FEATURED CHARACTER
FULL NAME: Jacob Raphael Delgado
NICKNAME: Jacob
MAGIC TYPE: Agaperus (Pheromone) Magic
ZODIAC SIGN: June 6 (Gemini)**********
Special shoutout to new reader dar_z15. Keep posted for the updates. Happy Holidays everyone!
**********NARRATOR'S POV
"Matutuloy pa ba ang laban nila?" excited na tanong ni Allison sa mga kaibigan.
"Kung ako lang, pwede nang 'wag na lang nilang ituloy, total kahit sino naman ang manalo tayo pa rin ang makakakuha ng highest score, so let's conserve our MPs na lang," opinyon ni Charlemagne.
"Guys, may napapansin ba kayo kay Cilan?" out-of-the blue na tanong ni Oliver.
Nagkatinginan silang magkakaibigan. "Na ano specifically?" balik-tanong ni Hyacinth.
"Naalala ko lang kasi nung naglaban kami nina Blanche at Giovanni," panimula ni Oliver. "Nag-cast siya ng isang napakalakas na spell na siyang tumalo sa dalawa. Tapos sa laban naman nila with Abyssville, siya rin ang nakatalo kay Dominic, but in both cases, it's as if wala siyang matandaan sa mga nangyari pagkatapos."
"Are you saying na nagiging ulyanin si Cilan?" clueless na hula ni Yvonne.
Napakamot ng ulo si Oliver. "Silly. Naisip ko lang kasi... na baka..."
"May kumukontrol kay Cilan. 'Yan ba ang hypothesis mo, Oliver?"
Napalingon silang lahat sa nagsalita. It was Prof. Archer, with Prof. Rohana tagging along.
"Prof. Archer, nandiyan pala kayo ni Prof. Rohana," bati ni Charlie sa dalawang propesor.
Nakiupo na ang mga nakakatanda sa mesa kung saan nag-uusap ang mga Zodiac Stars. Maliban kay Cilan na nagpapahinga at kina Sloane, Kristoff, Xavier, at Timothy na nagbabantay sa natutulog na binata, kumpleto ang team at naghihintay sa Finals ng Day 3 activity.
"Posible ba ang sinasabi ni Oliver, Prof. Archer? Na may kumukontrol kay Cilan?" usisa ni Thara.
"Pero 'di ba resistant sa recessive magic ang Elemental wielders gaya niya?" dagdag ni Jacob.
Napabuntong-hininga si Prof. Archer. "Tama ang sinabi ni Jacob. Halos imposible na may makakontrol sa isipan ni Cilan o sa kahit sinong Elemental Magic wielder gamit ang Recessive magic. Kung sakali man, tanging isang natatanging uri ng Arcane o ipinagbabawal na Dark magic lang ang kakayaning pasunurin ang isang Elemental Magic wielder, something that's hard to come by these days."
"May Arcane magician kaya na posibleng gumagawa nito kay Cilan?" tanong ni Celine.
"Malabong mangyari 'yan. Madaling made-detect ng Council ang paggamit ng Arcane magic, lalo na't nasa loob tayo ng protective sphere ng Abyssville. Ang totoo..." naglihis ng tingin kay Prof. Rohana saglit si Prof. Archer, "may naiisp akong iba pang dahilan sa nangyayari kay Cilan."
"Ano naman 'yun, Prof. Archer?" pilit na usisa ni Kithara.
Umiling ang binatang propesor. "I'm sorry, Thara, but I cannot tell you just yet hangga't hindi pa ako—kami, nakakasigurado. Isa pa, oras na makasiguro kami, si Cilan muna ang pagsasabihan ko nito."
Nagpaalam na rin ang dalawang propesor afterwards, leaving all of them more puzzled than ever. Ano kaya ang posibilidad na naiisip ni Prof. Archer tungkol sa nangyayari kay Cilan?
SLOANE'S POV
Tahimik at nakapigil ang aming mga hininga habang hinihintay naming magising si Cilan. Kasalukuyang natutulog ang binata sa isang room ng Abyssville clinic. Ayon sa doktor, maayos na raw ang lagay ng lalaki at mukhang nasobrahan lang sa pagod dulot ng sobrang paggamit ng MP, pero mahigit isang oras na itong walang malay.

BINABASA MO ANG
Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)
FantasyIt appeared to everyone that 19-yr old Cilan's decision to enroll at Baguio City's most prestigious international school, Celesticville University, was a quirk of a whim. Unknown even to his bestfriend Monique, he did so to recover from a bitter epi...