Ika-labing apat na Kabanata

114 3 0
                                    

*Zeena's POV *

"Thanks Zeena,you came.I need you.."para akong tangang nakatitig sa kanya habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin."To confirm kung ano ang nararamdaman ko."

"Para kanino?Hindi mo na ba talaga ako mahal?Rick,three months na lang ang natitira sa buhay ko,kaya ako umalis dahil ayaw kong makitang umiiyak habang naghihingalo ako.Rick,I love you until now.Lumalim pa yata dahil sa pag-alis ko."akala ko talaga kaya ko,akala lang pala talaga.

"Joriza Yap.Salamat sa kanya pinasaya niya ako."

"Mahal mo ba siya?"

"Mahalaga siya sa akin noon."nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niyang yun.Pero may kasunod pa pala."Mahal ko na siya ngayon."humangos na naman ako sa sinabi niya.Masakit pa nung iniwan ko siya,ang sakit na may iba ng mahal ang mahal mo.Mahal mo nga siya pero wala ka ng karapatan sa kanya.Ang masakit pa ako ang may kasalanan kung bakit siya nagmahal ng iba.

"Joriza?My bestfriend?"Nagkalimutan kasi kaming magpakilala sa isa't-isa.Pero sa tingin ko siya si Joriza, siya yung kaninang bag pack na nasa office niya.

"Yes.Hinanap ka namin noon dahil mahal kita,pero ngayon hinahanap kita dahil mahal ko na siya.Gusto ko lang talagang makumpirma kung mahal ko na ba siya talaga,hindi dahil wala ka lang.But now,you came I know what is the answer.Mahal ko na talaga siya."

"Oo na!Mahal mo na siya,kasalanan ko na!Ang tanga ko kasi akala ko hanggang ngayon mahal mo pa din ako, akala ko magiging permanent yun.Nagkamali pala ako."niyakap niya na ako,pero iba ang pakiramdam sa yakap niya noon nung mahal niya pa ako.

"No,that's not your fault."tapos kinalas niya na ang pagkakayakap niya sakin.

"Hindi na ba talaga pwede?I'll do my best for you,love me again,Rick?Please."napatitig na lang siya sa akin.

"Sorry,past is past."tapos iniwan niya na ako sa kinatatayuan ko pinanuod ko na lang siya lumakad papalayo habang umiiyak ako.

Ang hirap pala talagang bawiin ang minahal mo noon lalo na kung may mahal na siya ngayon kahit na may past pa kayo.PAST IS PAST nga yata talaga hindi mo na mababalik ang nakaraan lalo na ang pagmamahal kung ito'y lumipas.

*Joriza's POV*

Kinuha ko ang panyo ko sa bag pack ko ,naisilid ko pala ang regalo ko sa kanya.Tss.Bibigay ko pa ba?Sige na nga sandali lang naman ako sigurado naman akong sarap na sarap pa yun na kasama si Zeena.Ouch naman!Bakit kaya lagi ko na lang sinasaktan ang sarili ko.

Bibigay ko 'to sa kanya para naman maalala niyang ako kasama niya nung nakakita siya ng shooting star.

Di na ako kumatok pa dahil akala ko walang tao sa loob.Pero nagkamali ako,habang nakatingin sa akin ay hawak niya ang resignation paper ko.Alam niyang ako ang papasok dahil ako lang naman ang hindi kumakatok pag pumapasok sa office niya.

"No.You can't."sabi niya tapos lumapit siya sa akin at iniabot sa akin yung papel.

"Sa ayaw at sa gusto mo,aalis ako.Salamat sa lahat."sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya,ayaw ko siyang tignan sa mata baka kasi maiyak na lang ako,nasasaktan ako pag nakikita ko siya.

"Bawal.Boss mo ako!Dumating na Zeena,konti na lang yung trabaho mo."ayan na naman,narinig ko pa ang pangalan niya.Awtomatikong tumulo ang luha ko,pagtingin ko sa kanya hindi ko na talaga mapigilan.

