CHAPTER EIGHTEEN

763 56 0
                                    

FEATURED CHARACTER

FULL NAME: Aaron Xavier L. Reyes
NICKNAME: Xavier
MAGIC TYPE: Hydrein (Water) Magic
STAR SIGN: Aquarius (February 11)

**********
Special shoutout to koppertabay for the flood votes on the available chapters and for giving me my very first comment. Thank you and please keep supporting!

**********

CILAN'S POV

Sumugod si Calix kay Denver at agad na pinaulanan ng mga suntok at sipa ang sana'y kakampi nito. Hindi umiwas si Denver, pero halos wala rin itong maramdaman dahil tumatalbog lang sa goo nitong katawan ang mga atake ng higanteng kalaban.

​Gumanti naman si Denver. Agad nitong binalot ang mukha ng kalaban using his goo body.

Calix tried to remove the gooey enemy away pero sadyang malakas ang kapit nito.

​"Pakawalan mo akong mang-aagaw ka!" nanggagalaiting sigaw ni Calix.

​"Manigas ka! Tatalunin kita, at magsasama na kami ni Jacob habambuhay!" Denver responded.

​"Hoy, hindi ko inutos na sabihin mo 'yan!" reklamo ni Jacob habang umaaktong naduduwal.

​Patuloy ang pagpupumiglas ni Calix na makawala, pero ayaw talagang magpaawat ni Denver. Walang nagawa si Calix kundi ang gawin ang isang desperadong hakbang: iniuntog nito ang sarili sa sahig ng arena!

Malakas ang pagkakauntog ng ulo ni Calix, dahilan para matumba ito at nawalan ng malay. Ilang sandali pa ay dahan-dahang lumayo si Denver mula sa pagkakapulopot nito sa mukha ng kalaban. Nagbalik na rin ang binata sa anyong-tao nito. Medyo groggy pa ang lalaki pero pilit pa rin itong tumayo at nginitian si Jacob.

​Jacob 'rewarded' his efforts with slow claps as he walked towards the victor of the contest, Denver. Tumigil ito sa tapat ng lalaki at binigyan ito ng kanyang 'killer smile'.

​"Ipinanalo ko ang laban dahil mahal na mahal kita, Jacob," proud na hayag ni Denver.

​Masuyong hinawakan ni Jacob sa baba nito ang binata. "I know. Good job. Alam ko naman na kayang-kaya mong talunin ang loser na Calix na 'yun. Now, be a darling and do me a favor. Sleep tight," bulong ni Jacob, bago nito hinalikan sa pisngi si Denver.​

​Namula nang husto ang pisngi ni Denver, bago ito nawalan ng malay. Tumalikod lang si Jacob at naglakad 'til he went past me, then out of the stage.

​"Denver and Calix are both down and out. Ang nanalo sa unang laban, sina Jacob at Cilan ng Celesticville University!"

​Malakas na palakpakan ang pumukaw sa aking gunita. Lumabas na rin ako mula sa battlefield, leaving our two adversaries to enjoy their deep slumber.

​"Congrats sa inyo, Jacob and Cilan! May first na tayo!" masiglang bati ni Hyacinth.

​Bahagya akong napatawa. "Wala naman akong ginawa. It was all thanks to Jacob."

​"Hoy, Jacob Raphael Delgado! Ano 'yung ginawa mo kanina? Bakit kailangan mo pang halikan ang lalaking 'yun? Ba't di mo na lang siya sinuntok, ha?!?" nanggagalaiting sumbat ni Thara.

​Jacob shrugged. "Relax, Thara. It was all for a show. Professional ako, and as much as I wanted to win, I also have to do it in style. Okay?"

​Nagkatinginan kami nina Kristoff, Sloane, Timothy, at Xavier, bago kami sabay-sabay na napailing. Wala pa akong nakitang kagaya ni Jacob. Wala pa talaga.


​"Ang susunod na maglalaban ay ang mga taga-Heliosville University magic wielders na sila Kaiser Michilov at Stanley Tubino laban sa representatives ng Boreausville University na sina Chloe Mcbride at Isaiah Go!" anunsyo ng emcee.

Dark Intramurals: Chronicles of the Magic Wielders (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon