark Intramurals," biglang sambit ni Jacob, catching everyone's attention.
"Oo, kasi nung laban ninyo, sinolo mo ang mga kalaban," pang-aasar ni Charlemagne.
"Isang beses ko pa lang nakikitang gumamit ng powers si Cilan. Sa laban nila ni Rico," Hyacith added.
"Celesticville delegates Xavier Reyes, Timothy Gatchalian, and Cilan Yap, please proceed to room #16-A immediately. Thank you," anunsyo ng pager sa gitna ng aming pag-uusap.
"Ha? Bakit tayo pinapapunta sa ibang room?" clueless kong tanong.
"Sumunod na lang tayo," wika ni Xavier na agad naming sinang-ayunan ni Timothy.
We went out of the spectator's area and looked for room 16-A. May mga pangalan pang tinatawag na mula sa iba pang schools, also three each per school. Hmmm... ano ba kasi ang ipapagawa sa amin?
"Cilan, Xavier, ito na ang room #16-A," turo ni Timothy sa isang nakasaradong steel door.
"Paano ba nagbubukas 'to?" curious kong tanong, nang bigla na lang bumukas nang kusa ang pintuan. Either it was a motion-detecting door o may nagbubukas ng pinto mula sa loob.
As we went inside the room, we noticed na naroroon na ang iba pang delegates na ipinatawag din. Napansin ko rin na merong tatlong tournament officials na nasa loob.
"Celesticville delegates, kanina pa namin kayo hinihintay," pasaring ng isa sa mga officials.
I saw Timothy rolled his eyes. "E sa naligaw kami. Kasalanan ba namin?" mahina nitong bulong.
"Kaya namin kayo ipinatawag ay dahil... may mahalaga kayong papel sa activity ngayong araw."
Nagbulungan ang mga tao. Bawat isa ay may kanya-kanyang kuro-kuro tungkol sa sinabi ng T.O.
"Okay. Gaya ng inianunsyo kanina bago magsimula ang Day 3 competition, sa round 2 ng Activity ay maaari nang maglaban ang mga teams mula sa magkakaibang categories, at para manatiling pantay ang dami ng participants sa bawat team ay mag-iinsert kami ng wielders mula sa parehong school sa madedehadong team. At kayo, from each of the six schools, ang mga ma-iinsert sa mga teams ninyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/111307811-288-k437704.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasíaIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...