FEATURED CHARACTER
NAME: Homer Dominic G. Ibarramendia
NICKNAME: Dominic/Dom
MAGIC TYPE: Terran (Earth) Magic
ZODIAC TYPE: Taurus (May 12)**********
Hello Active and Silent Readers! As promised, here's Chapter 29. Special thanks to Balmond07 for the amazing comment and to the readers who took time hitting the vote button. Much appreciated guys. Mas magsisipag pa ako sa pagsusulat promise, bawas muna sa ML😅
**********
CILAN'S POV
"Alam kong hindi na kayo makapaghintay na magsimula ang ating laban. Mag-uumpisa tayo sa Bracket B action! First up, maglalaban ang mga pambato ng Celesticville at Heliosville!"
Napapitlag ako after the announcement. Kami pala ang unang sasabak sa laban.
"Cilan, kailangan na nating pumunta sa battlefield," anyaya ni Sloane.
Tumango na lang ako habang sumusunod sa apat kung mga kasama. Ok, aaminin kong awkward pa rin kaming dalawa ni Sloane sa isa't isa. Tuwing nakikita ko ang pasa sa mukha nito na ang kamao ko ang may kagagawan, 'di ko mapigilang mainis pa rin. Still reminds me of that crazy thing that happened last night. If only I can turn back time... wait, can I ask Oliver to do that for me?
Pumwesto kami at ang Heliosville sa magkabilang dako ng arena. I noticed that Sloane attempted to stand beside me, kaya mabilis pa sa alas-kwatro akong nagtago sa likuran ni Oliver. I can't understand what I just did. Basta, hindi ko pa alam kung paano ko siya pakikitunguhan.
"Good luck sa inyo, Cilan! Kaya niyo 'yan!" masiglang sigaw ni Kristoff.
Nag-thumbs up ako sa kaibigan, pero saglit lang. Isa pa 'tong magulong isipin, e.
"At ngayong handa na ang lahat, oras na para simulan ang laban!" muling anunsyo ng announcer. Muling nagpalakpakan ang audience. "Para sa unang laban ng araw na 'to, maghaharap sina Cilan Yap ng Celesticville at si Flaire Von Dixen ng Heliosville!"
Kanya-kanyang cheer ang mga tao habang pumapasok kami ng makakalaban ko, isang magandang babae with strikingly red hair. Kainis, talo pa namin ang mga panabong na manok kung makahiyaw ang mga tao.
I flashed a timid smile to my adversary, but to my surprise, she simply turned her gaze away habang namumula ang mukha. Nagalit ba siya sa ginawa ko?
"Round 1, Cilan laban kay Flaire. Simulan na ang tunggalian!"
Walang gumalaw sa aming dalawa. Parang pareho pa naming tinatantiya ang isa't isa.
"Huwag mong isiping panalo ka na dahil lang isa kang Elemental Magic wielder," wika nito.
I nodded. "I never thought of it that way. Lagi kong ginagawa ang best ko sa laban."
Napangiti ang dalaga. "Mabuti kung ganun. Humanda ka, yaaahhh!!!"
Sumugod na si Flaire papunta sa kinaroroonan ko. She attempted a high flying kick to which I managed to block with my crossed arms, bagamat bahagya akong napaatras. She aimed for a punch pero nasalo ko ang kamay niya at marahas siyang itinulak palayo.
"Medyo maayos ka rin pala sa mano-manong laban," papuri ng babae.
Napangiti ako. "Salamat sa compliment. Ikaw rin, ang ganda mong tingnan habang umaatake."
Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Flaire, much to my confusion. "Ang pinakaayoko sa lahat ay 'yung binobola ako! Humanda ka sa'king lalaki ka, mabubugbog talaga kita!"
BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...