"Why are you crying?"tanong niya sa akin pagkakita niyang tumulo ang luha ko,pero wala man lang laman ang emosyon niya.

"Kaya gusto kong umalis dahil dumating na siya!Kaya gusto kong umalis dahil ayaw na kitang makita,kaya aalis ako dahil masasaktan ako pag nakikita ko kayo at higit sa lahat aalis ako dahil mahal na kita,ang sakit lang kasi na umasa akong makakalimutan mo siya ng dahil sa akin pero syempre imposible yun,ayaw ko ng mas maramdaman pa ang sakit pag nagtagal ako dito."sabi ko habang umiiyak at nakatingin sa taong nasa harap ko na parang wala talagang pakialam,napahiya lang ako.Pahiya na nga,nasaktan pa ang saklap lang.

Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.Lumapit siya sa akin at nagulat na lang ako when he kissed me.Napatulala na lang ako pagkaalis niya ng labi niya sa labi ko.Gusto ko man gumalaw pero hindi ko magawa dahil hindi ako makapaniwala.

After 5 minutes..

"I love you too,Joriza.Now I confirmed kung ano ang nararamdaman ko." Para namang nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko na nakapagpagising sa akin.

"H-huh?"tanong ko dahil kaka-sink in lang nung sinabi niya.

"Gusto mo ring pinapakinggan no?I love you,Joriza.Clear?"

"E?"pinitik niya yung noo ko sa pabirong paraan.

"Engot ka talaga.Wala ng bawian a.Go on a date with me.Please?"alam niyo ba yung feeling pagnagbigay ng sweet word sa inyo ang crush niyo?Yung tipong gusto mong magtatalon at magtitili?Gusto kong gawin yun pero hindi pwede masyadong showy!

"Kahit na wag mo na akong ligawan tayo na!"ayan,gusto ko rin sanang sabihin pero kailangan kong magpakipot.HAHAHA!

"Pilitin mo ako."sabi ko habang pinupunasan yung mga Epal kong luha.

"Okay.Bukas a."

"Bakit pumayag na ba ako.?"

"Alam ko.iniisip mo!Pakipot ka pa,mahal mo naman ako.Grabe,muntik na ako mapa-standing ovation with applause.Buti na lang nakatayo na ako,at sumasakit yung kamay ko.Haha!Pang-famas,pwede mo naman kasing sabihing I love you gusto mo lang i-kiss kita e.Tsaka naunahan mo lang ako sasabihin ko na sana yun.Kaya lang umagaw eksena ka e.Buti na lang mahal kita."LETSE!Feeling ko ang OA ko nga kanina,tss.Kabwisit.

"Di ako pumapayag."sabi ko with cross-arm.Haha.

"Di wag."huhuhu!Di niya talaga ako pipilitin?

"Okay."

"Kahit naman di ka pumayag,ide-date pa rin kita.Kahit hindi ka magpaligaw,liligawan kita.Understand?"OMG!KILIG HERE!

"Ba-bahala ka."bakit ba utal ako?Lintik na 'to.Pinakilig ako.

"Di ka pa tumili , kinikilig ka na."hinampas ko siya sa braso.

"Engot.Di kaya!"

"Sa sinabi ko pa lang kinikilig ka na,pano pa kaya kung gawin ko na?"ibinigay niya sa akin yung tissue sa table niya."Punasan mo sipon mo tumutulo,kung di lang kita mahal na-turn off na ako.Kaso in my eyes you're so perfect e."sabi niya ng nakangisi at lumabas na siya.

Wala talagang GMRC yung lalaking yun.Lintik naman di ko mapigilang mapangiti sa mga nangyayari.Am I dreaming?Don't wake me up if I am.

Isa lang nararamdaman ko ngayon,MASAYA ako.

*Author's Epal*

Isipan niyo na lang kayo si Joriza, masaya sa lovelife ;) Comments and vote :*

at ang chapter pala na 'to ay dedicated sa pinakamamahal ko din na si Patricia Joie Lojo Flores :** (Kahit wala siyang wattpad account.XD)

XOXO

Achooo!(Will Revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon