Ika-labingdalawang Kabanata

135 3 1
                                    

"A-akala mo ba nabigla ako?Ha-ha-ha!Halata naman na crush mo ako e."utal na sagot ni Joriza habang init na init na ang kanyang mukha.

Nadismaya si Patrick sa sagot ni Joriza tama nga siya,walang sineseryoso si Joriza sa mga sinasabi niya kahit na totoo pa.

"Wew?You're not shocked yet,you are blushing.Hahaha!As always you're so cute,ML."pinisil niya pa ang pisngi ni Joriza.

"E!Ang init kaya."palusot nito.

"Sa lahat na lang ng palusot mo ayan na yung gasgas na gasgas.Mga 5x mo na yata pinapalusot yan.Haha!"pang-inis ni Patrick.

"Pangalawang beses na pala tayo lumalakad sa aisle.Kelan kaya yung pangatlo,yung may maghihintay sa akin sa dulo nun,tapos naka-white gown ako."

"Ano ka patay?Tapos yung pari yung nasa dulo and babasbasan ka?Hahahaha."

"Ihh!Hindi.Topak ka talaga.Nakakabwisit ka. "

"Don't worry,yung pang-third time mo sisiguraduhin kong sa church na..."napatitig si Joriza kay Patrick at hinintay ang sunod nitong sasabihin."Pag nahanap ko na si Zeena." Akala ni Joriza ay para sa kanya ang third time na paglalakad na iyon sa aisle.

Sa isip naman ni Patrick , ang ibig niyang sabihin ay kung mahanap nila si Zeena ay makukumpirma niya na ang kanyang nararamdaman na gusto niya nang magtapat kay Joriza nang walang halong ibang pagmamahal,gusto niya ay 'pure' ang pagmamahal niya dito kaya't ayaw niya pang sabihin.Alam niyang may kakaiba na siyang pagmamahal sa dalaga,hindi as friend lang,higit pa pero iba nga kasi talaga kung buong SIYA ang minamahal mo.

"Tapos ako yung bridesmaid?"hindi na sumagot pa si Patrick,hinila niya na ang kanang kamay nito at pumunta sa mga bench at naupo habang pinagmamasdan ang ma-bituing kalangitan.Hanggang may shooting star na dumaan.Pumikit si Joriza at humiling.

"Sana kahit malabo, mahal sana ako ng katabi ko."sabi niya sarili habang nakapikit.

"Sana mahal ako ng engot na 'to kahit mukhang tanga akong humihiling sa batong bumubulusok pababa."hiling naman ni Patrick, di siya naniniwala sa mga wish sa shooting star,pero ngayon parang kahit mukha na siyang tanga humiling pa rin siya ng bagay na gustong-gusto niyang mangyari.

"Ano hiniling mo?Alam kong nakita mo rin yun."

"That's my wish,di mo na kailangan malaman.And I'm not hoping na that shooting star will fulfill my wish.Hiniling ko yun to have some foundation but I'll do that wish with myself.Kahit na parang imposible."

"Yung akin sa tingin ko hanggang wish na lang yun.Kasi sa tingin ko nung dumaan yung shooting star ibang babae yung nasa isip niya e at hindi ako yung laman ng wish niya."nakatingala pa rin siya sa nagliliwanag na kalangitan dahil sa buwan at bituin."Sa tingin ko hanggang hiling lang talaga."inulit niya ito ng pabulong ng may halong lungkot,dumulas sa mga pisngi niya ang isang butil ng luha na nasinagan ng buwan.

"Umiiyak ka pa.Shooting star lang yun wala yang control sa sarili at walang kapangyarihan,pinapaasa lang tayo or to have some determination , e ikaw may utak ka , di nga lang matino."

"Hayy!Ewan ko sayo."sabi Joriza sabay punas ng basa niyang pisngi at inalis na ang tingin sa kalangitan.

"Joke.I mean may magagawa ka para magawa mo yung goal mo dahil hawak mo yung sarili mo at kaya mong kontrolin."naramdaman naman agad ni Patrick na nabadtrip si Joriza sa sinabi niya kaya mabilis niya itong binawi.

"Wala na yata,sila na yata ang destiny."

"Haha!Destiny?Do you belive in destiny?Hahaha!Sucks."

"Totoo kaya yun."

"E sino ba kasi yang ungas na sanhi ng ka-emohan mo?"

"Wala,paasa lang yun.Ma-effort pero wala naman alam sa nararamdaman ko,hindi niya alam na umaasa akong mahal niya rin ako."

"Tss.Pa-showbiz ka pa."

"E ikaw bat ayaw mong sabihin kung ano wish mo?"

"The things that you treat as an important part of your life are the most worthy things that you don't need to share baka mawala yun.Mahal ko na kasi yata yun."

"Talaga?Swerte naman nun.Pinapahalagahan ng isang Patrick Santiez."

Napangiti na lang si Patrick sa sinabi ni Joriza.

"Yes.Worthiest."sambit nito ng nakangiti."Bago nga pala matapos ang birthday mo."sabay kuha nito ng isang box.Inilabas niya sa box na ito ang isang kwintas na may pendant na may nakalagay na 'ML' at puno ito ng mga kumikintab na bato na tila mga bituin sa kalangitan.

Hindi makapagsalita si Joriza sa ibinigay ni Patrick, nadagdagan na naman ang pagmamahal niya dito.Hindi dahil sa materyal na ibinigay nito kundi sa effort na nasa loob noon,alam niyang hindi iyon ginawa ni Patrick pero pinag-isipan niya talaga ang disenyong iyon.

Sinuot na ni Patrick ang pinasadya niyang kwintas na gawa pa sa kanilang company.

"S-salamat."ngumiti lang si Patrick at inilabas ang nakatagong kwintas sa kanyang damit na panglalaki ang dating ngunit ganon din ang design,may nakalagay ding 'ML'.

"Bat ML ?Ansura kaya ng meaning neto.Hahaha!"sabi ni Joriza ng makita niya ang kanilang necklace.

"Syempre ayon naging tawagan natin.Alangan naman  'love' o kaya 'honey' ilagay ko.?"

"Nga naman.Thank you!You gave me an unforgettable birthday.Salamat ML."

"You're always welcome ML."

*Joriza's POV*

Grabe talaga ang effort ng lalaking 'to, ang hirap niyang hindi mahalin.Ang tanga ni Zeena,iniwan niya pa.

Bakit kaya sa taong taken na madalas naa-attract ang isang tao o kaya sa mga taong imposible kang gantihan ng pagmamahal na binigay mo?Ang hirap naman,naging drama yung lovelife ko.

I think I need to stop this dreamy life,masyado akong hopeless romatic.

Pero kaya ko pa kaya?Kaya ko pa kaya siang kalimutan at isantabi?T*nga mo kasi Joriza, minsan ka na lang lumablayp SABLAY pa,dun pa sa taong wala kang pag-asa.Pero Joriza mas mabuti ng maaga kesa mas tumagal ang nararamdaman mo,dadating din ang araw na makikita niya si Zeena at pag dumating yun,wala ka ng kwenta.SUBSTITUTE ka lang.

"WAAAAAAAH!I HATE YOU!"nakakabwisit naman,kanina pa ako parang tanga kakaikot sa kama ko.Lintik na Santiez yan!Paasa talaga.

"Oy!Labs,na-rape ka na ba diyan?Wait lang,I'm coming."sigaw ni Hanna mula sa labas.

"Nasan ang rapist?!"panic ni Hanna pagkabukas ng pinto ng kwarto ko,may dala siyang walis at dustpan.

"Talaga bang lalabanan mo ang rapist KUNG may rapist man?O maglilinis ka?"

"Maka-sigaw ka kasi akala mo kinakatay ka.Tsaka bat anong nangyari dito?Dinaanan yata ng bagyo 'tong kwarto mo e."

Pagkakita niya sa kwarto kong mukhang may giyera dahil sa mga unan na nasa iba't ibang sulok ng kwarto at ang mga gamit na gulo-gulo dahil sa mga hinagis kong unan.

"Wala!Bebs,mahal ko na yata siya?"nag-tantrum na ako sa kanya.

"E?Diba may hinahanap kayong girlfriend niya?"

"Oo.Ayun na nga e,mukha hopeless romantic ako."

"Oo nga H.R ka.Pero pumili ka?Maging masaya for temporary at masaktan sa huli o tatapusin mo na ng hindi malalim yung pagkakasugat ng iyong wounded heart?"ano nga ba talaga pipilin ko?Hindi ko alam.Lintik!!!

"Sige.Isip ka muna."pumunta na siya sa pintuan at umalis na dala ang walis at dustpan.

Its hard when you losing someone but its harder if you are the one who will lose.

Kailangan ko na siyang kalimutan,kahit na masaktan ako at mawala siya sa akin,kesa naman ako ang mawala sa sarili ko at masaktan ng todo.

*Author's Epal*

Comments and Vote ;) Tnx.

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon